11

21.2K 642 86
                                    


SINIPAT ni Renz ang oras sa relong nasa braso. Alas-tres ng madaling-araw. Halos isang oras na mula nang ihatid ng lantsa si Vanessa. He was tired and yet sleep deserted him. Mula sa cabin ay bumaba siya sa lower deck upang magpaantok. Inutusan niya si Dario na sabihin sa kapitan ng yate na maglayag sila pauwi sa AltaTierra.


Bukas ng hapon ang meeting niya sa mga tauhan sa destileria. Kaninang umaga ay may meeting siya sa board of directors ng FNC. Or technically, it was yesterday morning, dahil mag-uumaga na. Pagkatapos ay ang party sa yate niya na nagsimula ng alas-ocho y media kagabi.Lord, he was tired he wanted to sleep for a week.


"Sinabi mo nga bang maglalayag tayo pauwi sa Alta Tierra?" bungad ni Lemuel sa may hagdanan, ang cuareinta y cinco años na kapitan ng yate.


"Yeah. Let's set sail now, Lem. Bukod sa meeting sa mga tauhan bukas at sa supervisors naman sa susunod na araw, may darating na mga ahente sa destileria sa Biyernes."


"What about Steffie's birthday party on Saturday?"Sandali siyang natilihan. That would be three days from now. Hindi na sana niya gustong isipin muna si Steffie hangga't hindi niya nagagawan ng paraan ang panibagong suliraning kinakaharap nito. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtiim ng mga bagang.


Hindi niya maipangangakong aawatin niya ang Tita Melanie niya kung sakali mang lumabas ang pagiging matapobre nito. At hindi niya gustong sirain ang gabing iyon para kay Steffanie.His cousin hadn't even the slightest idea that her new found happines might not last long. And he wished he could do something to prevent her getting hurt all over again.Tumikhim si Lemuel na naghihintay ng sagot niya.


"Hindi ko pa madesisyunan kung dadaluhan ko ang party ni Steffie, Lem. Anyway, maaari naman akong gumamit ng chopper."


Tumango si Lemuel at muling bumalik sa itaas patungo sa engine room.Inihilig niya ang katawan at akmang ipipikit ang mga mata nang sa peripheral vision niya ay makita niyang gumalaw ang hagdanang lubid na nakabitin sa labas ng yate.


Wala sa loob na tinitigan niya ang hagdanang lubid. Hindi naman mahangin para gumalaw iyon. At hindi pa rin umaandar ang engine ng yate.


He would have closed his eyes at umaasang makakakuha kahit sandaling tulog nang manlaki ang mga mata niya sa nakita sa puno ng railings ng yate. May kamay na nangunyapit doon... at pagkatapos ay sinundan iyon ng isa pang kamay!


Kasunod ng mga kamay na mahigpit na nangunyapit sa barandilya ay ang ulo. Then a body emerged. Kung saan man galing ay hindi niya alam. He must be too tired and what he was seeing was a product of his tired mind. Nasa gitna sila ng laot. More or less two thousand yards from Manila Bay.


But the image was there on his deck.A woman!


Yes, he could not mistake her for anything else. A woman climbed up on his yacht wearing nothing but... sea water dripping all over her body!


Wala sa loob siyang tumayo at humakbang palapit sa imaheng nasa harap niya. Gusto na niyang paniwalaang produkto lamang ang imahen ng nahahapong isip niya kung hindi dahil sa pagkamangha at takot na nasa mga mata nito. Her eyes almost occupied her face and she stood there like a sculptured statue of Aphrodite.


Then he drew in his breath, blinked twice. "Shannon?" Renz wasn't sure if the words came out of his throat. But he couldn't be mistaken. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang anyo nito.At bago pa uli niya mabigkas ang pangalan nito ay bumuway na ang hindi inaasahang panauhin.He was therein time to catch her head from hitting the floor deck.


******************Grabe ka Shannon,,,, mabuti at nakarating ka sa yate ni bibi Renz ko. Pero para-paraan ka talaga noh Shannon char hahahahaha. Hay namiss ko mag-rant pa rant pa nga char hahahaha. Minsan talaga dumadating tayo sa point na kahit na hirap na hirap na ay pilit nating kinakaya para lang magpatuloy sa buhay parang si Shannon kahit hirap na hirap ng lumangoy ay pinilit pa rin para lang makaligtas sa mga mapagsamantala. Haysss I feel you Shannon kahit ako hirap na hirap na rin. Super nakakapagod kaya maging maganda char hahahahaha . Char lang mga beshie . Miss ko na kayo eh super busy na natin eh hahahaha - Admin A ********************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon