9

22K 616 195
                                    


TUMAYO si Shannon. Mabilis na umikot ang tingin sa paligid sa paghahanap sa damit niya. Natanaw niya Iyon sa sahig. She turned to pick it up when she heard voices outside the door.Napalingon siya sa pinto at nagmamadaling humakbang patungo roon. Slowly, she turned the knob. Bahagya lang niyang binuksan ang pinto at sumilip. Ang nakita niya sa hallway ay si Ross at kausap si Congressman Mendres.


"Shannon's experience with men is limited, Congressman," ani Ross. "So you see, I want the price doubled."


Umismid ito. "I was in New York when the scandal happened, Ross. Isa pa, nakakarating dito ang balita. Huwag mo akong gawing tanga. Huwag na nating isama ang iba't ibang lalaking napaugnay sa kanya. Ang alaga mo ay isang first class prostitute. First class, yes. But still a prostitute."


"Walang nangyari sa eskandalong napabalita, Congressman. Ako rin ang may pakana ng pangyayaring iyon. Hindi inaasahan ni Mr. Moore na darating sa party ang fiancee niya. She went straight to his room when she couldn't find him downstairs. Isa sa mga photographer ang nakapansin sa kanya at sinundan siya."


Shannon gasped in horror. Si Ross ang may kagagawan sa eskandalong nangyari sa kanya!But why?


Money. Siya na rin ang sumagot sa tanong niya. Noong unang mangyari iyon ay ilang linggo nang kinakapos ito ng pera. And Antonia was already more than a month in the hospital. At wala itong mahingian ng pera.


Tulad din ngayon. Ross was broke.Buong buhay nilang mag-ina ay nag-alaga sila ng ahas! She was literally shaking. From fury and fear. May palagay siyang hindi siya kakayanin ng mga tuhod niya. Napasandal siya sa dingding.Her mind wouldn't function. Anumang sandali ay mapapahamak siya sa mga kamay ni Henry Mendres!


Nasa ganoon siyang ayos nang bumukas ang pinto. Bahagya pang nagulat ang congressman nang makita siyang nakatayo at nakasandal sa dingding malapit sa pinto.

"So, you're awake already," he said thoughtfully. Sumilip sa labas ng pinto. "Nangako ako kay Ross na hindi ko siya idadamay dito. But seeing you standing here, I presumed you heard us talking."

"I'll kill him for this!"


Banayad na tumawa si Congressman Mendres. "Forget Ross, Shannon. He's not important. Hindi ko gustong gawin ito pero binalaan niya akong baka hindi kita mapapayag sa gusto ko." Inabot nito ang mukha niya subalit marahas niya itong tinabig.

Kumunot ang noo ng lalaki. "You won't give me any problem, will you, honey?" Pagkuwa'y muling bumalik ang ngiti sa mga labi. Nakangiti ito subalit hindi ang mga mata. Ang narooon ay panganib.

Sa pagkakataong iyon ay hindi nakuhang makaiwas ni Shannon sa mga bisig nito na pumulupot sa kanya. Ang mga labi nito ay tumama sa pisngi niya.

"Hmm... you're sweet. I like your perfume, honey..."

"P-please, Congressman... nagkakamali kayo," she pleaded. Iniwas ang mukha rito at nagpumiglas. "Hindi ako katulad ng iniisip ninyo... ng gustong palabasin ni Ross!"

"Kung tama si Ross sa pagsasabing hindi ka gaanong makaranasan, Shannon, then you're lucky. I'll make you rich, hija. You don't have to work. Hindi mo kailangang lumakad sa catwalk para kumita ng kapirasong pera. You'll get more than you want from me. You'll jet set around the world. Just be good and nice, okay?"

"You're... married!"

Tumawa ang congressman. A genuine laughter. "Sa status mo, Shannon, hindi ako makapaniwalang ganyan ka ka-naive."

"No!" Isang marahas na tulak ang ginawa niya rito. Pagkatapos ay patakbong kumawala. Subalit nahagip ni Congressman Mendres ang kumot na ipinantakip niya sa katawan. Kumalas iyon at humulagpos sa katawan niya.

The congressman gasped as he gazed at her. Ang mga mata nito ay nanlalaki sa paghanga at pagnanasa sa kagandahang nakahantad sa harap nito.

Shannon was shocked. Para siyang batong iniukit sa pagkakatayo sa harap ng matandang lalaki. But she would not cheapen herself by trying to cover her body with her arms.

"You're... exquisite!" bulalas nito. Marahan itong humakbang papalapit. Sapat upang bumalik sa huwisyo ang isip ni Shannon.

She grabbed the door handle. Binuksan iyon at tumakbo palabas bago pa siya nalapitan ni Congressman Mendres.

Ang natatandaan niya kanina ay sa kanan niya nakitang nagtungo si Ross. She turned left and ran.

"Shannon, wala kang mapupuntahan," mahinahong wika ng congressman na kasunod niya. 

"Come back and let's talk sensibly, hija."

Sa pagliko niya ay hagdanang bakal ang nakita niya. Nagmamadaling pinanhik niya iyon upang manlumo lamang nang makarating sa itaas.

It was an open deck. The congressman was right, wala siyang mapupuntahan. Nasa gitna sila ng dagat. Tinanaw niya ang karagatan. Wala siyang nakikita kundi kadiliman. Kung may ilaw man siyang natatanaw ay nagmumula iyon sa mga yateng nasa dagat din at ang liwanag na natatanaw niya sa malayo ay nagmumula sa Manila Bay.

Nagulat pa siya nang mula sa likuran niya ay magsalita si Congressman Mendres. Kalmante at nakikiusap ang tinig nito. Subalit nagbabadya ng kalupitan ang mga mata nito.

"Ayoko ng eskandalo, hija. Pero lalong ayokong pinagmumukha akong gago, lalo at may mga business associate akong naririto," wika nito sa malumanay na tinig. "Isa akong respetadong tao and I am sorry if you are not prepared for this. Come back to the cabin and let's talk. If you want me to woo you, then I am willing to do so. I'll buy you everything you want. Car, house, anything... I can afford it, Shannon."

Gusto niyang maniwalang mapag-uusapan nila ang lahat. Na malulusutan niya ang lahat ng ito kung susunod siya at makikipag-usap siya rito. Subalit ang katotohanang ginamitan siya nito ng drug at ang pagnanasang nasa mga mata nito ang pumipigil sa kanya.

"Much as I want to see you naked, hindi ka maaaring manatili rito nang ganyan, Shannon," patuloy nito. "Baka mapanhikan tayo rito ng ilan sa mga guest ko." Lumakad ito patungo sa kanya.

She panicked. Umikot ang mga mata sa paghahanap ng matatakbuhan. But there was none. Para siyang dagang na-corner sa isang sulok at walang malalabasan.Humigpit ang hawak niya sa barandilya habang iniaangat ang isang binti pasampa rito.

"Shannon, don't be foolish!" he warned. Sa pagkakataong iyon ay tumigas ang tinig nito. "Hindi ka makakarating sa Manila Bay. Ang pinakamalapit na malalangoy mo ay ang ilan sa yateng nakapaligid sa atin—"

"Thanks for giving me the idea," she said and jumped into the cold and dark water.



****************Kakatakot naman ang karanasang ito ni Shannon buti hindi pa ito nangyari sa akin pero nangangamba pa rin ako lalo na sa inyo mga beshie. Ingat-ingat din pag may time char hahahaha. Pero seryoso. Huwag kayong umalis na wala kayong kasama, iilan na lang ang mabubuti sa panahon ngayon kaya piliin n'yo maging isa sa mga mabuti na yun para dumami kami char hahahahha. Kung hindi naman importante huwag na sana gumala. Ako nga kahit 20+ na may oras pa rin ng uwi eh pero dati nung medyo wild pa ako, hindi tlaga ako umuuwi ng gabi na kaya ang uwi ko ay umaga na ahahahaha. Panay overnight pa naman ako nun buti nlng walang nangyayaring masama sa akin kahit medyo wild ako nun. Thankful ako sa mga nakilala at naging friends ko nun kahit wala silang ginawang masama sa akin ang ganda ko pa naman char hahahaha. Take care mga beshie. Kayo magkaranasan ba kayong hindi n'yo makakalimutan gaya nito? Share n'yo naman sa ibaba. Thanks sa mga nag-pm sa akin , super much appreciated mga beshie n'yo beshies. Iadd ko sana kayo sa FB kaya lang private person nga pala ako atsaka baka maloka kayo sa akin at istalk n'yo ako kaya huwag nlng. Sapat na sa akin na nakakausap ko kayo rito :) Thank you very much love ko kayo mga beshie pero mas mahal ko si bebe Renz ko char hahahaha - Admin A  ***************************************

Kristine Series 21 - The Blue-Eyed Devil (UNEDITED) (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora