Kabanata 15

39 5 0
                                    


The Hidden Civilization In Sta. Catalina


I'M RUNNING as fast as I can to the point that my vision almost got blurry. This two old hags flying after me are so damn, scary! This is my first time seeing these creatures called manananggal! Hindi ko nga alam na nag-e-exist pala sila!

"Hija, ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat?" Corazon said, mockingly while flying after me. Sa tantya ko ay nasa limang metro ang layo nila sa akin.

Imbis na sumagot ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Pakiramdam ko nga ay para na akong ibon na lumilipad dahil sa bilis ko. Kung hindi ko bibilisan ay tiyak na aabutan ako ng dalawang matandang iyon! Sa sobrang bilis nang pagtakbo ko ay blurred na lahat ng nakikita ko at wala na rin akong ibang maramdaman kundi takot at kaba.

May pana ako pero minsan naiisip ko rin na pabigat lamang ito sa akin. Hindi ako marunong gumamit ng pana. Napagtanto ko iyon nang subukan ko itong gamitin sa sigbin. Gayunpaman ay hindi ko rin naman ito maiwan. May kilala akong nararapat mag may-ari nito.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko kanina. Habang tumatawa kasi silang dalawa ay humihiwalay ng kaunti ang kanilang mga balat sa baywang. Walang dugo na tumutulo pero nakakatakot pa rin.

"Anak ka ng crosswise!" Kapag minamalas ka nga naman.

Huli na at bago ko pa man maiwasan ay natisod na ako sa isang malaking ugat at bumagsak ang katawan ko sa maputik na lupa.

Mas lumalakas sa aking pandinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak. Mas lalo akong nahintatakutan. Katapusan ko na ba? Ako na ba ang magiging hapunan nila? Hindi, hindi!

Pinilit kong tumayo kahit na napakasakit na ng duguan kong braso na tumama sa bato. Kailangan kong makatakas. Hindi ako nabuhay ulit para lang maging hapunan ng dalawang pangit na gurang!

"Hija . . ."

"AAAAAHH!" tili ko nang marinig ko ang boses ng isa sa kanila mula sa aking likuran. Pilit akong tumayo at patuloy na tumakbo. Hindi ko alam kung hanggang saan ko kakayanin, pero kailangan ko silang matakasan.

Tuluyan nang lumubog ang haring araw at hanggang ngayon ay hinahabol pa rin ako ng dalawang manananggal. Wala silang kapaguran!

Gusto kong magpahinga, gusto kong uminom ng tubig ngunit nasa loob ng backpack ang tubig ko. Hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin ang buhay ko dahil sa uhaw. Habang tumatagal ay nauubusan na rin ako ng lakas at lumalaki ang pangamba na tuluyan na akong hindi makatakas. Panay ang tawag sa akin ng dalawang matanda na pinipilit kong hindi lingunin. Nakakatakot kasi ang hitsura nila!

Hindi nagtagal ay natanaw ko na rin ang hangganan ng madawag na kagubatan. Tila ba nagliwanag ang mga mata ko dahil sa nakita at nabuhayan ako ng loob. Kitang-kita mula rito ang mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan.

Mahigit isandaang metro mula sa kinaroroonan ko. Kaya ko ito, matatakasan ko sila. Ngunit habang papalapit ako roon ay tila hindi nakikisama ang mga paa ko. Namamawis na ang mga ito at suot ko pa rin ang sapatos na sinusuot ko noon sa coffee shop.

Nilingon ko ang dalawang matanda at papalapit na sila sa akin. Nais ko sanang hubarin ang aking sapatos ngunit hindi ko magagawa dahil tiyak na aabutan nila ako. Kailangan kong makarating sa dulo ng gubat! Kung tunay ang sinabi nila kanina na nasa hilaga kami ng Solare, kung gayon ay Sta. Catalina na ang natatanaw kong hangganan ng kagubatan.

RESETWhere stories live. Discover now