Chapter 5 - Prospect Suitor

109 6 0
                                    

"Yes of course, I'm sure," kumpirma ni Serene. "Magre-resign na ako sa school."

Katatapos pa lamang niyang magkape, iniwan niya ang tasa niya sa mesa at lumabas sa backdoor para manood ng bukang-liwayway. Mag-iika anim pa lamang iyon ng umaga.

Karaniwang maaga siyang magising pero nauna ng bumangon ang Tiyo Kael niya para mangisda. Ang Tiya Salve niya ay nakalabas na rin ng bahay para naman magtrabaho sa palengke. Hindi na niya naabutan ang dalawa.

Dinama niya ang malamig na hangin sa pagtunghay sa unti-unting pagsulpot ng nagniningas na araw mula sa dagat. So beautiful...

Kung hindi niya kausap si Jasmin ay nakapag-selfie na siguro siya. Pero may pagkakataon pa naman... Marami pa. Dahil nagpasya na si Serene na doon na muna siya titigil.

Hangga't hindi pa siya nakaka-recover kay Ferdie...

"Anyway, magiging awkward din at ayaw kong maeskandalo kami. Mas mabuting lumayo na lang ako."

"Eh, paano naman ako?" reklamo ng BFF. "Wala na akong best friend dito. Pwede ba na pag-isipan mo muna? May isang buwan pa naman bago uli tayo bumalik sa school."

"Bahala na... O, sige na. Tatawag na sina Kuya. Txt, txt na lang uli tayo mamaya... O video call."

"Okay." Narinig niya itong maghigab. "Ang aga mo ring tumawag, matutulog na uli ako. Miss you... at advance happy birthday!"

"Wow, thanks." Nawala na iyon sa isipan niya. Two days from now ay magiging twenty-six na siya. Malayo sa parents niya. Kay Jasmine.

At walang Ferdie.

Napabuntong-hininga siya. Nilunok ang pait na namuo sa lalamunan. Ang balak niya, uuwi siya ng Maynila bago ang birthday niya para makasama ang ex. Wala na pala siyang babalikan.

"I said bye!" antala ng kaibigan sa pagdadalamhati niya. "Are you still there?"

"Andito pa." Pinasigla niya ang boses. "Bye, mamaya na lang uli."

Sa pag-end niya, sa tawag niya kay Jasmin ay tumunog na uli ang phone niya. Ang mga kuya na nga niya ang nagbi-video call.

Sasagutin na sana niya ang tawag, na-imagine niya ang mukha ni Ric - kuya niyang pang-asar; wala siya sa mood na mainis.

"Bukas na lang..." angal niya. Kinansela niya ang tawag ng mga kapatid sa kabila ng guilt na dinedma rin niya si Kuya Rey.

Nakapantulog pa siya. Loose T-shirt at manipis na pajamas, sumalampak siya sa puti at pinungpinong buhanginan para muling panoorin ang pag-angat ng araw mula sa dagat.

Malapit sa dalampasigan ang bahay ng tiyo at tiya. Nasa dalawampung hakbang lang kaya lumilikas ang mga kamag-anak sa mga pagkakataong malakas ang bagyo.

Nakatatandang kapatid ng ina niya si Tiyo Kael. Habang sadyang taga-Laguna ang mother side niya, si Tiya Salve na napangasawa ng tiyo ay tubong Palawan. Tumira sa kanila ang tiyuhin nang bata pa siya para magtrabaho sa Maynila; pero ilang buwan lang. Bumalik din agad ito sa El Nido nang magkasakit ang asawa.

Dalawampung taon na rin ang lumipas mula nang umalis ang tiyuhin sa kanila. May mga asawa na ang mga anak nito at piniling manirahan sa Puerto Princesa kaya ito at si Tiya Salve na lang ang naninirahan sa bahay.

Ang sabi ng mag-asawa, welcome siyang tumigil sa El Nido hangga't gusto niya.

May limang talampakan na ang itinaas ng araw mula sa tubig. Napakaganda nito sa pinaghalong rosa at ubeng kalangitan. Pwede pa siyang mag-selfie.

Nag-pose na si Serene sa harapan ng camera phone. Nagtodo ungis siya habang nasa gawing likod ang araw. Hustong kinapa niya ang shutter icon ng phone; biglang may tumikhim sa kanyang kanan.

CaptivatedWhere stories live. Discover now