Mahirap lang ang buhay ng isang Jaimen Shai Rodriguez, halos lahat ng hirap ay kaniya nang naranasan, ang tumira sa kalye, matulog sa malamig na semento, at magtrabaho sa mabaho, mausok, at madelikadong daan para may makain sa pang araw-araw. Minsan nga'y hindi na sila makakain dahil sa hirap ng kanilang Buhay. Kasama ang kaniyang ina nakikipagsapalaran si Shai araw-araw sa paglilinis sa kalye para may makain silang mag-ina. May angking ganda, talento sa bagay-bagay, at matalino rin si Shai, ngunit dahil sa hirap ng kanilang buhay hindi na niya tinapos ang pag-aaral sa Senior High. Sa lungsod ng Mercedes sila nakatira. Sa lungsod na halos pagmamay-ari na Pamilya Velasquez kaya ganoon na lamang ang pag-galang ng mga taga Mercedes sa pamilyang ito. Sa kagustuhan ng kanyang Ina na makapagtapos si Shai sa pag-aaral at maalis sa hirap ay tinanggap nito ang alok sa kaniya ni Don Iunardo na pagpapakasal. Si Don Iunardo Velasquez ay sikat at maimpluwensyang tao sa kanilang lungsod. Iniidolo sya ni Shai sa pagiging mabuting tao nito. Sa pagiging masigasig at matulungin sa mga tulad nilang mahihirap. Sa isang kisap mata nagbago bigla ang kanilang buhay ngunit sa pagkakataon din iyon ay nakilala niya ang anak ng asawa ng kaniyang ina, nas'yang nagpapahirap sa kaniya sa bagong buhay na meron sya ngayon. Hanggang kailan siya maghihirap? Hanggang kailan sya magtitiis sa lalaking iyon? Matatanggap pa kaya siya nito? Alamin at samahan natin si Shai sa pakikipagsapalaran nito sa kaniyang bagong buhay! @MyHotStepbrother.series1