EBEISNIKIMMY
Ang amoy ng kalawang at sariwang dugo ay humahalo sa bango ng mga mamahaling sunflowers sa loob ng sasakyan.
Malamig ang gabi, pero kalmado si Enzo habang nagmamaneho. Sa passenger seat, naroon ang isang boquet ng paboritong bulaklak ni Mia. Sa trunk naman ng kotse, naroon ang isang lalaking wala nang buhay----ang lalaking nagkamaling hawakan ang bewang ni Mia sa bar noong isang gabi.
Hinigpitan ni Enzo ang hawak sa manibela. Napatingin siya sa kanyang wallpaper sa cellphone. Litrato ni Mia habang natutulog. Napangiti siya----isang ngiting hindi umaabot sa kanyang mga mata.
"Happy 12th anniversary, Love," bulong niya sa hangin.
Para kay Enzo, ang pagpatay ay parang pag-aayos lang ng bakod. Nililinis niya ang paligid ni Mia para walang dumi, walang istorbo, at walang aagaw dito. Sila ang 'Double Tape'-at ang tape na ito ay gawa sa dugo at obsesyon. Kapag pilit mong tinuklap, siguradong may masisira.
Kinuha niya ang kanyang phone at nag-type ng message.
To: Mia (My Everything)
"Love, malapit na ako. I have a surprise for you. I can't wait to spend the rest of my life with you. See you in a bit."
Pinindot niya ang 'Send' bago tiningnan ang huling bakas ng dugo sa kanyang kuko. Kinuha niya ang isang basang tisyu at dahan-dahang pinunasan ito hanggang sa muling magmukhang malinis ang kanyang mga kamay. Ang mga kamay na mamaya ay hahawak sa kamay ni Mia para isuot ang singsing.
Isang proposal ang nakaplano. Isang bagong simula.
Pero para sa mga taong humarang sa kanila, ang hantungan------ ay parating na ENDssss....
DISCLAIMER: TAGLISH/ GRAMMAR ISSUES
FREE: FEEDBACK NEGATIVE OR POSITIVE CAN HELP
THANK YOU GUYS..