36

29.8K 771 111
                                    


ISANG mahabang katahimikan ang namagitan bago dinugtungan ni Basil ang pagsasalaysay. "Paminsan ay dinadalaw ko nang palihim si Shannon sa Maynila. Sa International School ko siya dinadalaw. Antonia wouldn't allow me to see her. She hated me, I think because of that insult I hurled at her long time ago." Nag-angat ng mga mata si Basil kay Renz na nakatayo sa may barandilya ng balkon at nakatalikod. Ang mga kamay ay nakapaloob sa mga bulsa ng maong.

"Antonia moved heaven and earth, magta-gumpay lang si Shannon. I was worried about her because she was still very young. Sa halip na kasing-edad ang mga kasama ay nagtatrabaho na bilang commercial model. Bagaman nanatili ang komunikasyon, nang manalo si Shannon sa Supermodel Philippines at magtungo silang mag-ina sa Amerika ay hindi na kami muling nagkita maliban nitong umuwi siya."

Nang mamatay si Antonia, tinawagan siya ni Shannon. Nang ihayag nito ang pagnanais na iuwi ang labi ng ina, siya ang nagsuhestiyon na sa San Juan ilibing si Antonia. That cemented her decision to come home.


"Paano mo ipaliliwanag kay Tiya Guada ang aking pagdating?" tanong nito sa kanya."Pitong taon kang nanirahan dito, Shannon. Hindi man aminin ng Mama ay alam kong kinagiliwan ka niya. Alam kong nasaktan siya nang umalis ka. At sa tuwing nakatatanggap siya ng mga postcard mula sa iyo, napapangiti siya. Mahusay ka raw na bata at marunong tumanaw ng utang-na-loob. At nang maibalita ko ang pagkamatay ng mommy mo, she was so worried. Nag-iisa ka na lang daw. So, you see, ikatutuwa niyang uuwi ka rito."


"W-wala pa rin ba siyang alam kung sino ako?"Basil sighed heavily. "Hindi niya kailangang malaman, Shan," sagot niya sa nahihirapang tono. "It wouldn't change a thing if she knew. Mas natatakot pa nga ako na makasasama sa Mama kung malalaman niya. Hindi ko matiyak kung paano niya tatanggaping sa mga panahong iyon ay kinupkop ko ang anak ng Tiyo Felix sa ibang babae. It would appear as if I betrayed her since she hated those women...


"I HATED her father," dugtong ni Guada nang matapos magsalita si Basil. "Worst, kinasuklaman ko ang sarili ko sa pagiging mahina at nagpadala sa matatamis na salita ni Felix at nagpakasal dito hindi pa man nakababang-luksa ang asawa ko.


"I wanted to blame Shannon for her father's sin. Ipinagbili ni Felix ang kalahati ng minana kong lupain. I couldn't remember signing any deed of sale but my signature was on the document. It was genuine. Kung paanong nagawa ni Felix iyon ay hindi ko matandaan. Perhaps one of those times when he gave me drugs everytime I suffered nervous breakdown..." pagtatapos nito."Kailan po ninyo nalaman ang katotohanan," tanong ni Steffanie, sinulyapan si Basil.


"The day Felix died. I saw Shannon cried in one corner. Ang batang estranghera ay hindi iiyak nang ganoon kung wala itong kaugnayan sa namatay." She took a deep breath. "Gusto ko siyang kamuhian dahil sa ginawa ng ama niya sa akin... sa pagkawala ng kabuhayang naging sanhi upang manganib ang aming pinansiyal na katayuan. Pero ano ang kasalanan ng isang bata na kahit ito man ay dumanas ng hindi mabuting pagtrato mula sa sariling ama?"


No one spoke. Not even Renz who was clenching his jaw."Shannon was a good kid, Mr. Navarro," patuloy ni Guada. "And yet it hadn't been easy to forgive and forget. Nang unti-unti nang nahuhulog ang loob ko'y kinuha naman siya ng ina niya. Nasaktan ako."


Lumingon si Renz at nagsalita matapos ang mahabang pananahimik. "Would anyone know where I could find her?"


"Kung alam ko'y sasabihin ko sa iyo, Renz," Basil said sincerely.Binalingan niya si Guada. Malungkot itong umiling. "Kaninang umaga ay narito siya. Kinumusta ako at tiniyak na walang masamang nangyari sa kanya. She took some of her things including her passport."


Passport. Damn. Bakit hindi niya naisip iyon? Kung narito si Shannon kaninang umaga ay mahabang oras bago ito makarating ng airport at mag-chance passenger.


"Bukas ay malamang na nasa Amerika na uli si Shannon, Mr. Navarro. Natitiyak kong tatawag siya sa akin. Ipaaalam ko kaagad sa iyo."



*******************************Magkikita pa kaya sila Renz at Shannon, baka maunahan  pa kita Renz ah hahahaha. See you in the future mga beshie. Take care and God bless - Admin A ********************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant