Kabanata 23

31 5 0
                                    


The Deity's Gift

HINDI KO ALAM ang gagawin ko. Ilang segundo na kaming nakayuko at medyo nangangalay na rin ang batok ko. Nang tinangka kong mag-angat ng tingin ay kaagad na pinigilan ni Nick ang aking ulo.

"Don't look up unless she tells you to," mariin niyang tagubilin.

Ramdam ko ang paghakbang niya papalapit sa amin at sa pagkakataong ito ay hindi na ako naawat ni Nick. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang mabigat na presensyang nagmumula sa mata ng nasa harap ko.

Partida iisa lang ang mata niya pero nakakakaba siya kung tumingin!

She glared at me.

Nahigit ko ang sariling hininga sa takot at napakapit ako bigla sa braso ni Nick na nakatungo pa rin. Nawala na sa isip ko na pinagtangkaan niya ang buhay ko kanina. Pakiramdam ko ngayon, kung hindi ako aayos ng galaw ay itong nasa harap ko ang maghahatid sa akin sa huling hantungan.  Nababasa ba niya ang isip ko? Shoot, I'm sorry!

Muling humakbang papalapit sa gawi namin si Mayari. She's walking gracefully but dangerously. Bawat hakbang niya ay nagbibigay ng kakaibang lamig sa aking sistema. Gumagalaw rin ang mga pendant na nasa ulo niya habang marahang kumukurap ang kaniyang mata.

Natatakot ako kay Mayari pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya dahil siya ang pinakamagandang babae na nakita ko. Kahit yata bihisan mo ng basahan ang babaeng ito ay magmumukha pa rin itong mamahaling damit kung siya ang magsusuot.

"Too much compliment . . . but I appreciate it young lady." Napasinghap ako nang magsalita siya. Hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong para sa akin iyon sapagkat ako lang naman ang 'young lady' rito.

Pero teka, she's a Philippine Goddess. And she's speaking in English?

"English is a universal language, what's wrong with using it?"

This time ay hindi na bumuka ang bibig niya pero naririnig ko pa rin ang kaniyang boses sa isip ko. Okay, hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano. Kalma, brain. Huwag kang maingay!

"Nicholas!" Napapitlag si Nick nang biglang banggitin ni Mayari ang kaniyang pangalan. Kaagad siyang nag-angat ng tingin dito at dahil nakakapit ako sa braso niya, ramdam ko ang panlalamig nito.

"I-ikinagagalak kong ma-makita ka ulit . . . Binibining Mayari."

Marahang tumango si Mayari at pagkatapos ay mahinang natawa. "Hinihintay mo ako," wika niya. "Ikinalulungkot kong sabihin ngunit wala akong kinalaman sa takbo ng iyong buhay, Nicholas. Lahat ng iyon ay nakatakdang mangyari."

Wala akong naiintindihan sa nangyayari pero tiyak na naiintindihan ito ni Nick dahil muli itong yumuko. "Patawad, hindi ko sinasadyang paulanan ka ng dasal araw-araw."

"You've been too loyal to me and your friends, Nicholas. Sa tingin ko ay sapat na dahilan na iyon para rito," aniya at pagkatapos ay lumapit kay Nick upang bumulong ng mga katagang hindi ko narinig. He looks so stunned but seconds later, he started crying silently. Suddenly, Mayari turned to me. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong napalunok ng laway sa kaba. Bakit? Maliban sa presensya niya, sapat na sigurong dahilan ang mahabang espada na nakasabit sa baywang niya na ang hawakan ay kumikinang na ginto at mga maliliit na dyamante.

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon