23

20.3K 598 54
                                    


DEFEATED, she looked up and met his eyes. "Ano ang gusto mong gawin ko para huwag mo lamang sirain ang negosyo ni Basil?"Hindi niya nakita ang inaasahang kasiyahan sa mukha nito sa pagsuko niya. Sa halip ay nag-isang linya ang mga mata nito.


"Nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanya?" He was incredulous.Isang marahang tango ang isinagot niya."You love him that much to protect him?"


A fleeting smile appeared her lips as she whispered, "Yes. I love him. And I would sell my very soul for him."


"Damn you!" he said, savage anger on his face. His eyes blazed like blue flames. At sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na dalawang araw na hagisan nila ng insulto sa isa't isa ay nakadama ng takot si Shannon.


Renz looked like as if he were going to strike her. Napausog siya mula sa pagkakaupo fear in her eyes. Lalong nagliyab ang mga mata nito sa galit sa naging reaksiyon niya. Mahigpit nitong hinawakan ang mukha niya.


"That's right," he said furiously. "Matakot ka. Because right at this moment I feel like strangling the unscrupulous life out of you!" At kung paano kabilis siyang nahawakan nito sa mukha ay ganoon din kabilis siya nitong binitiwan.


Ang sunod na namalayan ni Shannon ay ang malakas na pagbagsak ng pinto pasara. Pinakawalan niya ang hiningang hindi niya alam na pinipigilan niya.


Sa ilang sandali ay nanatili siyang nakaupo roon. At bagaman napakataas ng kinalalagyan niya ay bahagya pang umabot sa pandinig niya ang pagbagsak ng pinto sa ibaba ng parola.



SA SASAKYAN ibinuhos ni Renz ang galit. Halos paliparin nito ang four-wheel drive sa ilalim ng kagubatan. Nagpupuyos ang dibdib niya sa pag-aming ginawa ni Shannon.The bitch! The immoral... the...


Marahas niyang inapakan ang preno ng four-wheel drive. Kahit siya'y bahagyang nasubsob sa manibela sa ginawa niya. Tumaas-bumaba ang dibdib niya sa matinding galit. No one... no one had ever made him this angry.


He couldn't believe she finally admitted she loved the man. At nang sabihin ni Shannon na iniibig nito si Basil ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang kislap sa mga mata nito.At hindi niya gustong amining may ibang dahilan kung bakit siya nagagalit. His concern was for Steffanie alone.


Si Basil? Ano ang damdamin nito para kay Shannon? She also admitted that Basil loved Steffanie?


Did he want a rich woman for a wife and at the same time want Shannon for her body.


Oh, he could kill them both!



*********************Grabe na ittuuuu. Ang intense na ng mga kaganapan char hahahaha - Admin A ********************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora