13

21.7K 621 108
                                    


UMIWAS ng tingin si Shannon. Nabigla lang siyang amining nananakit ang katawan niya. Hindi niya napigilan ang sarili. Halos hindi niya magawang igalaw ang mga braso niya.At sa dinami-rami ba naman ng yateng maaari niyang languyin, bakit sa mismong yate pa ng lalaking ito niya natanaw ang kaligtasan?It isn't like you have an impeachable virtue...

Tumitining sa pandinig niya ang sinabi nito. At hindi siya dapat makadama ng sakit ng loob. Kahit paano ay alam niyang kinasusuklaman siya nito. Pinatunayan iyon ng pagtatagpo nila sa gabi ng party, sa paraan nito ng pagsasalita. But what he said cut her—cut hard and deep.

After two years, nakatatak pa rin sa isipan niya ang pagkasuklam sa mga mata nito nang titigan siya nito sa hagdanan ng mansiyon ni Jeffrey Moore. Nasa ibaba na siya nang tumingala siya at makitang niyakap at inalo nito si Steffanie.

At tulad ng lahat, nahusgahan na siya nito. She couldn't blame him though. Steffanie was family.

"H-hindi ko alam na yate mo iyon. lyon ang pinakamalapit na nakita ko..."She turned to the sidetable. Kasama ng kape, may itlog, toast, jam, at papaya sa tray. She took the steaming coffee mug from the tray with casualness she was far from feeling. Her hands trembling a little as it closed around the mug. Dinala niya iyon sa bibig at marahang humigop. Nararamdaman niya ang paglandas ng mainit at masarap na kape sa lalamunan niya. It made her feel better.

"I'm Renz—"

"I know who you are, Mr. Navarro," putol niya sa pagpapakilala nito at bahagyang nag-angat ng tingin upang tingnan ito at pagkuwa'y muling ibinalik sa kape ang atensiyon.Umangat ang mga kilay nito. "Kung ganoon ay maaari mo nang umpisahang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa mo at naisipan mong maglangoy sa gitna ng Manila Bay nang wala kahit na anong suot?"

His voice was velvet, not gravelly, tulad ng una niyang inisip nang nasa hardin sila. Its quality was unforgettable. It made her nerve endings flare for one sharp moment and her breath catch in her throat.

She took time sipping her coffee, na tila ba nasa loob siya ng isang five-star hotel, and having her breakfast in bed. Denying the turmoil she felt inside.

"Masarap ang kape, salamat," she remarked after a while.

"Hindi mo sinasagot ang tanong ko."Nag-angat ng paningin si Shannon. She met his eyes warily. Blue. Glacier blue. Strange Color, para sa isang Pilipino na kayumanggi ang kulay ng balat. Subalit nabasa na rin niya sa mga artikulo na ang ina nito ay half American. He must have inherited his mother's eyes.

At habang tinititigan niya ito ay nakadarama siya ng panganib. Both literally and figuratively. In her association with men—lalo na sa nangyari sa kanya kagabi—they were all predators.

The smile that came out of her lips was almost a sneer. "Well, to justify your curiosity, Mr. Navarro, I attended an orgy party in one of the yachts. In a frenzy passion, I got thrown overboard. Nang muli akong lumitaw sa tubig, malayo na ang yate. So I had to swim to the nearest yacht, which was yours."

Hindi mapigil ni Renz ang pagkamanghang lumatay sa mukha. For a moment there, he almost believed her story had it not been for the sarcasm in her voice.

Sa nakikitang reaksiyon sa mukha nito, Shannon fought the urge to laugh. And then she was bitter at the same time. Ganoon na lang kababa ang tingin sa kanya ng lalaking ito para paniwalaang totoo ang sinasabi niya.

Eh, ano? Hindi ba at karamihan naman sa mga lalaki ay iyon ang tingin sa iyo? It didn't matter before. Why should it now?

"I can see you're shock," she said, a corner of her lips twitched in a faint smile. "And I wonder why. Hantaran mong sinasabi ang mababang opinyon mo sa akin."

"You're right. At alam mo kung bakit," ganti nito. "At pinalalawak mo ang hindi mabuting opinyon ko sa iyo."


She shrugged. "I don't really care what you think of me, Mr. Navarro. Pero nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagpapala sa akin," wika niya kasabay ng paglinga sa buong silid.

Nasaan sila? The room didn't look as if it were one of the hotel rooms along Roxas Boulevard. Because the huge room was octagonal. She silently shook her head. Kalahati ng silid ay nakahiwalay marahil sa buong bahay upang madisenyo ang ganoong uri ng silid.

At ang dingding ay bato... in rough finished and unpainted. Marahil ay sinadyang hindi pinturahan. The ceiling was also in rough finished. At sa isang sulok ng silid ay may natanaw siyang winding staircase na yari sa bakal.

Ano ang mayroon sa itaas? Another room or bodega?The octagonal room had a masculine air in it. Kahit ang mga kasangkapan—which were not just expensive but was selected with good taste.

Kompleto ang silid sa lahat ng modernong kasangkapan hanggang sa laptop computer na nasa isang computer table na nakapuwesto sa isang bahagi ng octagon.

Magaganda at mamahalin ang mga rug sa sahig, in masculine colors, beige, brown, and black blended into one.

The huge windows were bare. Malakas at malamig ang hanging pumapasok at nanunuot sa kalamnan niya ang lamig. No wonder, walang airconditioner sa loob ng silid. Wala siyang naaaninag na puno sa labas ng bintana, pero naririnig niya ang huni ng mga ibon.

Dinadala ng hangin sa pandinig niya ang banayad na hampas ng alon sa baybayin. Nasa tabing-dagat ba sila? Marahil ay nasa bahaging Cavite sila or somewhere near Batangas. Good. Madali na ang pag-uwi sa San Juan.

She sighed warily. Tila nagiging bahagi na ng buhay niya ang magising sa isang hindi pamilyar na kapaligiran.

Ibinalik niya sa tray ang mug ng kape at tumayo. Sinisikap indahin ang pananakit ng katawan. She had slept for hours and somehow she felt refresh, subalit tinatanggap niya ngayon ang parusa ng mga muscle niya dahil sa ginawa niyang paglangoy kagabi.

Kasabay niyon, pinipilit niyang ikalma ang sarili sa harap ng lalaking ito. He was just a man. Tulad din ng ibang lalaking nakatagpo na niya sa buong buhay niya. Matapos ang eskandalong nangyari sa buhay niya, she had learned her lesson well. Or she thought she had.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, pinagdududahan niya ang sarili kung kaya pa niyang pakitunguhan at pagkatiwalaan ang isang lalaki. Si Ross halimbawa. Pinagkatiwalaan niya ito.Tumalim ang mukha niya pagkaalala sa manager. She would take care of him later.

And Renz Navarro. Lalong hindi niya dapat pagkatiwalaan ito dahil hindi nito ikinakaila ang pagkasuklam sa kanya. Sa sulok ng mga mata niya ay alam niyang sinusundan nito ng tingin ang bawat kilos at galaw niya.

"I presume this is your shirt," she said without looking at him. Niyuko ang sarili, umaasang hindi ipinagkanulo ng mukha niya ang kahihiyang nadarama. "Thank you. Pagkuwa'y sinikap niyang tumingin dito nang deretso. "Maaari ba akong humiram ng..." She swallowed, "ng pang-ibaba? A jeans maybe or a shorts. At... at maaari ba akong magpahatid sa... sa kahit saang maaari akong kumuha ng taxi?"

Isang mahabang tingin ang ibinigay sa kanya ni Renz bago ito sumagot. "Well, I'm sorry, Miss de Asis, but you happened to be marooned here..." he said in an irritating casualness.

"M-marooned?" pag-ulit niya. "Ano ang ibig mong sabihin? Where are we, anyway?""AltaTierra."

AltaTierra. It sounded familiar. Of course. lyon ang pangalan ng islang pag-aari ng mga Navarro.

At naroon siya sa isla ng pamilya nito! Na kung saan mang bahagi ng Pilipinas ay wala siyang ideya!



**********************Bakit ganun bibi Renz ako na una mo ay hindi mo dinala sa Alta Tierra tapos si Shannon lumangoy lang papunta sa yate mo ay dinala mo na dyan , bakit ganun magaling naman akong sumisid ah char hahahahha. Mas maganda din kay Shannon pero char lang tapos meowdel din ako char hahahahaha. Pansin ko tlaga kapag dinala na sa Alta Tierra uwian na tlga mga beshie. Ramdam ko na ang pagkatalo huhhuhu. Iwawagayway ko na ang aking puting panty Shannon kasi winner ka na char hhahahaha.  Kayo ba mga beshie? - Admin A ***************************************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now