6

22.6K 587 74
                                    


HENRY Mendres smiled with pleasure. "You can call me "Henry," Shannon. Masyadong pormal ang itinatawag mo sa akin."


She smiled back. "Then Henry it is."Puno ng kompiyansang hinila siya nito patungo sa dance floor. Hindi niya maiwasang hindi sulyapan si Renz Navarro sa bar. Napuna niyang ang babaeng kasama nito ay nakatingin sa kanilang dalawa ng congressman, a frowned in her forehead.


At sa isang pag-ikot nila ay napatuon ang paningin ni Henry Mendres sa mga ito. He raised his hand in acknowledgement. The woman smiled maliciously. Si Renz ay isang tango ang ginawa."Kilala ninyo ang lalaking iyon?"


"Sino? Si Renz?" Tumawa ang senador. "He's my daughter's fiancé. At ang babaeng katabi niya ay ang anak ko. Ang pagkakaalam ko ay humingi ng exclusive interview sa iyo ang aking anak para sa isang bahagi ng show niya. At sa pagkakaalam ko ay tinanggihan mo..."


His fiancee. Isang marahang paghinga ang unti-unti niyang pinakawalan. Hindi na niya naririnig ang iba pang sinasabi ng congressman. Biglang-bigla ay nag-iba ang pakiramdam niya. Tila naging napakasikip ng bulwagan at walang hangin. And she needed to breathe.Ipinagpasalamat niya nang matapos ang tugtog at ganoon din sa paglapit ng isang kakilala ni Congressman Mendres. At bago pa siya nito napigilan ay nagmamadali siyang nagpaalam na tutungo sa ladies' room.


Hindi niya napigil ang sariling hindi sulyapan ang bar. Wala na roon si Renz. Subalit nanatiling nakaupo sa stool ang fiancee nito at may kausap.SHANNON'S eyes searched for Basil among the crowd. Oras na para umalis sila. It was almost two o'clock in the morning.


Dumaan siya sa gitna ng mga tao habang hinahanap ito. One photographer called her name. Her dark hair, long and wavy framed her face as she turned. She was forced to give an obligatory smile when the man raised his camera and took her picture.


Tatlong pulgada ang suot niyang stiletto and that made her five inches and ten feet tall. She moved gracefully. Kilos at galaw na sinanay sa mahabang panahon. Her figure was now back in fashion—slim but curvy, with high, and firm breasts, a narrow hips and sensually rounded hips.In New York, she would have worn something more daring, something that would advertise to everyone that she wasn't wearing anything underneath the dress. Pero wala siya sa New York.Ganoon man, her pale yellow silk gown dinged her curve sensually as she walked. Sa harap, though it was obvious to everyone that she wore no bra, her gown looked demure. Round necked and haltered. Subalit kapag tumalikod siya, ang buong likod niya ay nakahantad hanggang sa first hips.


Halos kaya nang sukatin ng mga mata ng karamihan ang kurba ng kanyang katawan. At bagaman alam niyang maraming humahangang tingin ang nakatuon sa kanya ay pinipili niya ang nginingitian at tinatanguan. Karaniwan na ay ang mga who's who sa fashion world na noon pa man ay kilala na niya. Sinikap niyang huwag siyang mahinto sa grupo ng mga ito upang makipag- kuwentuhan.


Nasa labas na siya at patungo sa lanai. She expected to see Basil outside but the place was deserted maliban sa dalawang pares na pumasok sa kabilang entrada. Lumakad siya patungo roon upang muling pumasok sa loob. Subalit may isang lalaking palabas naman, and before she knew they collided.


"I'm so—" Ang paumanhing iuusal sana niya ay napigil sa lalamunan niya at sa halip ay nahalinhan iyon ng malakas na pagsinghap nang may maramdaman siyang malamig na bagay sa dibdib niya.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now