Sanay siyang magmukhang mali. Kailanma'y hindi niya naramdaman na naging tama siya sa paningin ng mga tao sa paligid niya. Ngunit wala siyang pakialam sa opinyon ng iba. Ayaw niyang kinakaawaan siya dahil nasanay siya na walang nagmamalasakit sa kaniya. Kaya wala siyang matatawag na kaibigan at wala ring tumatagal na babae sa buhay niya. Lahat sila'y sumusuko dahil hindi nila kayang pakisamahan ang binatang malimit magsalita at walang pakialam sa lahat ng bagay. Marahil sanay lang siyang maging ganito. Kaya pati damdamin ng ibang tao'y hindi na rin niya alam kung paano pahalagahan. That's Dwayne. Dwayne Gleeson Malbrega, known for being COLD and HEARTLESS. Completed: April 1, 2017