CHAPTER 2: GISING, SEBASTIAN

6 0 0
                                    

"Sebastian! Sebastian! Ika'y bumangon na nang maihatid mo na itong pagkain sa iyong ama. "

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at bumangon ako sa pagkakahiga. Nakita ko ang babaeng nagmamay-ari ng boses. Lumapit siya sa 'kin at may iniabot na supot.

"Magtungo ka sa hacienda at ibigay mo itong pagkain sa iyong ama. Bilisan mo at huwag kang magtagal doon."

Nagtaka ako. Sino siya? Anong hacienda ang tinutukoy niya? Ba't niya ako inuutusan? Anong ama?

Lumabas ako ng bahay at nilibot ng mga mata ko ang paligid. Lahat ng mga bahay dito ay gawang kahoy at may maraming kambing, kalabaw, baka, kabayo at mga bibe saan mang sulok ako tumanaw. Tapos may maraming puno. Parang nasa probinsya.

"Nasaan ako? Diba dapat nasa beach resort ako kasama ang barkada, nag-surfing tapos..."

Naalala ko ang nangyari.

"...nalunod ako at nabagok ang ulo sa kinailaliman ng dagat! Hala, Patay na ba ako?! " Sabi ko sa sarili ko.

Hinawak-hawakan ko ang aking katawan. Okay naman ako. Buhay pa 'ko.

"Baste! Bat nandyan ka pa sa labas?! Diyos ko! Nagugutom na ang ama mo doon sa sakahan! Mapapagalitan ka na naman. Pumunta ka na sa hacienda! Bilis!" Sigaw ng babae.

"Sebastian ? Baste? Diba Keith tunay kong pangalan? Ano ba to?! Naguguluhan ako sa nangyayari!"

Napakamot ako ng ulo dahil gulong-gulo ako sa nangyayari at naglakad nalang sa mabatong daan.

"Magandang Umaga, Sebastian!" Bati ng nakasalubong kong matandang lalaki na suot ay punit-punit na damit, nakapaa lang at may hila-hilang kalabaw.

May nakasalubong din akong kalesa na may sakay na lalaking naka-tuxedo.

Nahihiwagaan ako sa mga taong nakakasalubong ko. Kaya nagtanong na ako sa nakasalubong kong ale.

"Ano po ang lugar na to?"

"Nasa Baryo Kanlungan ka, Ginoo." sagot ng matandang babae.

"Baryo Kanlungan? Ngayon lang ako nakapunta rito, ah. Ang weird, may pa- 'Ginoo' pa," Sabi ko sa sarili ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong sign na may nakasulat na:

HACIENDA TERESITA

Baka ito na yong sinasabi niyang hacienda. Kaya
pumasok ako at bumungad sa kin ang napakalaking bahay.

"Sebastian!" Sigaw ng nasa likod ko.

Lumingon ako at palapit sa kin ang isang lalaking parang nasa edad 30 pataas. Punit-punit at madumi ang damit niya, nakapaa, pawis na pawis, tsaka may dalang itak.

"Ba't ang tagal mo? Nasa'n na ang pagkain?" Tanong niya.

Iniabot ko nalang ang supot na dala ko at hinablot niya ito agad.

"Umuwi ka na at baka pag-initan ka na naman ng mga guardia sibil."

Guardia Sibil? Nadiscuss namin yan sa history class ah. Sila yung mga sundalo sa panahon ng kastila.Ibig sabihin, nasa sinaunang panahon ako?! Imposible. Panaginip lang lahat ng to!

Gulong-gulo na isipan ko kaya sinampal-sampal ko na ang sarili ko at nagbabakasakaling magising sa isang panaginip. Tinapik ko ang balikat ng lalaki baka multo lang siya ngunit siya'y buhay na buhay. Imposible itong mangyari!

"Anong ginagawa mo sa iyong sarili, Baste? Nasisiraan ka na ata ng bait." Tanong ng lalaki.

Tinalikuran ko nalang ang lalaki at napakamot ng ulo dahil sa kalituhan. Naglakad ako palabas ng hacienda.

Siguro, nagta-time travel ako. Pero napakaimposible namang mangyari nito at walang ganon.

Sa aking pagkataka ay di ko na namalayan na naligaw na ako. Kumakalam na din ang sikmura ko sa gutom. Pero sakto din kasi may puno ng mangga sa tabi ng daan. Inabot ko ang bunga nito. Umupo muna ako sa ilalim ng puno at inisip lahat ng pangyayari.

"Kailangan kong magising kung panaginip lang to. Kailangan kong malaman kung bakit to nangyayari." Sabi ng isip ko.

Pinagmasdan ko ang paligid. Napakaganda rin ng view dito. Parang sa probinsya lang namin. Maraming puno, walang mga buildings na matataas, presko ang hangin at may- magandang dalaga na nagtatampisaw sa lawa?

"Lalala lala di dum..." kanta niya habang nagtatampisaw at sinusuklayan ang mga buhok niya gamit ang kamay.

Bigla namang panira yung manggang nahulog sa ulo ko. Napapikit at napakamot ako ng ulo dahil sa sakit.

Nilingon ko ulit ang lawa at biglang nawala ang dalaga. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala na siya.

Baka multo yon? O di kaya nalunod ?!

Kaya agad akong nagtungo sa kinaroonan niya.

Hinubad ko ang pang itaas ko at akmang lalangoy na sana ako kaso bigla siyang umahon Nagulat siya't napasigaw.

"Dios Mio! Anong ginagawa mo?! Napakabastos mo! Pinagmamasdan mo akong naliligo sa lawa?!"

" H-hindi ah. A-akala ko kasi nalunod ka kaya dali-dali akong nagtungo rito."

" Kasinungalingan! Umalis ka sa harapan ko! "

Agad akong tumalikod at lumakad palayo. Hindi ko naman nakita ang hubo't hubad nyang katawan. Mukha hanggang balikat lang ang nakita ko.

Lumingon na ako sa pagkakatalikod matapos ang ilang minuto. Baka tapos na siyang magsuot ng damit niya. Ngunit nakita ko nalang siyang umangkas na sa kanyang kabayo at umalis.

Ang malas naman. Di ko man lang siya nakilala. Napagkamalan pa tuloy akong manyakis nito.

Di mabura sa isipan ko ang kagandahan niya. Mga mata niya'y asul, may matangos na ilong, mapupulang pisnge at labi... Mestisa ang kulay ng balat at halatang Spanish. Siya talaga ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

Naglakad na ulit ako at sa wakas, nahanap ko din ang daan pabalik ng bahay.

Gabi na nang nakauwi ako. Pgpasok ng bahay ay bumungad ang galit na galit kong "ina".
"Ba't ngayon ka lang? Akala namin ay nahuli ka na ng nga sundalo. Ilang beses ba naming sasabihin na bawal lumabas ng ganito kagabi, Baste?"

" Sorry po, Mommy. Naligaw kasi ako."

" Naligaw? e ang tagal-tagal mo nang naninirahan sa baryo na 'to, at saka anong 'Sorry' at 'Mommy' yang sinasabi mo? Saan mo napulot ang mga salita na yan? Ayusin mo pananalita mo, Baste."

Oo nga, nasa sinaunang panahon pala ako. Iiwasan kong gumamit ng mga English words. Hahaha, Nakakatawa kasi parang si Mommy ko lang siya pag nagagalit.

"Patawarin nyo po ako, ina. Di na po mauulit."

" Kumain ka na diyan. Tapos na rin kaming kumain at matutulog na kami. Gumising ka ng maaga nang masamahan mo ang iyong ama sa hacienda."

" Sige po."

Pagkatapos kumain ay nahiga na rin ako. Banig ang higaan, tapos kawayan ang sahig.

Inisip ko ang lahat ng nagyayari. Di ako makapaniwala na nararanasan ko to ngayon. Gulong-gulo na din ang utak ko sa mga tanong na nasa isipan ko. Pero kung ano man to, gagawa ako ng paraan para ma-uncover lahat ng mysteries tsaka makabalik na ako sa normal. For now, I have to act as Sebastian.
----------

You're My Past, Present and FutureWhere stories live. Discover now