27

22.9K 655 129
                                    


"HELLO, Shannon," bati ni Steffanie nang dumating sila ni Renz at ipakilala siya. Sa una ay kinakitaan niya ito ng pagkamangha. Subalit sandali lang iyon. Isang nanunuksong ngiti ang ibinigay nito kay Renz at saka muling ibinalik sa kanya ang tingin. "Small world, isn't it?"

"Yes, it's a small world," she said drily, giving a tight smile. "Congratulations, Steffie..." Inabot niya ang kamay dito at tinanggap naman nito iyon nang nakangiti! The smile on Steffanie's lips was genuine that Shannon was surprised. Or she was just a good actress. Ganito ba kalaki ang impluwensiya ni Renz sa pinsan? "At ganoon din sa iyo, Basil." Inilipat niya ang kamay dito.

"Paano kayong nagkakilala ni Steffanie?" nalilitong tanong ni Basil kasabay ng pagtanggap sa kamay niya.


"We've met in New York, Basil darling," wika ni Steffanie at ikinawit ang braso rito, smiling at him with love in her eyes. "Kayong dalawa, paano kayong nagkakilala?""Magkababayan sila, Steffie..." Si Renz ang sumagot. "Parehong mga taga-San Juan." Sa isang disimuladong paraan ay hinila nito si Shannon palapit, sapat upang bitiwan ni Basil ang kamay niya.


Subalit nanatili sa mukha niya ang mga mata ni Basil. Nagtatanong. At alam ni Shannon na ang tungkol sa nangyari sa kanya sa yate ni Congressman Mendres ang nais nitong linawin. Basil opened his mouth to say something but Renz beat him to it."Let's dance, Shannon," anyaya ni Renz.


Isang ngiti ang pinakawalan niya kay Basil at sumama rito patungo sa dance floor. Humabol sa pandinig niya ang pag-uusap ng magkasintahan."Darling, hindi ako makapaniwalang magkakilala kayo ni Shannon. Kung hindi ko kabisado ang pinsan ko pagdating sa babae, magseselos ako."


"I love you, Steffie," Basil said sincerely. "Walang dahilan para magselos ka sa ibang babae."HINDI na nagkaroon ng pagkakataong mag-usap pang muli sina Shannon at Basil dahil hindi siya hinihiwalayan ni Renz. At abala si Basil at Steffanie sa pagharap at pag-asikaso sa ilang mga kaibigan at kamag-anak.


Sa loob ng maraming oras ay nagawa niyang iwasan ang mga taong nakakakilala sa kanya bilang ang supermodel. Hindi niya gustong kunin kahit sandali ang atensiyon ng mga ito mula kay Steffanie at Basil. Kung may hindi man siya naiiwasan ay si Renz na ang gumagawa ng paraan upang hindi matuon sa kanya ang atensiyon.


Maliban sa mother ni Renz at sa mommy ni Steffanie na parehong hindi makuhang ngumiti pagdating sa kanya ay wala siyang masabi sa mga naroroong kamag-anak ni Renz.Kanina sa helicopter ay nakilala na niya ang tiyuhin nitong si Alvaro at si Nayumi Navarro. Napasalamatan na niya ang huli sa mga ipinahiram nito. And she wished she had more time talking with her. Pero tiniyak ni Renz na wala siyang makausap nang matagal.Sa mata ng mga panauhin, Renz was possessive of her. And that she was his new conquest. May ilang nangahas na bumanggit ng pangalan ni Vanessa subalit mataktikang nasasagot nitong lahat iyon.


Nang ianunsiyo ang formal engagement nina Basil at Steffanie ay gusto niyang tumakbo palapit kay Basil upang yakapin ito sa kasiyahan. Marahil ay naramdaman ni Renz ang balak niyang gawin dahil humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat niya.


"Naibigay mo na nang patiuna kanina ang pagbati mo. Hindi mo kailangan ng follow-up, Shannon." His voice held warning. "Huwag kang aalis dito. Sandali lang ako," dugtong nito at lumakad patungo sa dalawa.


She sighed furiously. Hindi niya alam kung ano ang kahahantungan ng lahat ng ito. All her life she had been a puppet by her mother and the people she had worked with. Pagkatapos ay heto at iyon na naman ang ginagampanan niya. Sa katauhan ni Renz Navarro.Ang tanging kaibahan, hindi man niya gustong aminin, isang kasiyahan para sa kanya ang kasama ito. And she knew, she would hurt herself in the process.

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now