Magic Days

191 2 0
                                    

Pag-dilat ko, agad na sumagi sa isip ko ang sitwasyon na meron ako. Agad kong hinila ang drawer sa bed-side table at kinapa kung nandoon pa ang clock. Nandoon pa nga.

I looked at my cellphone to see the date. Still, three months ago. 'Di nga ako nananaginip na bumalik ako ng panahon. And damn, nakita ko nga siya ulit.

Bumangon na ako. Wala na yung kapatid ko dahil maaga ang pasok niya ngayon.

I did my morning rituals. And while doing my morning routines—like cleaning while exercising, my phone beeped. Tinignan ko iyon dahil bibihira lang na may mag-message sa akin. Unknown number.

Goodmorning. this is Jan. I wonder, how can you get your calling card album? this looks important baka kase kailangan mo na?

Message from him. Oo nga pala.

Lumabas ako saglit para magpa-load. Check-op na kasi ako kagabi kaya 'di ko nga pala siya nareplyan.

,,.. ah yes, this is Jillian. Thank you pala kasi nag-abala ka pang contact-in ako para ma-isauli yan.. that is surely important to me.. so.. how? ..

Nagpatuloy ang pag-txt txt namin hanggang sa mapunta sa kung saan saang mga bagay.

Lumipas ang isang buwan, hindi niya pa rin naisasauli ang calling card album ko. Panay kasi kami usapan na mag-meet para maisauli niya o 'di kaya ay pupunta na lang siya sa pinag-hatiran niyang lugar sa amin at palagi rin, nauuwi sa kwentuhan ang usap namin. Hindi ko na rin namamalayan na umaandar ang panahon. Nadadala lang ako. Na hindi ko na napapansing may dahilan pala kung bakit ako ibinalik sa panahong ito.

Jan: Hey. online ka pala di ka man lang nagmemessage? haha

Me: Hey ka din.. haha.. bakit ako ang kailangan mag message??

Jan: kase may kailangan ka sakin. haha

Chat namin sa facebook. Madaya nga lang yung facebook nya. Wala man lang ka-picture picture? Tanging yung profile pic nya lang na naka-takip naman yung mukha niya tsaka yung cover photo niyang kotse niya. Though, matagal naman nang acount na ‘to.

Nag-sabihan na kasi kami ng facebook at kung ano-ano pang account na pwedeng pang communication; na nung mga time na yun, napapa “OO NGA PALA” na lang ako.

Me: Anong kailangan ko naman sayo?? Haha baliw na to..

Jan: yung calling cards mo po. bakit ano pa bang kailangan mo saken bukod don? haha

Eto na yun. Yung time na, na-ewan na ako. Nung nabasa ko yan. Nung nabasa ko ULIT yan, kinabahan ako. Yeah. Kagaya ng unang beses na mabasa ko yan. Kasi bigla kong naisip nong panahon na yun, biglang sumagi sa isip ko, Kailangan kitang makita.. gusto kitang makita. Ulit.

Me: Ah.. oo nga. Kasi sa tuwing pinaguusapan natin hindi naman natutuloy. Kung saan saan lang tayo dinadala ng usapan natin..

Jan: nga e. tignan mo tuloy close na tayo. magkaibigan na tayo diba? haha

Dito ako unang natuwa sa kanya noon. Nung sinabi nyang magkaibigan at close na kami kasi, oo nga naman. Kasi magmula nang magkatext kami, hanggang sa mapunta sa chat, araw-araw as in, walang pinalampas na isang araw na hindi kami magka-usap. Sa loob ng isang buwan, nasanay ako na kausap ko siya sa bawat kilos na ginagawa ko dito sa bahay. Ni kahit nagtatrabaho ako, kausap ko siya. Nasanay ako na kausap ko siya. Ulit.

Isang buwan pa ang nakalipas. Ito na yung mga panahong alam ko na may gusto na ako sa kanya, o higit pa roon. Ito rin yung panahong may nahahalata na ako sa kanya pero hindi ko lang pinapansin dahil alam kong ako lang naman ang nakakaramdam. Wala rin naman siyang nababanggit na ang tinutukoy ay iyon pero madami akong nararamdaman na iyon nga ang tinutukoy niya. Na ako pala yun.

Clock: A Time Travel for Love (Short Story)Where stories live. Discover now