16

22.8K 677 118
                                    


RENZ flushed. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha niya. And he could see the smile of triumph on her face as she gazed at him.Marahas ang pagtalikod na ginawa niya, lumakad patungo sa three-shelf rolling wine tray at mula sa isang silver decanter ay kumuha ng bote ng alak at nagsalin sa kopita. Ininom nito iyon nang dere-deretso.


Damn... damn! Wala siyang natatandaang nawalan siya ng kontrol sa sarili tulad ng nangyari kani-kanina lang. For heaven's sake, he was thirty years old, not thirteen!Muli niyang binalingan ang bote ng alak at muling sinalinan ang kopita niya. Nang mula sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang unti-unting paghakbang ni Shannon patungo sa kama. Naupo sa dulo niyon.


Lalo lamang nagpupuyos ang dibdib niya. Lalong pinag-init ng alak ang nag-aapoy niyang damdamin. My god, the bitch had nothing on under "her" shirt! The soft and silky skin was warmed on his hand... the velvety—


"Ipinangangako kong hindi ako aalis ng parola," wika ni Shannon sa mahinang tinig na pumutol sa tinatakbo ng isip niya, "huwag mo lang ikandado ang pinto paglabas mo."He savagely turned to her. Wala na sa mukha nito ang panunuya. What he saw was helplessness. At nakatitig ito sa susing bumagsak sa sahig malapit sa pinto.


"Iniisip mo bang ikakandado ko ang pinto kaninang lalabas ako?" tanong niya sa nagsa- salubong na mga kilay.


Nag-angat ng paningin si Shannon patungo sa kanya. "I—thought of it. That was why I bolted out. I have this fear of being locked inside a room."


Renz mouth twitched contemptuously. "A horrible experience from one of your string of lovers?" Nanunuya siya subalit sa kaibuturan ng kanyang dibdib ay bumangon ang galit para sa lalaking inaakalang siyang dahilan ng pagkatakot nito sa isang nakakandadong silid.


Hindi sumagot si Shannon, sa halip ay nilinga ang malaking bintana at tinanaw ang kalangitan.Nagtagis ang mga bagang ni Renz. Anong uri ng lalaki ang gagawa niyon sa isang babaeng gusto nitong makatalik? O baka naman kaya nito ginawa iyon ay sa pagnanais na huwag nang pakawalan pa si Shannon?


May bahagi ng dibdib niya ang naninibugho sa mga lalaking nakatalik na nito. Kasabay niyon ay ang galit sa sarili dahil hindi siya dapat makadama nang ganoon sa uri ng babaeng ito. Muli niyang dinala sa bibig ang kopita at inubos ang laman niyon.


Hawak sa kamay ang walang lamang kopita, hinarap niya ito. "Kailan ka lang dumating mula sa New York, a month more or less. Paano at saan kayo nagkakilala ni Basil?"


Isang pinong ngiti ang sumila sa mga labi nito sa tanong niya. The smile softened her face."Wala kang pakialam," wika nito, nagkibit ng mga balikat.Tumalim ang mga mata ni Renz, the woman was uncooperative. "How many times have you been to bed with him? Once, twice?"


Hindi sumagot si Shannon, sa halip ay muling nagkibit ng mga balikat na tila ba sinasabi sa kanya na wala siyang pakialam kahit na ilang beses pa itong nakipagtalik kay Basil. Tumayo ito at humakbang patungo sa malaking bintana at tumayo roon at tinanaw ang dagat.


Renz had a full view of a nice pair of long legs that seemed to run forever. Wala itong sapin sa mga paa. And Renz had never seen such an alluring woman. At habang pinagmamasdan niya itong nakatayo roon, nililipad ng hangin ang alon-along buhok ay may pakiramdam siyang tila ba bahagi na ng silid na iyon si Shannon.


And he had this feeling that when she left things would never be the same again.He shook his head. Kung saan-saan na nauuwi ang daloy ng isip niya.


Humarap si Shannon at tinitigan siya. "Gaano ako katagal mananatili rito?"Blue eyes slowly and thoughtfully ran over her. "You are incredibly beautiful," wika niya. And then he saw how her eyes flickered in surprise. Na para bang iyon ang kauna-unahang papuring tinanggap nito sa buong buhay nito.


"I am not surprised why men were crazy about you," patuloy niya. "Kabilang na roon si Jeffrey Moore... at ngayon ay si Basil."


"If all this abduction thing is just about Basil," she flared, "then I promise you, Mr. Navarro, I am not a threat to his relationship with Steffanie. We are not even—""Mangangako ka bang hindi na muling makikipagkita sa kanya?"


HINDI agad makuhang sumagot ni Shannon sa tanong na iyon dahil imposible iyon. Malibang bumalik siya sa New York. Pero wala siyang balak bumalik sa New York. Sa nakalipas na isang buwan mula nang dumating siya ay naranasan niyang muli ang maging totoong maligaya. At malaya.


At hindi niya gustong bumalik sa trabaho niya. She had never wanted to be a model in the first place.Kinasusuklaman niya ang mga lalaking nakapaligid sa trabaho niya. Sa kunwa ay walang malisyang pahawak-hawak. At tuwing sinasabi niya iyon sa ina ay tumatawa lang ito. Na dapat ay sanayin niya ang sarili roon at bale-walain ang mga overture.


"I am not asking you to prostitute yourself for me, Shannon!" wika nito. "Magpasalamat ka at hindi ako kamukha ng ibang ina riyan. Hindi iilan ang lumalapit sa akin upang bayaran ang isang gabi mo sa kanila subalit tinanggihan kong lahat. Hindi iyon ang pangarap ko para sa atin!"Totoong ipinagpapasalamat niya iyon sa ina, kahit paano. Not that Antonia cared for her virtue.Antonia herself was a beauty. Kung ginusto nitong gamitin ang sariling katawan para magkapera ay madali para ditong gawin iyon. Her mother had wanted dignity and fame and money. She might be many things but Antonia had class.


And she had used her beauty wisely. Naipanhik nito ang sarili sa isang maayos na kalagayan upang magamit sa higit pang katuparan ng pangarap—si Shannon.


Shannon was everything Antonia wanted for herself. And Shannon became her mother's puppet for years.


Now that she was finally free, she couldn't allow another person to manipulate her life—again!Tulad ng ginagawa ng lalaking ito.



********************Pasensya na mga beshie medyo sumasakit ang ulo ko mga beshie, kaya pahinga me kahapon. Until now sumasakit pa rin talaga kaya need ko more pahinga baka magkasakit na naman ako eh... Kakastress talaga kapag maganda char haahahaha. pero seryoso medyo stress nga me now. Buti nga nakakatulog pa ako ng maaga. Hayyys maiba tayo para good vibes naman. Gusto n'yo ba ng dare? Like kapag umabot tayo ng 200k, 500k at 1m followers ay ibibigay ko gusto n'yo? Gusto n'yo ba yun char hahahaha pero seryoso? Comment lang kung gusto n'yo pwede rin padagdagan natin yung followers ni Kuya_Jun para pwede siyang mag-sponsor sa atin hahahaha. Sabihan n'yo lang ako kung gusto n'yo para makapag give back naman ako sa community natin. Pwede rin sponsoran n'yo ako or kung may maisip kayong maganda, comment lang kayo sa ibaba para mabasa ko. Thank you and God bless- Admin A .

Hindi muna ako magcocomment kay Shannon at baka mastress ako sa kanila ng nanay nya hahahaha. Kaloka kasi buti nlng di ako naging katulad ni Shannon na naging pupper sa motherdear nya. Naku baka di ko keribels yung ganun , masyado pa naman akong wild char hahahahah - Admin A ***************************************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now