Sa kagustuhang makatakas sa mahigpit na poder ng kanyang Kuya si Bella ay nagawa niyang maglayas. At susi sa kanyang paglaya ang kanyang pagpapakasal. Dahil ang kundisyon ng Kuya Webster niya ay makakalaya lang siya ng tuluyan sa poder nito kapag siya ay nag-asawa na. At sa kanyang paglalayas ay nakilala niya ang kakaibang bartender na si Clide at inalok siya nito ng kasal...