Siya si Mon Francisco, ang nag-iisang anak na babae ng pinakamayamang negosyante. Nasa kanya na ang lahat, kagandahan, kayamanan, at katanyagan. Sa kanilang kayamanan ay nakukuha niya ang lahat ng gusto niya. Para sa kanya, walang makakapigil sa kanya pagdating sa pagkuha ng gusto niya. Dumating sa buhay niya si Sam Ramirez, sa lakas ng karisma na taglay nito, lalo na kapag nakatitig at nakangiti ito, ay mabibighani ang sinumang makakasalamuha nito. Siya ay ang kasintahan ng kanyang ama. Sa pagpasok nito sa buhay nila, hatid naman nito ang malaking pagbabago sa buhay niya. Sa kagustuhan niyang maalis ito sa buhay nila ay gagawin niya ang lahat para masira ang imahe nito sa kanyang ama. Pero paano, kung sa hindi inaasahang pagkakataon... ay iibig siya rito?