Ito po ay aking isinulat noong rumagasa ang sunud-sunod na walang tigil na ulan o ang Habagat at dahil doon, sobrang daming pamilya ang naapektuhan. Wala man po akong materyal na bagay na naibigay sa kanila noon, sa pamamagitan ng aking tula, aking ipinapakita ang pagdamay sa kanila sa oras ng pangangailangan. Una ko itong inilathala sa Facebook at ito pong mababasa niyo sa Wattpad ay isa na lang pong kopya galing sa original kong tula. Aking ikinagagalak una kong lathala dito at sana po ay magustuhan niyo (pwede po ang mga negative feedbacks/constructive criticisms).