Of False Accusations

By unbreakabledanger

102K 3.5K 1K

12 people, 12 characters and a game. 2 killers, 2 shields, 1 doctor, 2 policemen, 1 barman, a detective and 3... More

Prologue
Chapter Two - Unknown
Chapter Three - White Room
Chapter Four - Close your eyes
Chapter Five - Pointing Fingers
Chapter Six - That's a foul, missy
Chapter Seven - An evil for an evil
Chapter Eight - Loathe could kill
Chapter Nine - Bound to lose
Chapter Ten - No way out
Chapter Eleven - Cover up
Chapter Twelve - Excuses and Connections
Chapter Thirteen - Going home
Chapter Fourteen - Not all angels have wings
Chapter Fifteen - A father
Chapter Sixteen - Save one soul
Chapter Seventeen - Gone in a blink
Chapter Eighteen - His rules (Part I)
Chapter Eighteen - His rules (Part II)
Chapter Nineteen - Hours wasted
Chapter Twenty - Connecting the dots
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part I)
Chapter Twenty one - Nothing left to lose (Part II)
Chapter Twenty two - Destined to die
Chapter Twenty three - Vital points
Chapter Twenty four - Uncertainties
Chapter Twenty five - Fixed roles
Chapter Twenty six - His act of bravery
Chapter Twenty seven - Keeping the deal
Chapter Twenty eight - Protecting her
Chapter Twenty nine - Loaded gun
Chapter Thirty - Turning tables
Chapter Thirty one - Grudge
Chapter Thirty two - Held captive
Chapter Thirty three - Battle they never won
Chapter Thirty four - Nightmares of waking up
Chapter Thirty five - A powerful army
Chapter Thirty six - Behind the trigger
Chapter Thirty seven - Sudden sacrifices
Chapter Thirty eight - All fall down
Chapter Thirty nine - Someone to save you
Chapter Forty - The game master I am
Finale
Epilogue
The pinaka-malupit na A/N
Special Chapter
Playlist ♫

Chapter One - Not a prank

6K 138 10
By unbreakabledanger

A/N: Uh hello po ^^; first mystery story po namin ito (2 po kaming nagsulat). Please bear with us, at sana subaybayan niyo ito hanggang sa huli (kung may nagbabasa man). Thank you hehe ^^


Chapter One

Dana's POV

Habang hinahayaan ko ang mga kaklase namin na makalabas na ng room dahil nag-ring na ang bell para sa aming break ay naramdaman ko naman ang phone ko na nag-vibrate mula sa aking bulsa. Dali-dali ko itong kinuha para basahin ang text.


"ARE YOU READY TO PLAY?"


Iyon ang mga katagang nadatnan ko at napakunot nalang ang noo ko dahil sa nabasa, sinong sira ulo naman to? Malamang nantitrip, galing sa unregistered number eh.


"Halika na Dana, lumabas na tayo." Bigla kong rinig na aya sa akin ng bestfriend ko, si Alex.


"Saan tayo pupunta?" Biglang nawala ang sigla sa mukha niya dahil yata sa nasabi ko,


"Where do you want?" Hinila niya ang wrist ko kaya ako napatayo.


"What the heck Alex? Saan ba tayo pupunta?"


"Tumigil ka nga Dana, sa canteen lang tayo pupunta." natatawang sambit niya.


I rolled my eyes, "Sige ha, tawa pa."


"Masyado kang nag-iisip ng kung anu-ano eh." napangisi siya.


Binawi ko ang sarili ko mula sa pagkakahila niya, "Hoy, may napapansin ako sayo ah, umamin ka nga."


"Ha? Umamin saan?" nagtataka niyang tanong.


"May gumugulo sa isipan mo."


Nakita ko siyang napalunok na lamang, "Wala to, may natanggap lang akong text."


Naningkit ang mga mata ko dahil sa narinig, "Oh anong sabi?"


Kinuha niya yung phone niya at agad na pinabasa sa akin yung message.


"T-teka, naka-receive din ako niyan ah!"


"Oh? Mabuti kung ganon, that only meant na magkasama tayo sa-"


Hindi ko na siya pinatapos pa at binalewala ang sinabi niya, "Alex, ikaw tong masyadong nag-iisip ng kung anu-ano eh, I'm sure gusto lang niyang mantrip."


"Dana-"


Tinawanan ko nalang siya, "Lilibre na nga kita ng makakain, pumili ka na."


Napabuntong hiniga na lamang siya at pagkabili ko, umupo na kami sa isang vacant table.


"Hindi talaga maganda pakiramdam ko dito." sambit niya, pero hindi pa rin ginagalaw yung pagkain niya. Halata mo sa mukha niya ang kaba.


"You know what Alex?"


"What?"


"Just eat!" and I rolled my eyes at him. Napakakulit! Bakit ba siya kabang-kaba?


Bigla naman akong napatingin dun sa may hagdan ng canteen, pababa na rin pala sina Janine at Raia.


Well, bukod dito kay Alex, silang dalawa yung kaibigan kong babae. Tahimik lang naman akong tao eh, nakikipag-usap oo, pero socializing with people? Nah.


"Janine! Raia!" tawag ko sa kanila, agad naman silang napalingon at ngumiti.


"Dito na kayo oh!" aya ko at agad naman silang pumayag at naupo. Tumayo naman ulit agad si Raia para isabay na din ibili si Janine ng pagkain.


Habang naiwang nagse-cellphone tong si Ja, napansin ko na bahagyang kumunot yung noo niya at may binulong pa.


"Okay ka lang Ja?" tanong ko, baka may emergency or something eh.


"Huh? Yeah, may nag-text lang." sabi niya na parang wala lang, pero ewan, sa hindi ko malamang dahilan biglang kumabog ng malakas yung dibdib ko.


"Ja, pa-text naman oh. Nakalimutan ko yung phone ko sa taas, importante lang." napatingin naman sa akin si Alex, he sure knows I'm lying.


"Sure, ito oh." binigay niya sa akin yung phone niya at agad naman akong pumunta sa messages.


Clinick ko agad yung text from that familiar unregistered number. Kailangan kong i-confirm tong nararamdaman ko.

Halos mabitawan ko naman yung phone ni Janine pagkakita ko nung parehas na text.


Yun pa rin, same words, all caps.


"ARE YOU READY TO PLAY?"


Nakaramdam ako ng biglang pangingilabot but I chose to not mind at all.


Nantitrip lang to.


"Dana?" Alex turned to me.


"Oh bakit?" tanong ko sa kanya, masking my shock.


"Wala, wala." alam kong gusto niyang malaman kung nakatanggap din si Janine, pero no. Hindi ko pwede sabihin.


Nalaman niya nga lang na nakatanggap kami parehas, napaparanoid na. Eh paano pa kaya kapag nalaman niya to?


"Ja, ito oh salamat ha." binalik ko na yung phone niya at dumating na din si Raia dala dala yung pagkain nila.


Kumain kaming apat ng sabay-sabay at tahimik nang biglang magsalita si Raia.


"Huh? Nagbago ba ng number si coach?"


"Oh bakit anong nangyayari?" tanong ni Janine.


"He's askin' if I'm ready to play." sambit nito, volleyball varsity kasi eh.


Tumingin sa akin si Alex na halos nanlaki ang mga mata.


"May mali talaga dito." rinig kong bulong niya.


"Replyan ko lang tong si coach ah, bigla-biglang nagpapalit ng number eh." Aniya habang nag tetext.


*Coach, nagpalit na po pala kayo ng number. May laro po ba tayo ngayon? Mukhang hindi ako na-inform eh. Saan po ba?*


Wala pang isang minuto ay nag-reply na ito *White Room. 3:30AM.*


"Luh? Gago lang? 3:30AM daw?!" natatawa niyang sambit sa amin.


Pati si Janine ay natawa rin, samantalang kami ni Alex dito, natahimik lang.


"Tawa naman kayo, nag-joke si coach."


"Smile naman Alex, sayang mukha." pagbibiro ni Janine, ngunit hindi pa rin kami tumatawa.


"Guys ang weird niyo promise." diniretso kami ni Raia habang ngumunguya.


"We're not the weird ones here-" magsasalita pa sana si Alex, pero tiningnan ko siya ng masama at nahinto.


"Uhh, Ja, Rai, may pupuntahan lang kami saglit nitong si Alexander." pagpapalusot ko at dali-daling hinila ang bestfriend ko sa isang parte ng canteen na wala masyadong tao.


"Ako naman ngayon ang hinihila mo." sabi niya sa sakin na nagpapahila naman.


"White Room, 3:30AM?! Alex-"


"Ngayon nararamdaman mo na yung nararamdaman ko?"


"Alex," napahinga ako ng malalim, "Naka-receive tayong apat." pag-amin ko sa kanya. Kailangan niya rin malaman, kaya sinabi ko nalang in the end.


"Diba sabi mo nantitrip lang yun?"


"Umayos ka nga! Bakit relax na relax ka ha? Parang kanina lang kabang-kaba ka?"


"No, Dana, hindi ako nagre-relax. I knew it, this is not just a simple prank."


"Yes, I know you're right. Pero hindi naman tamang mag jump sa conclusions agad agad." Tiningnan ko siya ng matagal pero hindi siya tumitingin sa akin.


"Don't be afraid, kung sino man tong gago na to, we're going to kick his ass hard." I assured him.


Natawa naman siya ng konti, "Hindi ba dapat ako ang nagsasabi niyan sayo? Ikaw yung babae dito eh."


Nagkibit-balikat na lamang ako tapos ngumiti siya ng sincere, "Kaya bestfriend kita eh Dana, alam mo yun?"


"Heh, tara na nga bumalik na tayo." naglakad ako ng mabilis at inakbayan niya ako.


Hindi ko alam kung ano bang nangyayari o dapat pang mangyari, pero yung simpleng nakatanggap kaming apat ng pare-parehas na text galing sa parehas na unregistered number? Hindi naman ata dapat ipag walang bahala yun kahit na sabihin mong maraming nantri-trip ngayon. Mahirap na.


**

THANKS FOR READING :)) vote and comment ♪♫


Continue Reading

You'll Also Like

6.8M 344K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
Save You By cesium

Teen Fiction

1.2K 91 34
[ Monreal Series ] Grab my hand and never let me go. Let the stars guide our way to the safe zone. Stay with me until we reach the finish line. Le...