Rush Beast Series #1 Hindi na nakakakita pa si Ymir Grace Bracamonte dahil may sumadya sa kaniyang bulagin siya dahil sa pera at ang hinala niya ay ang tiyuhin niya sa side ng kaniyang Ama, dahil alam niya kung gaano kayaman ang kaniyang Ama. Ngunit sa kalagitnaan ng kawalan niya ng pag-asa na makakita pa ay may dumating sa kaniyang saklolo. Ngunit matatawag bang saklolo si Venezio Larkson Rodriguez Bilarmino kung may lihim itong itinatago sa dalaga? At makakayanan kaya siya nitong makasama at matuloy ang plano kung nakikita niya ang mata ng babaeng mahal niya sa mata ng dalagang si Ymir Grace? At mapapalitan kaya sa puso niya ang pangalan ng babaeng minahal niya at kambal pa nito? At paano niya itatago ang sakit? At paano mapipigilan ang nararamdaman at maitatago pa kaya ang mga lihim?