Silent Chase (Cita Tucana Ser...

By aphrodixxy

58K 2.2K 313

Julian Verces, a gay engineering student that fell in love with a city girl. He had principles about adoring... More

-Silent Chase-
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Author's Note
Epilogue

30

1K 40 5
By aphrodixxy



Hindi siya makapagsalita.

Alam kong may gusto pa siyang sabihin kaso ay bigla siyang kinalabit nang siguro isa sa mga management staffs. Bigla naman siyang tumalikod saglit at napagdesisyunan ko na ring umalis.

"So, we'll discuss it furthermore at afternoon—" Lumingon siya sa'kin at naiilang akong tinignan. "I'm sorry for the bother, I can set a schedule for us to catch up things—"

"Ayos lang, Miss Milan. Mukhang busy ka," I smirked at tumalikod na sa kaniya. "Good bye, have a good day."

Nauna na akong maglakad patungo sa mismong lobby atsaka ako dumiretso papalabas. Nakita ko agad si Juliette na prenteng naghihintay sa'kin sa mismong kotse ko.

"Ang tagal mo, ah." Ngumisi siya sa'kin. "Anong pinag-usapan niyo? Saan kayo magkikita? Nako, Julian. Alam kong marupok ka—"

"Nakinig ka sa usapan namin? Akala ko ba umalis ka saglit?" Nagtataka kong tanong at binuksan iyong nakalock na pinto.

"Rinig na rinig ko yung usapan niyo," Natatawa niyang sabi at pumasok na sa loob ng kotse. "Pero teka, ha. May napansin ako sa kaniya, maliban sa nagbago yung katawan niya. Alam mo ba kung ano?"

Tumingin lang ako sa kaniya at sumandal na muna sa may upuan ko.

"Ang blooming niya, ah. Tsaka yung..." Tinignan niya ako ng nakakaloko. "mga labi niya. Parang may nakatikim—"

"Bwisit ka, Juliette." Napipikon kong sabi at tumawa lang siya ng malakas. Napailing naman ako sa kaniya.

"Pero seryoso 'to ha, ano bang pinag-usapan niyo kanina? Kasi, nahalata ko kung bakit hindi niya kinuha yung proposal ko, e." Kinagat niya yung labi niya. "Mukhang nagselos sa inasta ko kanina sa'yo."

I looked at her ridiculously. "Bakit naman siya magseselos? Eh siya nga itong pinagpalit ako sa iba. Nakakatawa iyang biro mo,"

"Julian, babae ako at alam ko kung ano ibig sabihin ng mga titig nila." Humalukipkip siya sa'kin. "Isa pa, kailan ba natin sisimulan iyong plano natin?"

"Tsaka na, we'll just wait for the right time." Saad ko bago bumiyahe patungo sa condo ko.

Iisang building lang kami ni Juliette pero medyo malayo iyong unit niya sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit pa talaga siya narito.

"Kailan ka ba kasi mapapagod kakatago sa kaniya?" Tanong ko habang palakad kami sa mismong loob.

"Kapag napagod na siya kakahanap sa'kin." Simpleng sagot niya at nagpaalam na, mukhang ayaw nang pag-usapan iyon. Sumama lang naman kasi siya sa'kin para sa proyektong 'to pero bukod doon, wala na siyang gagawin pa rito.

Nang umalis siya ay kusa kong narinig na may tumatawag sa'kin. Sinagot ko naman ito kaagad.

[Pre, kamusta siya?] Napangisi ako sa tanong niyang iyon. Halos araw-araw niya akong kinakausap at tinatanong tungkol sa taong pinapabantay niya sa'kin.

"Ayos, may meeting kami kanina pero ako naman yung naghatid-sundo sa kaniya." Pangchichismis ko sa kaniya.

[Good, I owe you a lot pare.] Aniya sa kabilang linya.

Tumango naman ako. "Siguraduhin mong babawi ka sa kaniya dahil kapag pinaiyak mo uli siya, kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo."

[Wag ka mag-alala, malapit ko na siyang itali sa'kin.] Natatawa niyang saad bago tuluyang ibaba yung tawag.

Nauna naman na akong pumasok sa condo ko at nagpalit na ng damit. Kaagad kong niluwagan iyong necktie ko at pumasok sa kwarto. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako nang pinupunasan pa yung buhok ko gamit yung isa ko pang tuwalya.

Habang inaayos yung polo ko para bukas ay nakita kong tumatawag sa akin si Mama. Napailing na lang ako dahil palagi niya akong tinatawag para kamustahin.

Alam ko din namang nalulungkot siya dahil minsan ay mag-isa na lang siya roon lalo na't sa pagkakaalam ko ay may balak na si Kuya Vince kay Ate. Matagal-tagal pa pero sa akin niya lang sinabi yung plano niya.

[Nak, kamusta ka na? Kumain ka na ba? Naku, wag na wag kang magpapalipas ng gutom at wag mong pagurin yang sarili mo.]

Napangiti naman ako sa biglang bungad ni Mama. "Ma, hindi na ako bata. Inaalagaan ko naman yung sarili ko. Ikaw, Ma? Sana naman inaalagaan mo rin sarili mo."

[Wag mo'kong utuin Julian, alam kong naglalasing ka dahil palagi mo siyang napapanaginipan noon at gusto mo siyang makalimutan? Hindi ba't palagi mo ring pinapagod ang sarili mo para naman maging abala ka?] Napabuntong-hininga siya. [Anak naman, nag-aalala na'ko sa'yo. Ilang taon na ang nakalipas pero ganoon ka pa rin sa kaniya.]

"Wag ka mag-alala Ma, past is past." Humiga na ako at pumikit. "Maayos naman ba yung negosyo? Tawagan niyo lang ho ako kung kailangan niyo pa ng padala."

[Sobra-sobra na nga 'to, 'nak. Maayos naman yung negosyo, hindi na siya nahihirapang kumita.]

"Mabuti naman ho kung ganoon,"

Pagkatapos kong makapasa ay nagsimula muna ako sa pinakasimple. Umusad na rin naman yung posisyon ko dahil nakikita nila yung kakayahan ko, hanggang sa binili ko na mismo yung negosyo at ipangalan kay Mama.

Napaayos ko na rin yung mismong bahay naming, mahigit isang taon nagawa. Ayaw kasi ni Mama na umalis roon dahil isa na lang iyon sa natitirang alaala nila ni Papa.

[Kamusta yung bagong proyekto mo diyan? Kailan ka ba uuwi?]

"Ma..." Medyo nag-aalangan ako. "Matagal pa'ko uuwi, pero nagsimula na kami sa bagong proyekto. Nag-meeting naman kanina, it was good. Mukhang kinuha yung proposal ni Juliette."

[Alam kong kaya yan ni Juliette, aba kung siya nalang kaya ligawan mo?] Biglang nagkaroon ng tuwa ang himig niya. [Ilang taon ka na! Kailan mo ba'ko balak bigyan ng apo at nang may maalagaan ako rito?]

"Hindi para sa'kin si Juliette, Ma. Wag na nating ipilit," Mahina akong humalakhak nang marinig ko ang paghihimutok ni Mama.

[Sabagay, ayos lang din naman na wala. Ang mahalaga, hindi na kayo nagkikita at nagkakamustahan ng babaeng nang-iwan sayo.]

Pinigilan kong bumungisngis sa sinabi ni Mama. Kung alam mo lang Ma, siya mismo yung magiging kasama ko sa buong proyekto.

Kusa na ring pinatay ni Mama ang tawag dahil may aasikasuhin pa siya. Ako naman ay nagpahinga na dahil alam kong may trabaho akong gagawin bukas sa opisina.

Kinabukasan ay maaga akong gumawa ng sarili kong umagahan. Binilisan ko na lang ang kilos ko dahil ayokong sumabay sa traffic.

Hindi na muna nagpasabay si Juliette dahil daw may mauuna siyang meeting sa schedule niya ngayong umaga.

Patungo na sana ako sa may intersection nang biglang may tumawid. Mabuti na lang at naging maagap ako at mabilis akong nakahinto.

"Fuck," I muttered bago nagmamadaling lumabas ng sasakyan para tignan yung nabangga ko.

Nakita ko si Twinkle na nakaupo sa may kalsada, tinignan ko kung maayos yung hita at kamay niya at mabuti na lang hindi siya nadisgrasya.

"Naisip mo bang mabuti yung ginawa mo?" Naiinis kong saad. Tinulungan ko siyang tumayo at inaayos naman niya yung heels niya.

"I'm s-sorry," Nakatungo niyang sabi. "Hihingi sana ako ng tulong dahil nasira yung kotse ko at kailangan ko nang pumunta sa opisina ko—"

Tinuro niya yung kotse niyang nakaparada at ngayon ko lang napansin iyon.

"Sana naman tignan mong maigi kung saan ka dumadaan!" Asik ko at napansin kong may gasgas siyang kaunti. Lumuhod ako para kunin ang panyo ko at pinagpag ito.

Naalala ko noon, hindi nga pala siya marunong tumawid mag-isa sa kalsada sa pag-uwi namin.

"You never changed, still the Twinkle I knew." I whispered habang ginagamit ko yung panyo ko para linisin yung bandang binti niya.

Mabuti na lang at nasa bandang gilid kami kaya hindi kami naging abala sa mga dumadaan. Pagkatapos niyon ay tinignan ko iyong kotse niya. Umuusok pa iyong bandang makina niya.

Habang sinusuri ko iyong makina ay napansin kong aligaga siya at panay ang tingin niya sa oras. Mukhang malalate na siya kaya kahit alam ko kung paano ayusin iyon, tinawagan ko na lang iyong isa kong empleyado na magaling rito.

"Carlo, may ginagawa ka ba?" Tanong ko kaagad. "Paki-ayos naman 'tong kotse, tumirik sa mismong intersection. Nasa tapat ako nung train station malapit sa opisina, pakisabi na lang kapag maayos na."

[Copy that boss,] Iyon lang at pagkatapos ng tawag ay lumapit na ako kay Twinkle.

Binuksan ko iyong kotse ko at hinablot na siya mula sa kaniyang braso.

"Hey! Ano bang kailangan mo—"

"Sakay." Utos ko at kita ko namang napatigil siya.

"Hindi na, I'll just wait sa mag-aayos ng kotse ko since mukhang may gagawin ka din." Umiling siya. "Mauna ka na,"

"Nagtawag na ako ng mekaniko, pumasok ka na kung ayaw mong mahuli." Mariin kong saad at tinignan niya ako.

Napilitan siyang sumakay dahil tinignan ko siya na para bang hindi ako nakikipag-biruan. Nang pumasok siya ay umupo lang siya at panay ang lingon sa labas.

Hindi muna ako nag-drive at hinintay siyang gumalaw. Para bang hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Nang hindi na ako makatiis ay lumapit ako sa kaniya.

Rinig ko ang pagsinghap niya at kaagad naman siyang nagprotesta.

"A-ano bang ginagawa mo—"

Kaagad kong kinuha ang seatbelt niya at isinuot sa kaniya. Nang ma-sarado ko ay hindi siya makatingin sa'kin at namumula na ang buong mukha niya.

"Stop assuming, I'm not gonna do anything to you." Saad ko at nagmaneho na.

Habang nagmamaneho ay iniabot ko iyong panyo nang mapansin kong napawisan siguro siya kakahintay ng tulong sa may labas. Baka matuyuan pa siya ng pawis.

"Gamitin mo, uubuhin ka." Simpleng sagot ko at dahan-dahan niya namang kinuha iyong panyo bago ipunas sa kaniyang leeg at gilid ng mukha.

"Thank you," Namayani ng ilang minute ang katahimikan. "So, this is your car? It's quite expensive, huh."

"This is my own car," Sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "Of course, I can afford to buy one. Ilang taon na rin naman akong nagtrabaho para mabili lahat ng gugustuhin ko."

"Since when ka pa narito sa Manila? I thought you won't go here unless kung kakailanganin ka," Tanong niya naman sa'kin habang tumitingin sa bintana. "I remember you told me that."

"I'm not stalking you, I'm here for my work and I've been working here for two years. Minsan, umuuwi kung may ipapagawang proyekto." I'm starting to get irritated by her now dahil panay na siya tanong.

"You're not stalking me? Then why are you the head of my construction team?" Matalim niyang saad. "It will never be a coincidence. Halatang pinagplanuhan mo—"

"Pinilit ako ni Sir Velasco, Twinkle." Hininto ko na yung kotse sa mismong building kung saan siya nagtatrabaho at blangko siyang tinignan. "We were supposed to go back to Cita Tucana when he offered about the position. He is a good friend of mine, ayoko siyang ma-disappoint by saying no."

"Oh, is t-that so." Napapahiya niyang tugon. "P-pero, sinong kasama mong dapat babalik—"

"None of your business." Sambit ko bago lumabas sa sasakyan at binuksan na ang pinto para sa kaniya. "I'll just call if you're car is now done."

Kusa na siyang lumabas at hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Nauna nakong imaneho ang kotse patungo sa opisina.

Pagkarating ko roon ay dumiretso na ako sa itaas para tumingin noong mismong proyekto. May mga ipinakita pang schedule yung secretary ko para sa gagawin ko ngayong araw.

"Just leave it here, ako nang bahala." Tumango naman siya sa akin pagkatapos.

Tinignan ko na yung mga naunang files. Ilang oras ang ginugol ko para macheck lahat ng maayos na bago ilagay sa may printing area.

Pagkasapit ng lunch time ay nagpadala na lang ako ng pera para yung mismong secretary ko na yung bibili ng pagkain. Masyado akong abala sa pagpipirma noong mga papeles na kakailanganin na mamayang hapon.

Natigil ako sa pagpipirma nang kumatok iyong secretary ko.

"Sir, may meeting ka po with other board members sa joint forces noong construction of Intel's company." Kusa na akong tumayo at pumasok sa may conference room.

Tumagal ng tatlong oras iyong meeting, kasabay pa noon yung snack break ng mismong presentors atsaka pagpapakita ng mga plans nila para sa susunod naming proyekto.

Isang malalim na buga ng hangin ang pinakawalan ko nang matapos na yung mismong presentation. Tinupi ko iyong sleeves ko patungo sa may siko bago suklayin ang buhok.

Naglakad na ako sa may cubicles ng mga empleyado at pinaasikaso sa kanila yung mga final reports dahil malapit na rin namang gumabi.

Nagpahinga ako ng ilang minuto bago nag-type uli ng panibagong files para doon sa hinihingi ni Sir Velasco. Alam kong matagal niya pa iyong kakailanganin pero tatapusin ko na para checking na lang ang gagawin ko sa site planning and location.

Nang mapansin kong 7 na ng gabi ay doon ko na naisipang umuwi. Overtime ako ngayong araw kaya ako na lang at yung mga empleyado sa third floor iyong may bukas ang ilaw sa mga rooms.

Noong mga unang taon ko sa pagtatrabaho, palagi kong pinapagod ang sarili ko para naman kalimutan lahat ng mga alaala dahil bumabalik iyon sa tuwing naririnig ko iyong mga balita tungkol sa kaniya lalo na't malapit ako kay Aling Berna.

Kung minsan rin ay naglalasing ako kasama nina Finn para naman mawala iyong pagod ko at kahit papaano'y makapagsaya pero kahit anong pilit ko, nahihirapan akong maski halikan yung isang babaeng may gusto sa'kin.

Sinubukan kong manligaw sa iba, kaso sa pagtagal ay nawawalan na ako bigla ng interes. Nahihirapan akong ibaling ang atensiyon sa iba dahil palagi ko silang pinagkukumpara kay Twinkle.

Kahit pa pinipilit ako nina Finn na isama sa motel yung makinis at maputing babae, hindi man lang sumigla at wala akong naramdamang init sa katawan ko. Sinampal niya pa nga ako noong tinanggihan ko siya sa harap ng maraming tao.

Lalabas na sana ako ng building kaso ay nakita ko si Twinkle na naghihintay sa'kin. Natigil ako sa paglalakad at kusa siyang lumapit sa'kin.

"Sorry, Julian. Ano," Binigay niya sa'kin muli yung panyo ko. "I-ibabalik ko lang. Pinalabhan ko kanina, salamat sa pagsundo sa'kin."

Tinignan ko saglit iyong labas at napansin kong umuulan. Hindi pa naman ako nakatanggap ng tawag mula kay Carlo kaya alam kong nasa garahe niya pa iyon at pansin kong medyo basa si Twinkle.

"Paano ka nakapunta dito?" Hindi ko mapigilang tanungin.

"Uhm, nagtaxi ako kaso umulan agad kaya hindi ako kaagad naka-uwi." Nakakagat-labi niyang tugon. Dumidilim na rin at hindi magandang umuwi siyang mag-isa.

"Wala kang payong?" Tanong ko muli at umiling siya. Napabuntong-hininga ako bago hubarin yung coat ko at medyo pinatong sa balikat niya.

"Dalhin mo'to, ihahatid na kita pauwi."

"Mag-aabang na lang ako na tumila yung ulan para makapag-taxi—"

"Gabi na, Twinkle. Nag-iisip ka ba?" Naiinis ako sa tuwing pinipilit niya yung gusto niya. "Wag ka nang magpilit dahil hindi rin naman ako papayag na umuwi kang mag-isa."

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ko kaya inakay ko na siya papalabas. Tumungo lang ako sa guard bago kami pumunta sa may parking lot.

Mabilis kong binuksan iyong pinto ng kotse para hindi siya mabasa, pinaandar ko rin naman pagkapasok ko.

Nang bumiyahe kami pauwi ay tinanong ko na kung saan siya ibababa.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ko at humarap siya kaagad sa'kin.

"Sa may Oasis, malapit sa may south avenue. Doon yung condo ko," Tumahimik lang siya saglit at naging mabilis lang yung biyahe dahil gabi na.

Pagkapark ko ng kotse ko ay kusa ko na rin siyang inalalayan. Sinundan ko lang muna siya ng tingin para makita kong magiging ayos ang kaniyang kalagayan pag-uwi pero tumigil siyang maglakad saglit.

"Julian..." Tawag niya sa'kin kaya napatingin ako sa kaniya. "I want to say sorry..."

"For what?" Malamig kong tugon kahit alam ko kung ano yung tinutukoy niya.

""Pinagsisihan ko lahat ng sinabi ko sa'yo. I'm sorry if I left without an explanation—"

"It's fine, I already erased it in my memory." I stopped her dahil ayoko na ring makarinig sa mga bagay tungkol doon. "Hindi mo na kailangang ulitin pa."

"Then, wait for me." She smiled. "I'll make sure that you will fall in love with me again. I'll court you again, I want you back Julian."


Natigilan ako saglit sa sinabi niya kaya tumalikod na lang ako para wala siyang mabasang emosyon. I hated when she still have this effect on me. Alam kong alam niya na kaya kong lumambot para sa kaniya, kaya siya nagpapaawa sa harapan ko.

"Don't bother. Just remember, I didn't even order you to do that." Nagpatuloy lang ako nang hindi lumilingon pero sinundan niya ako.

"I'm still the Twinkle you knew, Julian." Habol-habol niya ako at kita kong nahihirapan siyang tumakbo dahil sa mataas niyang heels. "I'll court you everyday just to make sure you'll be mine again. I'll promise you that!"

"Suit yourself." I chuckled dryly. "Don't worry, I'm not the gullible Julian you knew before. The last time you promised, you ruined everything we had."

Kita kong nasaktan siya saglit sa sinabi ko pero kaagad niyang binalewala at humarang sa dinadaanan ko.

"Just give me a chance, I'll prove to you I really love you." Her eyes watered kaya bahagya akong nahirapan. "Mahal kita, Julian. Mahal na mahal kita,"

Pinigilan ko ang sarili kong sigawan at sumbatan siya sa lahat-lahat. It's been years, bakit ngayon lang siya ginanahang kumilos? Pathetic.

"I had felt nothing but pain when you left me," I chuckled. "Now tell me, how will you prove to me you love me when you never felt it in the first place?"

Ako naman ang lumapit sa kaniya. Hinawakan ko muli yung baba niya para matignan ko siya ng maigi.

"Pero ikaw ang bahala, Twinkle. It's your choice to do everything you want dahil nasira mo na yung tiwala ko sa'yo kahit noon pa." I stopped. "Kung alam mo lang kung gaano kasakit yung naramdaman ko noon, hindi nito matutumbasan lahat ng pwede mong gawin ngayon. Tao rin ako, Twinkle. Alam mong kahinaan kita, but you chose to end up everything."

Napapailing akong tumingin sa kaniya bago naglakad papalayo. I was about to reach my car when I heard her words.

"Hindi lang ikaw ang nasaktan, Julian. Dahil kahit kailan, pinagsisihan ko lahat ng iyon. It's the worst decision I've ever made."

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 229K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
49.7K 1.5K 34
[SB19 Series #5 | KEN FAN FICTION | Completed] A pure, innocent guy and a girl who hates boys. How would she be able to turn his innocence away?
79.3K 1.2K 71
"For you, a thousand times over." A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.