25

22.4K 684 50
                                    


THE ROOM that was assigned to her was huge and a picture of elegance and luxury. It was wallpapered in soft beige. May dalawang painting na nakasabit sa isang bahagi ng dingding. The painter was unrecognizable, but the artist in her noticed the work of arts and for a moment she wished she could paint nearly as good.


Matapos ang ilang sandaling pagtitig at pagsuri sa painting, bumaba ang mga mata niya sa suede sofas at sa mamahaling rug na nasa ibaba ng sahig.


Nang madako ang mga mata niya sa queen-size brass bed, agad na nanumbalik ang pagod at puyat na naramdaman niya kanina sa drawing room. Mula nang dumating siya sa parola ay wala siyang itinulog na maayos. Gusto niyang maidlip kahit kalahating oras.


She took her jeans off leaving only her T-shirt and panties. Hinayaan niyang bumagsak ang mga iyon sa sahig. Pagkatapos ay nag-dive sa kama at dumapa sa malaki at malambot na unan. She was too tired she had fallen asleep in seconds.


Mahinang katok sa pinto ang nagpakislot sa kanya. At bago pa siya magkaroon ng pagkakataong bumangon ay bumukas ang pinto at pumasok si Renz. Napabangon siya at naghagilap ng kumot na maipantatakip sa katawan niya subalit walang kumot sa kama. She tried the pillow."Don't bother, Shannon," wika nj Renz. "Nakita ko nang lahat iyan, remember?" Humakbang ito palapit.


Sandaling natilihan si Shannon. At nang marehistro sa isip ang sinabi nito at ibinaba ang unan. "On the contrary, you're right. At dahil guest mo lang naman ako sa bahay ninyo, wala akong karapatan sa kapirasong privacy," she said in a voice dripping with sarcasm. Tumayo, tilting her head proudly.


Renz stared at her as if in trance. Barefooted, humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng pantalong maong. Her hair was messed up. Then his eyes slid down her body. She wasn't wearing a bra. Naka-outline sa nagusot na T-shirt ang nipples niya. Ang T-shirt ay bahagya lang umabot sa garter ng panties. And he had a full view of legs that were as long as endless as he had remembered.


"Maraming beses akong kumatok," sagot nito, swallowing an imaginary lump. "At nang hindi ka magbukas ay minabuti ko nang pumasok. Alas-sais na ng gabi at—""Alas-sais!" Napatingin siya sa relo sa tabi ng lamp shade at napaungol nang makitang tama ito. Halos apat na oras siyang nakatulog.


"I... I didn't mean to sleep that long," aniya, feeling a little bit guilty."It's okay. Sa nakalipas na dalawang gabi'y pareho tayong walang gaanong itinulog."Hinawi niya mula sa mukha ang ilang kumawalang hibla ng buhok. Niyuko niya ang blue jeans at akmang dadamputin nang muling magsalita si Renz.


"Leave it," utos nito. "Here..." Ibinaba nito sa ibabaw ng kama ang dalawang shopping bag na may logo ng isang mamahaling brand.


Kumunot ang noo niya. "What's that? Panibagong ipahihiram?" she taunted."This is yours. I had this bought for you. Tinawagan ko ang Mama sa parlor kanina at ipinabili ko. Itong isang bag ay tatlong sukat ng high heels. Mamili ka ng kasya sa iyo. Isasama kita sa party ngayong gabi."


"Wha—what!" Nanlalaki ang mga matang napatuwid siya ng tayo. "Isasama mo ako sa party?""At may isang oras ka para mag-ayos." Inginuso nito ang built-in dressing table. "Kompleto ang makeup na nariyan. Push the mirror and behind were shelves filled with perfumes. Wear anything you fancy." Pagkasabi niyon ay akma itong tatalikod upang lumabas.Subalit bago ito makahakbang patungo sa pinto ay naroon na ang kamay ni Shannon sa braso nito. "Wait a minute!"

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now