Kabanata 22

30 5 0
                                    

Life Festival

I AM STILL IN SHOCKED from what I discovered. Hindi ako mapakali pero nagawa ko pa ring makipagkwentuhan sa Mayari nang bumalik kami sa venue ni Crox. Maya't maya akong binabagabag ng isiping hindi ang faceless killer ang pumatay kay Alex pitong taon na ang nakararaan. Gulong-gulo na ako. Kung hindi ang faceless killer ang pumatay sa kaniya, bakit hindi pa rin ito nahuhuli ng pulisya hanggang ngayon?

Nahigit ko ang sariling hininga nang mapansing kanina pa nakatitig sa akin sa Elvira.

"What?" I mouthed. Nasa tabi lang siya ng kaharap ko na si Hina.

"Stop being so loud and relax you mind," wika niya at matalim akong tiningnan bago bumalik sa pagkain. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Sabrina sa aming dalawa. "Pa-share naman ng chismis," aniya habang nagtataas-baba pa ang kilay. Napakamot ako sa sariling ulo dahil doon.

Walang emosyon na nag-angat ng tingin sa kaniya si Elvira. "Shut up, Rina."

"Sabi ko nga,"nakangusong sambit ni Sabrina at pagkatapos ay kumagat sa hawak na mansanas.

Maingay sa table at mas lalo pang nagpapaingay dito ang malakas na boses nina Sabrina at Amber pati na rin ang mga kalokohan ni Vladimir na maya't mayang sinasakyan ni Crox. They really became good friends.

"Hi! Andito na naman ako," wika ni Rema habang mahinang tumawa at naupo na sa tabi ni Elvira.

"Buti nakatakas ka!" bulalas ni Sabrina.

Sinenyasan naman siya ni Rema na tumahimik. "They won't let me sit here with you guys so 'wag kang maingay Ate Rina!"

"Ayan kasi, hindi matahimik 'yang bunganga mo," pang-aasar ni Vladimir.

"Isa pa, Vladimir tatadyakan talaga kita!"

"Looking forward to it," ani Vladimir nang nakangisi.

Maya-maya pa ay nabaling ang usapan kayna Nick at Hina. Although they look just fine and Sabrina already healed them, there are still visible bruises on their body especially Nick since based on what I've heard, he's fighting head on.

"You're saying na aalis ulit kayo mamayang tanghali?" hindi makapaniwalang tanong ko. Naikwento kasi ni Hina na aalis rin sila mamaya para sa panibagong misyon patungong Black's Vale. Ni hindi pa nga magaling ang ilang sugat nila! Kapansin-pansin din ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nila dahil sa pagod at puyat.

Hina nodded and didn't say a word. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng buong Mayari pero wala naman silang magagawa para roon dahil may kani-kaniya rin silang misyon kung kaya't binago nila ang usapan hanggang sa kung saan-saan na ito napunta. Maya-maya pa ay nagsitayuan na ang ibang mga mamamayan upang tumungo sa dance floor ng venue. Bago pa man ako makapagtanong ay nahila na ako ni Rema patungo roon. The next thing I knew, we're all dancing. Iba ito sa sayaw kanina. Umiikot kami ngayon sa isang malaking bonfire . Nasa ikalawang bilog kami sapagkat mga matatandang sopistikada ang nasa unang bilog.

It was a random dance. Walang steps pero umiikot ang lahat sa apoy na nasa gitna. Kasama ko ang lahat ng Mayari. Nakakapit sa kamay ko si Amber mula sa kaliwa samantalang si Rema naman sa kanan. Katabi ni Rema si Elvira tapos sina Hina at Nick. Samantalang katabi naman ni Amber si Sabrina na inaalalayan ni Vladimir tapos si Crox. The rest ng kasama namin sa pangalawang bilog ay hindi ko na kilala.

RESETWhere stories live. Discover now