01: Reception X Overthink

15 0 0
                                    

01: Reception X Overthink

~~~~~~~~

Ako si Jaimen Shai Rodriguez, 18 taong gulang. Mahirap lang kami ni mama pero kahit ganoon hindi kami sumuko sa buhay. Simula pagkabata ko tumutulong na ako kay mama na kumayod para sa aming pang-araw-araw. Kahit ayaw ni mama wala siyang magawa sa'kin dahil gusto ko talagang tumulong.

Kasama ko ang aking ina na si Aurora shairre Rodriguez, sinusuyod namin araw-araw ang matitirik na araw  at amoy ng nangangalingasaw na kanal upang magkaroon kami ng pera. Mahirap ang buhay namin ni mama kung kaya't naiintindihan ko kung bakit kami nagtitiis ganoong trabaho at kung bakit ako natigil sa pag-aaral.

Naranasan na namin ni mamang matulog sa kalye, waiting shed, park, at maging sa ilalim ng tulay. Sa mga lugar kung saan kami abutan ng antok ni mama—sa lugar na hindi kami mababasa kung sakaling umulan man. Pero bago pa man kami nakilala ni Don Iunardo, nasa squater na kami nakatira. Doon may nakilala si mamang kaibigan na tumulong at nagpatira samin. Siya si Nanay Lisa. Mabait si Nanay Lisa, hinding hindi ko siya makalimutan sa lahat ng tulong niya saamin.

Ang squater area na iyon ay pinaniniwalaang pag-aari raw ng mga velasquez. Hindi na nakakapagtakang marinig iyon dahil karamihan naman talaga rito pag-aari nila.

Bago pa man kami tumira sa kalye, waiting shed at sa squater, minsan na rin kaming rumenta ng bahay ngunit hindi rin nagtagal nang palayasin kami ni mama ng may-ari dahil hindi raw namin nababayaran ni mama ang aming bayarin sa renta sa tamang oras at halaga.

Wala kaming nagawa ni mama kundi umalis doon.

" Miss Shai..." Liningon ko ang lalaki na nasa harapan ng manobela ng kotse. Nakatingin ito sa'kin mula sa salamin. "...medyo malayo pa po ang Velas Mansion kung nais niyo po, maari muna kayong umidlip para makapag-pahinga..." Wika pa niya.

Kasalukuyan kami ngayong patungo sa mansion ng mga Velasquez. Ako lamang ang narito sa loob ng kotse habang sina mama at don Iunardo naman ay magkasama sa isang kotse sa nasa unahan namin. Kung tama ang pag-ka-kabilang ko kanina bago kami umalis sa hotel, may apat na sasakyan sa unahan ng sinasakyan nila mama at don Iunardo at apat din sa likuran namin. Sakay nang lahat ng mga iyon ang mga tauhan ni Don Iunardo na mag-ha-hatid sa'min patungo sa mansion.

Ngumiti ako sa kaniya mula sa salamin. "Ayos lang po ako, hindi naman po ako ganoon kapagod." Sagot ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa at tumango lang sa'kin kaya binalik ko na ulit ang tingin ko sa labas ng bintana ng sasakyan at pilit winawaksi ang n-nangyari... kahapon.

Kahapon...

Kahapon na puros kamalasan ang ganap sa'kin. Matapos ang kasal nila mama ay agad kaming pumunta sa reception hall. Nasa hotel iyon na pag-aari pa rin mismo nila Don Iunardo. Nakakamangha nga dahil halos lahat na lugar na nadadaanan namin ngayon ay pag-aari pa nila.

Masaya ang lahat kahapon ngunit nagbago iyon nang mangyari ang kahihiyan sinanhi ng ka-clumsy-han ko.

Flashback:

Nakaupo sila mama at don Iunardo sa unahan kung saan ang mini-stage at nakaharap sa amin. May table doon na para sa kanila at para na rin umano sa'kin pero naki-usap akong sa ibang table nalang ako umupo. Hindi sila pumayag noong una pero sa huli wala na rin silang nagawa kundi pag-bigyan ako.

Sa isang sulok malapit sa may intrance ng hall ay mag-isa akong nakaupo sa isang table. Ito nalang daw ukyupadong pwesto ika nung receptionist na siyang pabor naman sa'kin. Malakas naman ang speaker kaya kahit wala ako sa unahan makikita at maririnig ko pa rin ang programa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Hot Step Brother ( Stepbrother I)Where stories live. Discover now