Si Tequila ay isa sa mga nabiyayaan makakita ng mga multo, ngunit hindi siya ordinaryong biyaya lamang, sapagkat may kumpleto siyang kakayahan na makipag usap at makitungo sa mga ito. Hindi niya iyon inabala pa, sapagkat ang akala niya ay guni guni o kaya'y kathang isip niya lang ang mga ito, subalit sa bago niyang nilipatan na tirahan ay nag karoon siya ng lakas ng loob maki pag ugnayan sa mga ito. Madami siyang napag kuwentuhan ngunit dalawang tao lang ang nakaka alam ng katotohanan, ang soon to be fiancè at ang bestfriend niya-- Madaming natanggap na banta at babala si Tequila, ngunit hindi iyon naging hadlang para malaman niya ang mga nag tatagong katotohanan.