6. Our Secret

80 5 0
                                    


                             OUR SECRET


Hindi na malaman ni Bella kung ilang beses na siyang napabuntung-hininga habang nakatulala siya sa kisame. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Clide. They kiss! At hindi lang basta-basta ang halik na iyon dahil bukod sa iyon ang una niyang karanasan sa totoong halik ay masasabi niyang mainit at ang intense ng nangyari. Paano na lang kaya kung hindi dumating ang kuya niya?

Nasalat niya ang kanyang labi, tila nararamdaman pa niya doon ang malambot na labi ni Clide, ang amoy ng mouthwash at aftershave na gamit nito ay dumikit sa kanya. Kung puwede lang sana na hindi na siya magsepilyo kinabukasan at hindi din magpalit ng suot na damit. Napailing siya at tinakpan ang mukha ng unan, bakit ba siya nagkakaganito?! Hindi niya masasabing love at first sight ang nangyayari sa kanya dahil noong una niyang makita si Clide bilang bartender ay hindi naman siya kaagad na na-attract dito. Masyado kasi siyang naka-focus sa drinking contest at sa malaking pera na papremyo ng bar. Pero iba na ang usapan noong ikalawang beses niya itong makita... Ito iyong sa bachelor's pad ng lalaki kung saan siya dinala dahil sa sobrang kalasingan.

"Matulog ka na Bella!" ang utos niya sa kanyang sarili.

Ipinikit niya ang mga mata pero sutil na bumabalik sa kanya ang nangyari sa kanila ni Clide kanina. Sa bandang-huli, mag-uumaga na siya nakatulog.

Kinabukasan... Tinakpan ni Bella ang sarili ng kumot dahil pilit siyang ginigising ng nakatatanda niyang kapatid. Ito iyong pinakaayaw niyang ugali ng Kuya niya. Puyat man ito o hindi ay ugali na talaga nitong maaga na gumigising. Para dito, mahalaga ang bawat oras, minuto at segundo. Kaya nga hindi na siya magtataka kung bakit sobra itong successfull.

"Bella, tanghali na! Bumangon ka na diyan at kakain na tayo ng almusal. Hindi maganda na gumising ka ng tanghali na, mas sasakit ang ulo mo at bibigat ang iyong pakiramdam."

"Kuya... Mag-uumaga na ako nakatulog kagabi! Saka anong sinasabi mong tanghali na eh mag-aalasiyete pa lang!"

"Mataas na ang sikat ng araw, kaya tanghali na! Bakit ba hindi ka nakatulog kagabi, ha?"

Bahagyang natigilan si Bella at nag-isip ng sasabihin.

"Eh Kuya, mahaba din naman kasi ang itinulog ko kahapon eh. Kaya ayon, nahirapan akong bumalik sa pagkakatulog kagabi."

Napabuntung-hininga si Webster.

"Pero bumangon ka na diyan. Kailangang samahan mo ako kay Via. Kapag kasama kita, siguradong medyo mababawasan ang pagiging dragon niya sa akin."

Sa sinabing iyon ng kanyang Kuya ay hindi niya napigilang hindi matawa. Kasunod noon ay tinanggal na niya ang kumot na itinalukbong at saka natatawang napatingin sa kanyang nakatatandang kapatid. Iyong inaantok niyang diwa ay nagising.

"Ikaw naman kasi Kuya eh! Bakit ba ayaw mong hiwalayan si ate Via? Di ba noon naman ayaw mo siyang pakasalan kung hindi ka lang binlackmail ni Lolo? Di ba ang sabi mo pa ay mahal na mahal mo si ate Stella?"

Natigilan si Bella nang makita niya ang paglambong lungkot sa mukha ng kanyang Kuya Webster.

"Bago ang kasal, binigyan kami ni Lolo William ng dalawang buwan para makilala namin ni Via ang isa't-isa... Aminado ako na sa loob ng mga panahong iyon ay hindi ko siya binigyan ni katiting na pagkakataon na makilala siya. Wala akong sinabi sa kanyang mabuti, sobra din akong naging rude sa kanya. Alam mo ang dahilan, ipinaglalaban ko ang pag-ibig ko kay Stella. Pero malaking pagkakamali iyon."

Napakurap si Bella, nagkukuwento ang Kuya Webster niya! Ni minsan ay hindi ito nag-open sa kanya tungkol sa personal na bagay. Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Webster.

Men in Action 14: Clide RaeignWhere stories live. Discover now