5

23.1K 588 63
                                    


"HEY," ANI Basil, na pumutol sa pag-iisip niya. "Have I grown two heads? Bakit ganyan kang makatitig?"


Masuyo niyang ikinawit ang mga braso sa leeg nito. "Kung hindi lang kay Frederick, mas gugustuhin ko pang manatili sa farm at mamasyal na kasama si Tiya Guada."

Ngumiti si Basil, his arms went around her waist and pulled her against him. "Alam mo bang sumigla ang mama mula nang dumating ka?"

She smiled thoughtfully. Sa ikalawang pagkakataon ay tinanggap siya ni Guada nang walang maraming tanong. Bagaman sa pagkakataong ito ay nagpakita ng bahagyang emosyon ang matandang babae. Nalaman niyang may mga collection ito ng imported magazines kung saan siya ang cover at may mga artikulo tungkol sa kanya.

"I hate parties," bagot na deklara ni Basil.

Umangat ang mga kilay ni Shannon sa sinabi nito. "Kung hindi ko pa alam na halos hindi ka makawala sa magagandang babaeng nakapaligid sa iyo."

Tumawa ito. "Kung alam lang nilang mahirap ako at isang magbubukid, malamang na nagpulasang palayo ang mga iyon sa akin."

She pouted. "Hindi ka mahirap. You have your own undergarment business. At ang bukid ay pag-aari mo. Besides, hindi lahat ng mayayamang babae ay mayayaman din ang gusto," aniya, half-convinced.

Tinitigan siya ni Basil, and then said thoughtfully, "You could be right, Shan. Months ago, may nakilala akong babae sa Puerto Azul. Alam ko kaagad na nabibilang siya sa may mga sinasabing pamilya. I tried to stay away from her but..." Nagkibit ito ng mga balikat.

"But what?" Shannon was curious. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap nang matagal mula nang dumating siya.

"We seemed to meet in every turn. Then one thing lead to another. And I think I've found the right woman, Shan," he said softly, a sparkle in his eyes. "One of these days, ipakikilala kita sa kanya. Magkakasundo kayong dalawa."

"I couldn't wait to meet this lucky girl. What's her—" She stopped in mid-sentence. Sa sulok ng mga mata niya ay may tao siyang napuna sa mismong tapat ng lamppost. At kahit hindi siya mag-angat ng tingin ay alam niyang sa kanila ito nakatingin.

She had been attracting male guests since she and Basil arrived at the party two hours ago. At mula nang tumayo siya sa semi-darkened garden na iyon ay may dalawa o tatlong lalaki na rin ang dumaan at sandaling huminto upang titigan siya.

Subalit hindi nananayo ang balahibo niya sa batok tulad ng nararamdaman niya sa sandaling iyon. And she was sure it wasn't out of fear. She was with Basil.

Nag-angat siya ng paningin sa dakong kinatatayuan ng Ialaki. She was right, nakatitig ito sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay niya. From a distance, the man looked familiar. And she could swear, mula sa distansiyang nakapagitan sa kanila ay kitang-kita niya ang hatred sa mukha nito habang nakatitig sa kanya.

"Something's wrong?" tanong ni Basil at sinundan ng tingin ang hinayon ng mga mata niya."K-kilala mo ba ang lalaking iyon?"

But Basil missed his face. Nakatalikod na ang lalaking itinuturo ni Shannon at papasok na sa function room. "Maliban doon sa mga taong ipinakilala sa atin ng host ay alam mong wala akong kilala sa party na ito, Shan. Why?"

"He looked familiar." Nagkibit siya ng mga balikat. "Forget it. Anyway, anong oras tayo uuwi?""Kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong umalis na. But your friend Ross is extremely enjoying the night."

Shannon rolled her eyes. "Tell me something I don't know. Give another hour and then let's hit the road. It's four hours drive mula rito hanggang San Juan."

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now