Isa si Emilia Sienna sa nabigyan ng kakaibang abilidad na makita ang ninanais ng isang tao. Sa una ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at nais niyang malaman kung bakit siya ang napili ng nagbigay sa kanya. Hindi niya aakalahin na magbabago na ang kanyang buhay simula sa araw na 'yon dahil may mga taong nais kunin ang abilidad niya para gamitin sa masama nilang ninanais. Habang nag-iisip siya ng gagawin ay nakilala niya ang iba't-ibang klase ng tao na may abilidad din ang kanilang mga mata kagaya niya.
47 parts