Biglang nagbago ang buhay ng isang millenial na nagngangalang Keith, noong nagbakasyon sila ng barkada niya sa isang resort. Doon, ay natagpuan niya ang isang bote na palutang-lutang sa dagat na may nilalamang mensahe. Nabasa niya rito ang naudlot na pag-iibigan ng isang 'unknown' na ginoo at ng binibining si Eleonora, mula sa panahon ng mga kastila (1800s). Binalewala niya ang sulat ngunit parang ayaw siyang tantanan nito. Habang nagsusurfing ay naaksidente siya, nabagok ang kanyang ulo at nawalan ng malay. Laking gulat niya nung nagising siya! Natuklasan niyang siya'y nasa panahon na ng mga kastila. At natagpuan niya rito ang babaeng nasa sulat na si Binibining Eleonora.
4 parts