28

30.2K 807 296
                                    


HAPON nang magising si Shannon kinabukasan. Alas-dos pasado na ng madaling-araw nang makauwi sila at hindi naman siya agad nakatulog. Pagkaligo ay agad siyang nanaog. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Renz ngayong araw na ito. Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nito kay Basil na babalik na sila sa isla.Sa ibaba ay nasalubong niya ang isang katulong, may dalang tray na may lamang baso ng freshly squeezed orange juice. Bumati ito ng magandang hapon at tinanong siya kung gusto niyang kumain.

"Mamaya na," sagot niya. "Nakita mo ba si Renz?"

"May importanteng kausap si Sir sa telepono, Ma'am," sagot nito. "Nasa den. Sa kanya nga po itong juice."

"Ang papa't mama niya?"

"Nasa gym po sa basement sina Sir Lance at Ma'am Billie."Hinayaan na niyang magtuloy ito sa den, kung saan mang bahagi iyon ng kabahayan. The maid walked towards the left wing of the house. Sinundan niya ito dahil naroon din ang direksiyon ng malaking sala at drawing room.

Palabas na siya nang makita niya sina Congressman Mendres at Vanessa na dumarating kasama ng mayordoma na marahil ay siyang nagbukas ng pinto sa mag-ama. Mabilis siyang napaatras sa isang malaking column.

"Gusto kong makausap ang Sir mo, Marcela. Kung gising na ay tawagin mo," utos ni Vanessa."Opo, ma'am. Pakihintay lang po dahil may kausap sa telepono. Ipaaalam ko pong narito kayo. Dito na po ninyo hintayin si Sir sa drawing room."

"At sabihin mo na rin kay Lance na gusto ko siyang makausap, Marcela," pahabol ni Congressman Mendres at lumakad patungo sa drawing room. Sa paraan ng pakilos ay naroon ang familiarity ng isang kilala at importanteng panauhin. Si Vanessa ay sumunod sa ama.

Sa halip na dumeretso sa sala ay umatras si Shannon at lumiko pakanan, sa bahaging likod ng drawing room. She was about to turn left when she heard Vanessa's voice.Nagsalubong ang mga kilay niya at napahinto sa paghakbang. Paano niyang naririnig ang tinig nito? Materiales fuertes ang kayarian ng buong kabahayan. At nakita niyang isinara ng maid ang malaki at makapal na pintong narra.

Pero maliwanag niyang naririnig ang tinig ng mag-ama. Natukso siyang tumayo roon at makinig.

"I could kill Renz for this, Papa!" pasigaw nitong sabi. May narinig si Shannon na ibinagsak nito sa mesa. "Tingnan mo nga ang mga larawang iyan sa peryodiko at ang artikulo. Paanong hindi ko nalaman ang tungkol sa party ni Steffanie? I know that brat doesn't like me, pero ang babaeng iyan ang sumira sa buhay niya! I don't understand this at all."

"Hija, huminahon ka..."

"Bullshit!" mura nito. "Nagmukha akong tanga sa mga kaibigan ko. At hindi ito ang unang pagkakataong nakunan sila ng larawan ng babaeng iyon sa isang kahina-hinalang tagpo! Ang una'y kasama pa ako, sa party ni Frederick. Niloloko ako ng lalaking iyon nang harap-harapan! Hindi niya magagawa sa akin ito."

Napasinghap si Shannon mula sa kinatatayuan niya. Nakunan sila ng larawan ni Renz kagabi? Bakit hindi nila parehong napuna iyon?

Subalit hindi niya makuhang mag-isip nang matagal, muling nagsalita si Vanessa.

"Naniniwala akong dapat nating kausapin si Renz at ang mga magulang niya," sagot ni Congressman Mendres sa diplomatikong tono. "Hindi tama ang ginagawa ng anak nila. Pero maging mahinahon at mataktika ka, hija. Hindi natin gustong maghisterya. Hindi nakukuha sa ganoon ang lahat. Kailangan ko ang suporta ni Lance sa kandidatura ko sa susunod na taon."

"Tiyakin mong maipapanalo mo ang kandidatura mo, Papa. Sawang-sawa na ako sa kapaparoo't parito sa mga squatter at rural areas. Nananayo ang mga balahibo ko sa tuwing kinakarga ko ang mababahong mga batang iyon! Kung alam lang nilang diring-diri ako sa kanila!"


Tinakpan ni Shannon ang bibig upang pigilan ang malakas na pagsinghap. Kung naririnig niya ang mga ito, baka marinig din ang anumang ingay na maaaring magawa niya.Isang tiwalang tawa ang pinakawalan ni Congressman Mendres. "Magiging senador ang ama mo, hija. Trust me. And of course, malaking tulong ang ginagawa mong pagmamalasakit sa mga mahihirap na kabataan."


"So back to why we are here," wika ni Vanessa. "Kung hindi mo pinakawalan si Shannon sa yate nang gabing iyon, di sana'y hindi umahon ang problemang ito sa pagitan namin ni Renz. Di sana'y naipamukha ko sa babaeng iyon na wala siyang karapatang pagmalakihan ako. Besides, paano bang nagkamalay kaagad ang babaeng iyon sa drugs na ibinigay ko sa iyo bago ako nagpahatid sa yate ni Renz?"


"Ayon kay Trixia ay itinapon niya sa paso," wika ni Congressman Mendres, may bahid ng galit ang tinig. "Forget her. Hindi siya importante. Ang ipagpasalamat natin ay hindi siya gumawa ng iskandalo. Hindi siya paniniwalaan dahil sa reputasyon niya sa Amerika, pero kahit paano ay uugain din niyon ang katayuan ko sa pulitika."


Mulagat na napaatras si Shannon sa dingding. Ito ba ang uri ng mga taong sinasabing may magandang katayuan sa lipunan? Mapagkawang- gawa sa mahihirap?The hypocricy nauseated her.


Ito rin ba ang babaeng pakakasalan ni Renz? Anger rose in her chest at the thought. Hindi siya makapaniwalang nadadaya si Renz sa panlabas na anyo ng isang babae.Subalit anuman ang natuklasan niya ay mananatili sa kanya. Wala siyang magagawa. Tama si Congressman Mendres. Her words against him.


Pinagsamang panlulumo at galit na tumalikod siya upang bumalik sa pinanggalingan nang mabunggo siya sa isang matigas na katawan. Ang mga kamay nito ay agad na nakahawak sa baywang niya upang huwag siyang mawalan ng balanse.

"Renz!"


****************************Parang ang dami kong kilalang ganito. May magandang katayuan sa lipunan pero iba naman ang ugali puro pakitang tao lang pala. Feeling ko nga wala na akong tiwala sa government puro na lang kasi negative ang nakikita at nababasa ko hahahaha. Kaya nawawalan ako ng tiwala sa nasa government eh bibihira kasi talaga yung kaya kong ivouch na may magandang ugali at hindi puro pakitang tao lang. Kaya nga minsan mas gusto ko pang nakikipag-usap sa ordinaryong mamamayan atleast may matutunan ako sa kanila at sa trato nila sa kapwa. Minsan talaga masarap umiyak. I feel you Shannon. - Ang drama natin ngayon mga beshie. - Admin A ********************************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon