Chapter 4 - The Search

121 5 0
                                    

ISA BA SIYANG sirena o anghel?

Hindi makapagpasya si Arven. Pamilyar na sa kanya ang mukha ng babae. Pero dahil nasa bingit siya ng kamatayan; napuno na ng tubig ang mga baga niya at nahilo na siya sa pagkalunod, nawalan na ng saysay sa kanya ang lahat nang una niyang makita ang estranghera na lumalangoy para sa kanya.

Ibinaon na lang niya sa isipan ang kagandahan ng babae. Ang maamo nitong mukha, ang maaarko nitong mga kilay at ang matangos na ilong na binalanse ng hugis puso nitong mga labi.

And those eyes, he thought. Nakita na niya ang cat-like nitong mga mata na nakakalunod tumingin. Concerned ang mga iyon sa kanya na humaplos sa kanyang damdamin. Noon lamang uli siya nakadama ng saya na may nagmamalasakit sa kanya. At sa napakagandang babae pa. Definitely, he died. Isang anghel ang kumuha sa kanya mula sa dagat. But can an angel swim? Wala rin siyang nakitang pakpak nito. So, is she a mermaid or an angel?

Nang muli itong masilayan ni Arven, naghinang ang mga mata nila. Hindi na niya napigilan ang sarili. Isa mang anghel o sirena ang pangitain, iyon lang ang pagkakataong makakalasap siya ng labi ng isang katulad nito.

Okay lang na hindi siya patuluyin ni San Pedro sa Langit! Sinunggaban niya ang estranghera.

Kung nasorpresa man ito, nabigla rin siya sa tila kuryenteng dumiklap sa kamalayan niya nang halikan niya ito. Binuhay ng babae ang kung anumang natutulog sa kanya. He felt so alive. At 'yun na nga, nang sampalin siya nito, isinuka na niya ang tubig-alat na nalulon niya.

Naalala na ni Arven kung sino ang sumagip sa kanya. Ang babaeng nahawakan niya sa b**bs -!

Lutang pa rin siya, sandali siyang napapikit. Nang muli niyang tangkaing tingalain ang estranghera, tinangay na ito ng mga kabataan.

"H-hey!" He managed to shout. "Bi-bitawan n'yo siya!"

Sa kabila ng pagka-groggy, pinilit niyang tumayo para humabol. Muli siyang bumagsak. Nang magkamalay siya, nasa isang silid na siya ng rural health unit, sa Poblacion ng El Nido.

"Wh- where?" Si Victoria Smith ang una niyang nakita sa loob ng maliit na silid. "'A- asan 'yung babae?"

"Thank God you're okay," saad nito, inignora ang tanong niya. "Mabuti na lang may nakakilala sa 'yo. Tinawagan ako ng local na pamahalaang, ASAP."

Pinsan niya sa ina ang babae pero karaniwang napagkakamalan silang magkapatid at si Arven ang kuya. Bata ng apat na taon sa kanya si Victoria o Vee sa edad niyang trenta y uno. Liban sa sophistikasyon, soft features at choice ng pananamit, lalaking version niya ang pinsan sa itim na itim at mahaba nitong buhok, mala-rosang balat at ilong na tila pangmaharlika.

"Asan na 'yung babae?" untag uli niya. May nagbihis sa kanya. Naka-maluwang siyang polo at shorts na hindi niya pag-aari. Nagunita niyang nawala sa pagkahulog niya sa dagat ang backpack niya.

"Magpahinga ka kaya muna," saway ng babae nang subukan niyang bumangon. Tumayo ito sa pagkakaupo sa silyang nasa tabi ng kama niya. Matangkad din si Vee, halos kasing taas niya.

Humalukipkip ito. "Hinahanap na ng mga pulis ang babae. Pero 'yung mga tinedyer, nadampot na. Pwede mo silang kasuhan kapag kaya mo na silang i-identify sa presinto."

Napamaang na si Arven sa kausap. Hindi iyon ang inasahan niyang maririnig sa pinsan.

~oOo~

"Hindi po ako magpa-file ng complaint." Sumadya na sila ni Vee sa presinto nang sumunod na araw.

Ang pinsan naman ang napanganga sa kanya. "Those brats threw you off board. They are young criminals. They deserve to be locked up!"

"Pwede n'yo na po silang pauwiin," sabi ni Arven sa pulis, hindi pinansin ang babae.

"Naku, salamat po, Doktor," anang ginang na nakamasid sa kanila habang kausap nila ang pulis na nasa front desk.

Nagpakilala itong si Mrs. Maguyon, ina ng isa sa mga tinedyer na si Zyril. May kasama itong dalaga na tila nasa gulang ng isang college student. Kararating lamang ng dalawa galing Coron.

"Mababait pong bata ang mga 'yan," saad ng maliit na ginang. "May kalokohan pero siguro'y nakarkula nila na malapit na naman ang aplaya at kaya n'yo pong lumangoy -"

"Talaga pong mga luku-luko ang mga bata n'yo," pakikisali ni Vee na inismiran ito. "Paano kung nabagok ang ulo nitong pinsan ko sa kung saan eh di nagka-amnesia rin 'yan?"

Napa-ehem na lang si Arven. Ipinaalala ni Vee ang nawawala pa nitong nobyo na ayaw na niyang panghimasukan.

"Ma'am inakala po ng anak ko at ng mga kasamahan niya na binabastos po ni Dok si Ma'am. Nangako po sila na ihuhulog nila etong manyakis. Awkward na muling sinulyapan siya nito. "Pasensya na po Doktor. Inakala po nila na ikaw 'yung manyak"

"Ano pong ibig n'yong sabihin?" Lalong lumalim ang interes ni Arven sa estranghera. So, napagkamalan nga lang siya.

"Hindi naman po tipong pa-victim 'yung babae," sabi ng pulis na kausap nila. "Nakapag-imbestiga na po kami sa bangka. Nakita po sa CCTV at may mga nakasaksi po kung papaano napatumba ni Miss Laqueo ang isang lalaki, sa isang hallway ng ferry. Baka ito na nga po ang nangha-harass sa kanya."

"Miss Laqueo?" Miss..? Dalaga pa ang babae. Gumuhit ang matipid na ngiti sa bibig niya. "And her first name?"

Ang kasama ng ginang na mukhang estudyante ang tumugon sa kanya. "Serene po, Sir. Miss Serene Laqueo po, teacher ko po siya sa P.E. sa St. Lourdes Academy. Mabuti po siyang tao, huwag n'yo po siyang idemanda.

"Serene Laqueo." Isa pala itong sirena, hindi anghel. Lumawak ang mga ngiti ni Arven, sumagi sa isipan ang dampi ng maalab at malambot nitong mga labi sa kanya. He wanted to see her again.

"Why would I sue her?" saad niya sa college student. "Iniligtas niya ang buhay ko. Binuhay niya ang puso ko..."

Habang nagsalubong ang mga kilay ni Vee sa huling sinabi niya, nangingiting napamaang sa kanya ang pulis at ang mag-ina. Maybe he was just too happy. Maybe na-realize niya, na-love at first sight siya kay Miss Laqueo; naging balewala sa kanya ang kakornihan niya.

"Bakit ko siya idedemanda?" makalwang pagsasaboses niya na ang tinatanong na ay ang sarili. "The least she could do for me is to catch my heart dahil nahulog na ito para sa kanya."

Nangingiting natutop ng college student ang bibig. Kinikilig. "Sige po, Doktor. Ibigay ko po FB account ni Ma'am Laqueo."

"Ipapa-man hunt na rin po namin siya," sabi ng pulis. "Pero hindi na po para hulihin," mabilis nitong dagdag sa pagtalim ng tingin dito ni Arven. "Para po makapagluhog ka na ng pag-ibig."

"Mas corni pala 'tong si Sarge," anang ginang. Nahawa na sila sa pagtawa nito.

Tanging si Vee ang nanatiling madilim ang mukha. "Do stop it, Arven James," saway nito at napapailing na lumabas na ng presinto.

Nag-file si Arven ng leave sa Paradise Medical Hospital para makapag-stay sa El Nido. Mahalaga sa kanya ang muling makita ang kanyang 'sirena' bago bumalik sa Coron.

Habang iginugol niya ang maghapon sa libreng pagagamot sa rural health ng Poblacion na talagang pakay niya, sa gabi ay nagpakasawa siya sa pagtingin sa profile ni Serene Laqueo sa Facebook. Wala siyang account sa FB, wala rin siyang panahong matuto dahil sa sobrang kaabalahan. Napilitan siyang mangapa para makapag-connect sa dalaga. Pero mukhang suplada ito. Nakailang private message na siya, hindi pa siya sinagot nito. Swerte pa rin siya na naka-public ang profile nito. Bukod sa na-scan niya ang maraming larawan ng dalaga na karaniwang naka-tag, may mga impormasyon din siyang nalaman dito.

Ikatlong gabi ni Arven sa Poblacion nang makatanggap siya ng magandang balita. Nahanap na si Miss Serene Laqueo!

CaptivatedWhere stories live. Discover now