RESET

By theliliaurora

1.5K 185 29

HGOS first installment: Dreadful Town Series • Book 1 Airen Celeste Mercado is a twenty-three-year-old young... More

HGOS
Map of Hemaiem
0
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27

Kabanata 20

43 4 0
By theliliaurora


A Love That Is Needed To Be Buried


HE'S HURT. Malinaw ang emosyon na iyon mula sa mga mata ni Alex. Kasama nito ay ang matinding pagkalito. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ko siya ng halo-halong emosyon at walang duda na siya nga si Alex from seven years ago. Alam kong marami siyang gustong itanong pero isa lang ang lumabas sa kaniyang mga labi.

"Bakit?"

I smiled at him genuinely. Mas lalo pa iyong nakadagdag sa pagkalito niya.

"Nakakahiya mang aminin pero— totoong gusto kita noon. You're my dream guy despite of the six year gap. You're everything to me . . . Alex. Marami akong gustong sabihin sa 'yo na hindi ko nasabi noon pero hindi ko na rin masabi ngayon. Someone told me na hindi lang kita makalimutan dahil traumatized ako sapagkat namatay kang hawak ang rosas na pulang binigay ko para sa birthday mo. Pero kung hindi ka namatay hawak ang bulaklak na iyon, kung hindi ko 'yon nakita sa mga dyaryo, hindi ako makukulong sa 'yo. At tama siya, Alex. Tama siya."

"Pero ako rin ang nagsabi no'n, Airen," giit niya. "Sa Himaraya, noong nag-away tayo. Ako rin ang nagsabi no'n sa 'yo, nakalimutan mo na ba?"

Umiling ako. "Wala akong nakalimutan maliban sa hitsura mo. Ngayon sabihin mo sa 'kin, sino ka?"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Huminga siya ng malalim bago sagutin ang tanong ko.

"Ako si Alexander Saldivar."

Muli ko siyang nginitian at marahang binawi ang aking kamay. Humakbang ako paatras.

"I see. Then my answer is still no. I don't love Alexander Saldivar anymore now that he's infront of me."

Nakahanda na akong bumalik sa elevator upang magtungo na lang kay Sabrina dahil nakaharang siya sa pinto ngunit bago pa man ako makalayo ay muli siyang nagwika. 

"Bakit?" ulit niya sa tanong kanina. 

Huminga ako ng malalim at pumikit nang mariin. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. 

"I don't love you anymore, Alex. Kasi hindi naman kita minahal. Kagaya ng sinabi ko, kagaya ng sinabi mo, traumatized lang ako kasi namatay kang hawak ang rosas na bigay ko at never kong nasabi sa 'yo noon ang nararamdaman ko. Nakulong ako sa nakaraan, kasi kayo lang naman ni Gemma ang kaibigan ko tapos— nawala ka. Tatlong linggo matapos mong mawala, inampon si Gemma ng taga- Maynila." Hindi siya nagsalita, hinayan niya akong magwika. "Nalungkot ako. Nilamon ako ng kalungkutan. Na kahit hindi ko maalala ang hitsura mo, pinilit ko ang sarili kong maniwalang mahal kita kahit wala ka na kasi, doon ko nararamdaman na buhay ako. Doon ko nararamdaman na may dahilan ang kalungkutan ko. 

Pero sa downtown ng La Vienna, sa kagubatan ng Himaraya, dito sa loob ng Estrella, may isang taong nagparamdam sa akin ng kakaiba. Para sa kaniya handa akong lumaban. Natatakot ako kapag nasasaktan siya. Nalulungkot ako kapag wala siya. Tumitibok nang mabilis ang puso ko kapag kasama ko siya. At higit sa lahat, handa akong mamatay para sa kaniya. Mga bagay na hindi ko magagawa para sa 'yo, Alex. Magulo man kung iisipin pero—"

Napasinghap ako nang biglang may hawak nang pulang rosas si Alex. Nagliliyab ang talulot nito at unti-unting nagiging abo ang mga mata niya na kulay brown noong nabubuhay pa siya. Unti-unting umangat ang sulok ng kaniyang labi hanggang sa matupok ang rosas at tangayin ng hangin ang abo nito. Nakasuot na siya ng puting cloak ngunit nakababa ang hood at unti-unting umusal ng mga salita. 

"Mahal din kita."

Sa isang iglap ay nasa bisig na niya ako. Niyayakap ako ng mahal ko. Niyayakap ako ni Crox.

"Natutuwa akong malaman na hindi ko na kailangang bumalik sa dati para tanggapin mo. At natutuwa akong malaman na hindi ka na nakakulong sa nakaraan ko. Ang katauhan ni Alexander Saldivar ay mananatili sa akin ngunit hayaan mong muli akong magpakilala," bulong niya. "Ako si Crox, ang tagapagpatupad ng mga kahilingan ng mga namayapa bilang kabayaran sa aking huling hiling. Mahal kita magmula pa sa La Vienna hanggang Himaraya at hanggang dito sa Estrella. Handa akong mamatay sa pangalawang pagkakataon para sa 'yo."


It was the happiest moment of my life. Ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng saya sa loob ng ilang taong puno ng trabaho at lungkot. Hindi ko inakalang sa pinakamadilim na sandali ng buhay ko, doon ko makikita ang liwanag upang magpatuloy.


Marami pa kaming pinag-usapan ni Crox. Katulad ng trabaho niya ngayon at kung paano niya iyon nakuha. He said that the job is the payment for his last wish. Hindi ko na inungkat pa ang tungkol sa huling hiling na iyon dahil nahahalata kong hindi rin siya kumportableng sabihin. Naiintindihan ko siya at hindi lang din naman kasi siya ang may tinatagong lihim sa aming dalawa. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing nasa katawan ko ang pinaniniwalaan kong pumatay sa kaniya.



"NATULOG KA BA!?" pambungad na bulalas ni Sabrina. May tuwalya pa siya sa ulo nang pagbuksan niya ako ng pinto. Alas tres pa lang ng umaga at thirty minutes na lang ay magsisimula na ang Life Fest. 

"Pasok, bilis!" Kaagad niya akong hinila papasok at sinaraduhan kaagad ang pinto. Hindi ko mapigilang mamangha pagkapasok ko sa loob ng silid ni Sabrina. Ang elegante at halos lahat ng furnitures ay may touch of rose gold. 

"Ganito, dito ka na maligo tapos habang naliligo ka mag-aayos ako. Para pagtapos mo maligo, ikaw na lang ang aayusan ko," aniya at iginiya na ako sa banyo. Nasa limang minuto lang ang itinagal ko sa banyo at tapos na agad ako. Sinuot ko muna ang robe na nakita ko sapagkat hindi ko alam kung nasaan ang damit na susuotin ko. Nang makalabas ako ng banyo ay naghihintay na sa akin si Sabrina sa harap ng isang malaking salamin na may mga ilaw sa gilid. Nakasuot siya ng blue midi dress at ankle boots. Nakaayos na rin ang buhok niya na nakalugay at kapansin-pansin ang mga blue highlights.

"Your . . . hair, how did you dye it so fast?"

She chuckled. "It's magic Airen girl," aniya at dahan-dahang tumayo mula sa stool. May benda pa rin ang binti niya pero kumpara kahapon ay mas okay na siya dahil kaya na niyang tumayo mag-isa.

"Upo ka dali!"

Kaagad akong tumalima at umupo sa stool. Tinaas-taas niya ang ilang hibla na buhok ko na parang bang iniisip kung anong hairstyle ang babagay sa akin. Maya-maya pa ay kinuha niya ang blower at sinimulang tuyuin ang buhok ko.

"Sabrina, can I ask?"

"Go on."

"Do you all have same abilities? Producing that white smoke?"

Natawa siya nang bahagya. Lahat na lang nakakatawa sa kaniya ha, ewan ko ba kung mapipikon ako o ano.

"Okay, few things . . . that is not a smoke. It is light coming from the moon. Means meron lang kami no'n kapag may buwan. Second, it's not an ability. It's magic. But we do have abilities. Like mine, I can heal everyone, I'm a healer," pagpapaliwanag niya habang patuloy na bino-blower ang buhok ko.

"You're joking, right?"

"I am not," tugon niya. Wala akong nakikita na bahid ng pang-uuto sa mukha niya sa pamamagitan ng salamin but I am still confused.

"If you're a healer why don't you heal yourself?" Nakabenda pa rin kasi ang binti niya hanggang ngayon.

She remained silent for a couple of seconds until she finally spoke. "That's the price of being in Team Mayari."

"I still don't get it."

"You see, Tala and Hanan Family are composed of plenty members. Ang pinaka-mababang bilang na nila ay 25. So sila yung pinapadala sa mga missions sa South kung saan kaunti lang ang mga you know, non-humans. They normally don't work in groups because those two family have scented blood smell that can attract monsters kapag nagtrabaho sila nang magkakasama. It works opposite in Mayari. Walang amoy ang dugo namin para sa kanila. So we can attack them without letting them prepare. But the price for that is we can't do a mission individually— well aside from that mission six years ago but anyway— ayon nga, hindi kami pwedeng umalis nang mag-isa. Back then in Graywood Academy, we trained as a group because we are a group. And being in a group means every single member is valuable. Every single member can help everybody except for herself, or himself. I can heal everybody but I can't heal myself."

"That's . . . sad."

Kaagad na umiling si Sabrina at ngumiti. "Not really. Rema is good at herbal medicines kaya hanggang ngayon ay buhay pa ako," natatawa niyang sambit.

"What about Elvira?"

"You are really intrigued about her, don't you?"

"Kinda."

Nagsimulang lumutang ang mga make-up brush sa harapan ko sa pamamagitan ng puting usok— I mean ilaw. Halos magkakasabay itong gumagalaw sa mukha ko hanggang sa nanatili na lang akong nakapikit upang hayaan ito.

"Well, Elvira got an ability that is mostly not of a help during missions kaya bumabawi siya physical strength. As you can see, she's the strongest tracker in Estrella."

"She said it's Rema."

"Don't get trick by that! Of course sasabihin niya 'yon kasi siya ang nag-train kay Rema!" natatawa niyang wika. "She's the strongest, really. You haven't seen her use those three arrows of her in one blow, don't you?"

Umiling ako. "So what is her ability?"

"She can read minds. Alam niya ang tumatakbo sa isip ng mga taong nasa paligid niya maliban sa isang bagay. She'll never know when a person will betray her. Kagaya ng nangyari kay 'M' of Tala. Elvira never know that she's gonna frame her up kung hindi dahil sa 'yo. Even though she never saw 'M' betraying her, she saw 'M' betraying you using the imitation of her arrows. Good thing, Hina was there. That crazy bitch! Alam mo bang nagsuntukan kami no'n nine years ago?" I kinda feel sad about Elvira pero hindi ko mapigilang matawa dahil may halong chismis ang kwento ni Sabrina. Habang inaayusan ako ay patuloy siya sa pagku-kwento tungkol sa ganap nine years ago kung saan nagsuntukan daw sila ni Macy.

According to her, it's their sixth year in Graywood Academy. Nagkapikunan sila sa corridor hanggang sa nagkasuntukan. With bleeding knuckles and some body parts, no one dared to stop them. After five minutes, the whole Mayari came and instead of stopping them, they back her up. That is the cue for the whole Tala to give Macy a back-up also. It was the biggest student fight and Hanan never tried to stop them because it means suicide. Half of the Tala stayed in the clinic for a week because Sabrina declined to heal them that made the Mayari end up being suspended for two weeks. 

"And . . . done! Go wear your dress," utos ni Sabrina. Sinundan ko ng tingin ang itinuturo niyang damit na nakalatag sa kama at hindi ko mapigilang mamangha sa detalye nito. 

"Woah," tanging nasabi ko sapagkat sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako makapagsusuot ng engrandeng bestida. Nang maisuot ko ito ay hindi ko maalis ang tingin sa salamin. I look like a different person. 

I'm wearing a rose gold Bardot style dress according to Sabrina. Bahagya niyang kinulot ang aking buhok imitating 1950's hairstyle na sa kabutihang palad ay bumagay sa akin. 

"Tara na?" wika ni Sabrina.

"Let's go to that Life Fest!"

"Yay!"


It took us 15 minutes before we can finally went out of HL. Inaabot kasi ng dalawang tatlong segundo bawat hakbang ni Sabrina at wala naman akong ibang magawa kundi ang alalayan siya. Nang makalabas kami ay may naghihintay nang kotse sa labas. Nang makita kami ng lalaking naka-suit na naghihintay sa harap nito ay kaagad niyang binuhat si Sabrina upang mas mapabilis. 

"Why are you here?" dinig kong tanong ni Sabrina sa nagbubuhat sa kaniya. That man looks exactly like her. Parang si Sabrina siya na tinanggalan lang ng buhok. Oh wait, that's gross. I mean, tinanggalan ng mahabang buhok. 

"Sinusundo ka, mahal na prinsesa," turan ng lalaki at punong-puno iyon ng sarkasmo. 

"Where's Vlad?" tanong ni Sabrina ng tuluyan siyang maipasok ng lalaki sa loob ng kotse. Lumingon sa akin ang lalaki at sumenyas na pumasok na rin ako. Walang imik kong binuksan ang pintuan ng backseat. 

"Why are you looking for that creepy man?" tanong pabalik ng lalaki matapos paandarin ang sasakyan. 

"Hindi creepy si Vlad, 'no."

"That man is throwing daggers at anyone, anytime and anywhere. Hindi siya creepy sa lagay na 'yon, Rina?"

"Shut up, Severio."

Mabilis lang ang byahe. Kung hindi injured si Sabrina ay malamang hindi na namin kailangang mag-kotse. Isa iyong establisyementong mayroong nag-iisang palapag. Maraming  pumapasok sa loob at marami ring kotseng nakaparada sa labas. Pumasok kaming tatlo sa loob at akala ko ay doon na ang venue pero dumiretso pa kami sa kabilang dulo nito at it turns out na nasa labas pala ang venue, sa gitna ng gubat ng Estrella. Kaagad kaming sinalubong ni Vladimir na naka-suit ng itim. It's my first time seeing him without daggers at nakahinga ako nang maluwag dahil doon. 

"You're pretty tonight," Vladimir said to me. Umalis muna si Sabrina upang kausapin si Severio na kapatid pala niya. "But Rina is prettier," dugtong niya at natawa ako roon. 

"Ba't sa akin mo sinasabi? Go on, tell her!"

Umiling lamang ito at nagpaalam na upang sundan si Sabrina. Hindi naman naging awkward ang paligid sa akin dahil maya-maya pa ay sinalubong ako ni Amber na may dala-dalawang wine habang nakasuot ng peach maxi dress. 

"Sana all sa boobs!" paunang bati niya sa akin at pinandilatan ko siya ng mata. 

"Shut up, Amber."

"Whatever. Tara doon kayna Rema!" Kaagad akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating kami sa table ng Mayari. Did I mention na maraming capiz lights ang nagkalat sa paligid? Ang ganda-ganda nila habang nakasabit sa mga puno. Nagkalat ang mga mamamayan ng Estrella at lahat ay nakasuot ng pinakamaganda nilang kasuotan. Visible pa rin ang buwan at buhay na buhay angk buong lugar dahil sa bandang tumutugtog ng halo-halong instrumento. This is the life that I always wanted and I can't believe that I'm experiencing it right now. It's not about the parties. It's not about the beautiful dresses and magic that I got to see. It's about living a life with purpose and having deep reasons of getting up from bed every morning. 

Maya-maya pa ay nagbago ang tugtog at mas naging mabagal. Huli na nang ma-realize kong nasa dance floor pala ako at wala na si Amber sa tabi ko sapagkat naiwan niya ako kakamasid ko sa mga nasa paligid. Napuno ang dance floor ng mga sumasayaw na magkasintahan at mag-asawa at hindi ako makaalis kaagad dahil para siyang maze na mahihirapan kang hanapin ang daan paalis. Hindi kasi joke ang laki ng dance floor at hindi rin joke ang dami ng mga mamamayan na nandito. 

Napasinghap ako nang may humapit sa baywang ko mula sa likuran at napangiti ako nang makita kung sino ito. 

"Crox." He's wearing a white suit but he's wearing a white mask as if nasa masquerade ball siya. I totally get it kasi baka nga naman biglang mag-freak out ang mga tao rito kapag nalaman nilang katabi nila yung tagapagpatupad ng kahilingan ng mga patay. 

"May I have this dance?" tanong niya habang confident na nakangiti na parang bang sure siya na hindi ako tatanggi.

"I would love to."

We danced. Under the moonlight, in the middle of a crowded dance floor. Malabo ang kinabukasan na naghihintay sa amin, alam ko 'yon. Pero mahal na mahal ko siya at alam kong gano'n din siya sa akin. I fell in love with Crox when I am running away from death. I still love him until now  and I hope that his feelings will never change once he found out that I'm slowly turning into the creature that killed his mortal body.


|L. Aurora|

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...