Kabanata 27

7 0 0
                                    

Lost Arrows

“AIREN, HINDI KO yata keri!” kinakabahang bulalas ni Amber habang pinupunasan ang noong namamawis. Si Sabrina na ang kumausap sa kaniya dahil busy pa ako sa pagtanaw sa loob ng bakuran ng Casa Montezaro na nasa kabilang bahagi pa ng tulay. Masyadong mayaman ang mga Montezaro na napagyaman pang lalo ni Arcos kung kaya't sila ang nagmamay-ari ng kapirasong isla na nasa pagitan ng La Vienna at Black's Vale. Doon nakatirik ang Casa at nag-iisa ito roon.

Medyo malabo ang mata ko pero naaaninag ko pa naman. Si Rema, kanina pa nakahawak sa hawakan ng kaniyang espada at pinapakiramdaman ang paligid.

“Apat ang gwardya sa labas. Dalawa sa gate at dalawang rumoronda,” saad ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga ito.

“Airen hindi ko talaga kaya! Baka pumalpak ako, feeling ko papalpak ako!”

“Amber you can do it. Shoot those men consecutively. Naniniwala si Airen sa kakayahan mo kaya naniniwala rin ako sa kaya mong gawin. Airen?” Sabrina handed me a green capsule.

“Ano 'yan?”

“It's a capsule that they made in the laboratory of Cosmos. Ma-e-enhance n'yan ang vision mo up to five kilometers and take note, it's clear. You're gonna become a human telescope for a while,” she explained.

Tinitigan ko ang capsula bago muling magtanong. “Gaano katagal ang bisa?” usisa ko.

“Ten seconds,” she replied.

“What!? Base sa tono ng pananalita mo kanina akala ko tatagal ng isang oras man lang.”

“It's a trick. Chill ka lang. Ang mahalaga may ten seconds ka. Tsaka one great leap of humanity 'yang invention na 'yan ano,” depensa niya sa gamot.

“Si Amber, binigyan mo rin?” tanong ko.

Umiling si Sabrina at ngumiti. “Bibigyan ko rin sana pero may napansin ako kanina. Masyadong malinaw ang vision niya at hindi niya kakailanganin ang gamot. Maganda rin ang pana na gamit niya. Nabanggit niya sa akin na ikaw raw ang nagbigay? It's a classic bow and arrows from the past na matagal nang pilit binibili ni Hina pero ayaw ibigay sa kaniya. Tell me, you met her do you?”

“Sino? Si Anagolay?”

She then said, “She bribe you didn't she?”

“Uh-huh. Hindi ko nga 'yan binibili, e. Nakuhanan pa ako ng pera.”

She laughed so hard about that na para bang may naaalala ring memories sa tindahan ni Anagolay. She didn't share it though. Siguro kasi may misyon pa kaming dapat tapusin.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nilunok ang gamot. Muntik ko pa ngang hindi malunok dahil walang tubig pero kaya naman pala.

“Time is running, Amber, okay na?”

I can see her hands tremble while holding the arrows in a bow pero kung makikinig ako sa pagmamaktol niya ay mas lalo lang kaming matatagalan.

“Shoot the man in the left side of the gate,” I commanded. Walang anu-ano'y lumipad ang palaso patungo sa lalaking nasa kaliwang bahagi ng gate. Sapul sa ulo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RESETWhere stories live. Discover now