8. The Bodyguard

56 3 0
                                    


                            The Bodyguard


"Ulitin mo nga ang sinabi mo?" ang hindi makapaniwalang wika ni Siege habang nakatitig siya kay Clide.

Maaga itong nagpunta sa kanilang headquarters ngayong araw at nasabi na din sa kanya ni Ervine ang balak ni Clide na mag-sign in na bilang official agent ng Men in Action. Pero siyempre, pinili niya na magmaang-maangan ng kaunti.

Napakunot-noo naman si Clide at napatitig pabalik sa mukha ni Siege.

"Malinaw mo naman sigurong narinig ang sinabi ko. Nandito ako para mag-sign in na bilang official agent ng Men in Action. Huwag kang magmaang-maangan dahil siguradong na-inform ka na ni Ervine." ang seryosong wika ni Clide.

Unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ni Siege.

"Ha ha ha! Walang-hiya ka! Pag-aasawa lang pala ang magtutulak sayo!" ang hindi napigilang pakli ni Siege.

Natawa na din si Ervine at kasunod noon ay inilapag ang mga papeles na kailangang permahan ni Clide.

"Siyempre, dahil bagong sign in ka pa lang eh doon ka muna sa training camp kapag day-off mo sa trabaho mo bilang bodyguard sa asawa mo. Hetong nasa green na folder, ito iyong mga papeles na kailangang pirmahan ng iyong hilaw na bayaw para ma-hire ka niya as official bodyguard ng kanyang kapatid."

"Salamat... Pakiusap, sa ating tatlo lang muna ang tungkol sa kasal ko. Hindi ko naman sinasadya iyong nangyari at medyo naging kumplikado na ang lahat." ang wika ni Clide.

Kinuha niya sa mesa ang mga papeles na kailangan niyang pirmahan at binasa iyong maigi bago tuluyang pirmahan. Wala na talagang atrasan!

Samantala... Hindi muna kaagad pumasok si Bella sa opisina maging ang Kuya Webster niya dahil natagtag sila sa malayong biyahe. Ngayon ang araw na magsa-sign na si Clide bilang official agent ng Men in Action. Iyon kasi ang kundisyon ng kuya niya bago ito kunin bilang full-time bodyguard niya. Kung siya lang ang masusunod, ayaw sana niyang mag-sign in si Clide dahil alam niya kung gaano kadelekado ang sinasabakan nilang trabaho. Alam din niya na kahit naka-full time bodyguard ito sa kanya ay may pagkakataon na puwede itong ipatawag ng commanding officer kapag kailangan ito sa isang operation.

"Wala ka bang ganang kumain?" ang untag sa kanya ng Kuya niya.

"Ah, dama ko pa ang pagod sa mahabang biyahe kuya. Pero bukas, sasabay ako sayo sa pagpasok. Kaya ko nang magtrabaho." ang wika niya.

"Good. Kakailanganin ko ang kasipagan mo sa trabaho sa opisina, Sis! Sa mga araw na wala ako sa opisina ay kayo na muna ni Terrence ang bahala."

"Kuya, na-inform mo na ba si Kuya Terrence diyan?"

"Bukas ko pa lang siya sasabihan."

Nabitin sa pag-inom ng kape si Bella.

"Kuya! Alam mo naman na kapapanganak pa lang ni Ate Sandy. Siguradong magagalit iyon sayo."

"Wala siyang magagawa, ako ang boss."

Bumuntung-hininga na lamang si Bella sa tinuran ng nakakatanda niyang kapatid. Totoo naman kasi, ito ang boss.

Samantala... Pinagkaguluhan ng mga comrades si Clide sa Men in Action headquarters matapos malaman ng mga ito na nagsign-in na siya ngayong araw.

"Sa wakas, natauhan ka na din! Mabuti iyan, kasa masayang lang ang skills mo at magkakasama tayo ulit sa trabaho!" ang madaldal na wika ni Velvet.

"Kaya nga eh! Mabuti natauhan na itong si Clide! Pero ano ba ang nagtulak sayo para magsign in na bilang official agent? Biglaan naman yata, di kami inform?" ang wika naman ni Sky.

Men in Action 14: Clide RaeignWhere stories live. Discover now