Kabanata 24

30 5 0
                                    


Departure

SEPTEMBER 30, dalawang araw mula noong Life Festival, nagising ako mula sa mga mahihinang katok. Akala ko nga kanina ay nananaginip ako ngunit hindi pala. Wala na si Amber dito sa kwarto namin dahil tirik na tirik na ang araw at mainit na sa mukha ang sinag nito.

"Sandali!" sigaw ko upang maawat na ang pagkatok. Kaagad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Crox. Nakasuot ng plain brown t-shirt at pants.

Hindi pa ako naghihilamos!

Naisara ko ang pinto sa gulat ngunit humiwalay yata ang kaluluwa ko sa aking katawan nang pagtalikod ko rito ay nakasandal na sa pader si Crox at narito na siya sa loob ng kwarto ko.

"Putangina?" Napakurap-kurap ako ng tatlong beses. Bakit ba palagi ko na lang nakakalimutan na hindi na siya ordinaryong tao?

Mahina siyang natawa. "Kumatok lang ako kasi ayaw kong i-invade ang privacy mo habang tulog ka pa. Pero pinagsaraduhan mo naman ako ng pinto kaya wala akong choice," aniya at binuksan ang veranda upang pumasok ang sariwang hangin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang kawalan niya ng anino. Agad ko iyong iwinaglit sa isip ko.

"Hindi pa kasi ako naghihilamos. Nakakahiya, mukha pa akong zombie," tugon ko at bahagyang inayos ang magulong buhok na pwede nang pugaran ng manok.

"Maganda ka naman kahit bagong gising."

"Tigilan mo 'ko, may salamin kami rito." Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa gilid ng pinto. "Maliligo muna ako, dito ka lang ba?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Alin nga rito yung tuwalya ko?  Bakit kasi parehong puti?

"Bakit, isasama mo ba ako?"

"Narinig ko na 'yan dati, wala na bang bago?" biro ko.

"How? Hindi ka naman nagka-boyfriend dati."

Napangiwi ako roon. "Boyfriend ba kita o kaaway? Masyado kang namemersonal ha."

Nang malaman ko kung alin sa dalawa ang tuwalya ko ay ipinatong ko ito sa aking balikat. Pupunta na sana ako sa banyo nang harangin ako ni Crox bitbit ang isang baso ng kape. "Drink this hot coffee first bago ka maligo."

"Why?" tanong ko pero kinuha ko pa rin.

"Hindi ko rin alam pero iyon ang laging pinapagawa ni Mama dati. I thought you should do that too."

Lihim akong napangiti. "Thank you," I murmured.

+++

Nasa loob ako ng banyo. Humihingal habang nakaharap sa salamin. I've been expecting this ever since I learned about it but I'm still shaking in fear. I burned the edge of the sink with my bare hands. Wala ng apoy pero umuusok pa rin. Isa pa, nagsisimula nang mawala ang kilay ko at ang kulay ng aking labi ay unti-unti nang nagiging kakulay ng aking balat, tila ba sumasama ito rito.

“Airen!? Airen nandiyan ka ba?”

Napasinghap ako at pilit itinago ang nginig sa boses ko nang marining ko si Amber sa likod ng pintuan ng banyo.

“Andito ako, may kailangan ka ba?” sagot ko.

Hindi siya sumagot kaya kinailangan ko pang ulitin ang tanong. “Amber, may kailangan ka ba?”

RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon