Nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung may pwede lang na gawin para mabago ang mga nagawa... mga nasabi, para lang mabago ang kinahinatnan ng lahat, gagawin mo iyon `di ba? Pero, paano kung mabigyan ka nga ng isang pagkakataon? I-tama ang mali... Itago ang dapat... Gawin ang tama... Sabihin o ibahin ang mga nabitawan nang mga salita... Maaatim mo ba na kontrahin ang nakatadhanang mangyari? Kapalit ng kasiyahan MO. Handa ka bang maging makasarili? Ngayon na alam mong ang kinahitnan mo ay pagkatalo? Ngunit, paano kung mas lumala? Mas humirap? Mas naging masakit kapag dumating kang muli sa araw kung saan akala mo katapusan na ng lahat? Pipiliin mo pa rin bang baguhin ang mga nangyari? O, magsasaya na lang sa pagkakataong ibinigay sa'yo, na muling maranasan ang saya na naramdaman mo dati?