14

24.6K 680 174
                                    

SHANNON took a deep calming breath. Don't panic. Everything's gonna be fine. Perhaps this man's nothing like Jeffrey Moore... or Congressman Mendres...Gusto niyang pawiin ang pag-ahon ng takot sa dibdib niya. The man used the word "marooned". Hindi niya nais isipin ang literal na kahulugan niyon.


Marahil nang pumanhik siya sa yate nito ay pauwi sa isla si Renz at wala itong pagpipilian kundi isama siya. At matatagalan marahil bago ito makabalik sa Maynila.

"Alta Tierra," she murmured. "I know it's an island own by your family and—"

"Why wasn't I surprised?" He cut her off, his brows rose mockingly. "Ngayon ko napag-isip-isip na pinlano mong lahat ito. Sinabi marahil ni Frederick sa iyo na naka-moor sa Manila Bay ang yate ko. Now, tell me. Paano ka nakarating sa yate? Wala akong narinig na motorboat. O gumamit ka ng bangkang-de-sagwan para sa surprise effect?"

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"Don't play innocent, Shannon. You must have known that night I am a very rich man." He laughed without humor. "Hinintay mong maihatid lahat ang mga guest ko bago ka lumangoy patungo sa yate. I admire your originality. No one would have thought of going aboard my yacht in the middle of the night in a birth suit. No wonder men are crazy about you."

"You're wrong!" she said hoarsely. Hindi makapaniwala sa gustong ipahiwatig nito.

"I am seldom wrong, Miss de Asis. Lalo sa isang katulad mo. At kung gusto mo lang naman akong makita, madali lang akong hanapin. You could have told me that night that you want us to meet again. Instead you played, the hard-to-get maiden."

Naningkit ang mga mata niya. Hindi niya mapigilan ang galit na umaahon sa dibdib. Iniisip ng lalaking ito na pinlano niyang panhikin ang yate nito! Hindi ba nito alam na halos wala na siyang lakas nang matanaw niya ang hagdanang lubid?

"Hindi ako interesado sa kayamanan mo, Mr. Navarro! At lalong hindi ako interesado sa iyo. Ang pagkakapanhik ko sa yate mo kagabi ay isang hindi sinasadyang pagkakamali. It could have been someone else's yacht. Kung ipinagpatuloy ko ang paglangoy, I would have drowned! At para patunayan ko sa iyong totoo ang sinasabi ko ay sabihin mo sa akin kung paano ako makakaalis sa islang ito. Or allow me to use your phone so I can call Basil to—"

"Basil?" He repeated the name as if it were something bitter in his tongue. At pagkuwa'y lumatay ang matinding galit sa mga mata nito sa pagkamangha ni Shannon. "Of course, your lover..."

"Lover?" usal niya, nanlalaki ang mga mata. "Ako at si Basil? You thought Basil and I—""Itinatanggi mong may ugnayan kayo ni Basil Constantino?" Somewhere deep inside him wanted her to deny the accusation. For Steffanie.

"If he were, wala kang pakialam!" she hissed. "Now tell me how to get out of this place."

Nagtagis ang mga bagang nito. "Sinabi ko na sa iyo, you are marooned here.""Hindi ko kailangang hintayin kung kailan ka babalik sa Maynila!" she almost screamed. 

"Makakaalis akong mag-isa kung pahihiramin mo ako ng maisusuot." Bumaba siya mula sa kama, walang pakialam kung ang oversized shirt na suot niya ay dalawang pulgada lamang ang haba mula sa hindi nararapat. He had seen her all anyway.

Tinakbo niya ang unang pintong nakita niya. Pinihit ang isang antigong seradura at binuksan iyon at lumabas. A gust of wind met her, kasunod niyon ay ang malakas niyang pagsinghap.Walang hanggang karagatan ang natatanaw niya. At ang naririnig niyang huni ng mga ibon kanina ay seagulls. Slowly, as if in trance, she walked towards the railings. Buong pagkamanghang inilinga ang paningin sa buong paligid. Tila ang buong kinalalagyan niya ay napapaikutan ng railings. Yumuko siya. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. She must be more than thirty feet from the ground!

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now