8

19.7K 512 48
                                    


SHANNON didn't know what awoke her. Parang tunog ng isinarang pinto. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. For a while she was disoriented. Ilang sandaling inikot niya ang mga mata sa paligid. Nasa loob siya ng isang hindi pamilyar na silid at nakahiga sa isang malaking kama.


Nang mapatihaya siya at mapatitig sa kisame ay malakas siyang napasinghap. Sarili niya ang nakikita niya.


Salamin. Malaking salamin ang nakatapat sa mismong kama. What a joke! She grimaced in distaste.


Wala sa loob na dinaklot niya ang puting kumot na nakatakip sa katawan niya. Pagkuwa'y niyuko ang sarili. Sa ilalim ng kumot ay hubo't hubad siya!


Fear gripped her as a sick sense of déjà vu washed over her. Maliban sa pagkakataong iyon ay mag-isa siya sa loob ng silid. Napabangon siyang bigla subalit nanatiling nakaupo sa gitna ng kama. Gustong sumabog ang dibdib niya sa kaba habang pinakiramdaman ang sarili.Ang relief na nadama niya ay halos magpahina sa kanya. Maliban sa hubad siya ay wala siyang maramdamang dapat niyang ikabahala.


What happened? Saan siya naroroon? Bakit siya hubad?


Tumayo siya at ipinulupot ang kumot sa katawan. Hindi pa siya nakakahakbang nang sa pakiramdam niya ay parang gumewang ang sahig. Agad siyang napaupong muli. Muling inikot ang tingin sa malaking silid. There were no windows but—portholes!Napahawak siya sa noo niya. Agad ang pagbabalik sa isip kung nasaan siya. Na lalo lamang nagpadagdag sa pag-aalala niya.


Nasa isang yate siya. Sa isang pribadong party sa imbitasyon ni Congressman Mendres. Ang ikatlong party na dinaluhan niya sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang huli ay sa party ni Frederick kung saan una niyang nakilala ang congressman.Nasa San Juan siya nang tawagan siya ni Ross mula sa condominium at sabihing tinanggap nito ang imbitasyon ni Congressman Mendres, on her behalf.


"Wala kang karapatang pagpasyahan ako, Ross," she remembered herself reprimanding him. Hindi siya umuwi sa Pilipinas para lamang ubusin ang panahon sa pagdalo sa mga kasayahan. Ang mismong bagay na kinababagutan niya sa nakalipas na mga taon.


"Ipinagpauna ko na sa iyo ang tungkol sa imbitasyon niya, 'di ba?" katwiran nito. "Besides, as far as I know, ako pa rin ang tumatayong manager mo, Shannon. I haven't receive my termination paper, verbal or otherwise. Isang kilalang tao si Congressman. At kung tatanggihan ko siya, it's bad publicity."


Napilitan siyang sumang-ayon at ipinangako sa sariling iyon ang huling party na dadaluhan niya.


Mula sa San Juan ay inihatid siya ni Basil sa Maynila nang umagang iyon. Nagpahinga muna siya nang ilang sandali sa condo at pagkatapos nilang magbihis ni Ross ay nag-taxi sila patungong Manila Yacht Club. Mula roon ay isang lantsa ang sumundo sa kanila patungo sa pagdadausan ng party. Ang yate ay nakadaong hindi kalayuan sa Manila Bay.Nagulat pa siya nang makitang hindi naman ganoon karaming tao ang dinatnan nila sa yate. Marahil ay wala pang labinlimang katao ang naroroon. At nang bilangin niya ay anim lamang silang babae.


Nakangiti si Congressman Mendres nang salubungin sila. While holding her against him possessively, he introduced her around. Naka-freeze na ang ngiti sa mga labi niya. Dalawa sa mga babaeng ipinakilala sa kanya ay mga artista sa pelikula. Duda siya kung matatandaan niya ang mga pangalan ng mga ipinakilala sa kanya. She hated the way men looked at her. Tila ba siya isang masarap na pagkain at ang mga ito ay gutom na gutom.Wines were served. At habang nakikihalubilo si Ross sa mga naroroon, Congressman Mendres didn't leave her side.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now