Sinabi ni Arven James Vito na na-love at first sight ito kay Serene, bagay na dinedma ng dalaga. Hindi kasi siya sigurado sa 'love'; pero sa 'first sight', siya ang unang nakita nito nang magising. Sinagip kasi ni Serene ang binata sa pagkalunod. Kung tunay mang nagkagusto ito sa kanya, ang swerte niya. Bukod sa available, guwapo, matangkad at mayaman, isa ring doktor si Arven - big catch... ika nga! Hindi lang bumilib si Serene na masyado itong friendly at mahal ng mga tao. Naalala niya rito ang ex-boyfriend na pinawalan na niya. Matapos kasi ang dalawang taong pagiging mag-steady, natuklasan niyang hindi isang Eba ang gusto nito, kundi isang Adan! Serene can't break her heart again; she can't fall for the doctor. Lalo pa't against din sa pobre at 'no class' na katulad niya ang pinsan nitong si Victoria Smith. WARNING: For mature readers only Book Cover Credit: congerdesign (pixabay)
10 parts