1. Ang Bartender

500 10 0
                                    


                        Ang Bartender


"Miss, Miss... Lasing ka na, kailangan mo nang umuwi. Magsasara na kami."

"Hmm...?"

"Miss, Miss..." ang tawag ni Clide sa customer nilang babae sa bar.

Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin at matamang tumitig sa kanyang mukha.

"Hindi pa ako lasing... Bigyan mo nga ako ng scotch!"

"Miss, hindi kita bibigyan ng scotch, lasing ka na eh. Ang mabuti pa, tumayo ka na diyan at umuwi na. Magsasara na kami. Kung hindi mo kayang umuwi, puwede kitang ihatid."

Natawa ng mahina ang babae, ang magkabila nitong pisngi ay namumula, pati na ang ilong. Ang buhok nito na straight na lagpas balikat ay medyo magulo.

"Alam mo, hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakukuha ang premyo ko sa drinking contest na sinalihan ko. Kailangan ko ng pera!" kahit medyo bangenge na ang dalaga ay deretso pa rin itong magsalita.

Napabuntung-hininga si Clide at matamang tumingin sa kanyang kausap. Sanay na siya sa mga ganitong klase ng customer kaya alam na rin niya kung ano ang gagawin sa mga katulad nito.

"Miss, natalo ka sa drinking contest namin. Bago mo mainom ang huling shot, nawalan ka ng malay. Hindi mo kinaya."

"Hindi iyan totoo! Siguro nandaya ka ano? Bakit ikaw, parang hindi ka nalasing?"

"Hindi ako nandaya! Sanay lang ako uminom, partida nga, nagchaser pa ako ng beer. Isa pa, sa liit mong iyan... Ang lakas ng loob mong sumali sa drinking contest namin at hamunin ako."

"Eh kailangan ko ng pera eh! Pero kung walang pera, bigyan mo na lang ako ng scotch!"

"Hindi kita bibigyan ng scotch!"

"Rhum na lang o kaya tequilla?"

Muli ay napabuntung-hininga ng malalim si Clide. Isang buwan na rin siyang nagtatrabaho bilang bartender sa bar na ito.

"Miss, hindi kita bibigyan ng kahit na anong alak dahil lasing ka na! Tubig na lang, bibigyan kita ng tubig baka sakaling mahimasmasan ka."

"Eh madamot ka naman pala eh! Madamot ka!"

Mariing ikinuyom ng babae ang maliit nitong kamao at iniamba sa kanyang mukha.

"Miss..."

Sa katunayan ay nagpipigil si Clide na matawa, sa kauna-unahang pagkakataon... May isang babae ang nagtangka siyang suntukin sa kanyang mukha.

"Miss, saan ka nakatira? Ihahatid na kita pauwi."

"Ayaw kong umuwi, bigyan mo ako ng alak!"

Magsasalita sana si Clide ngunit biglang dumating ang tatlong lalaki. Ang tila pinakapinuno ng grupo ay nasa gitna. Mataba ang pangangatawan at matangkad, balbas-sarado din ito.

"Bakit kasi hindi mo na lang pagbigyan itong si Babes? Bigyan mo siya ng alak!" ang wika ng matabang lalaki.

Napalingon dito ang babae at kasunod noon ay...

"Huwag ka ngang sumasabat, baboy ka! At huwag mo akong matawag-tawag na Babes kasi pangalan ng baboy iyon! Baboy!"

Nakita ni Clide ang masamang expression ng mukha ng lalaki kaya naman kaagad na siyang lumabas sa loob ng counter na kanyang kinaroroonan. Sigurado siyang gulo na ang kasunod.

"Pasensiya na Sir, lasing na kasi siya. Hayaan niyo na lang si Ma'm."

"Uy, huwag ka ditong makialam ah? Bakit hindi mo na lang ibigay sa amin ang mayabang na babaing ito at kami na ang bahala sa kanya. Haha! Tuturuan namin siya ng leksyon at nang magtanda!"

Men in Action 14: Clide RaeignWhere stories live. Discover now