RESET

By theliliaurora

1.5K 185 29

HGOS first installment: Dreadful Town Series • Book 1 Airen Celeste Mercado is a twenty-three-year-old young... More

HGOS
Map of Hemaiem
0
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27

Kabanata 13

33 5 0
By theliliaurora


Alone Again


"CROX . . . Crox!"

"Hey, I'm here."

Halos maiyak ako nang makita si Crox na paparating. Hawak niya sa kabilang kamay ang tumbler ko at sa kabilang kamay naman ay mga maliliit na sanga. Umupo siya sa tabi ko. Nasa gubat pa rin kami.

"Kumuha lang ako ng tubig," aniya at iniabot sa akin ang tumbler.

"Where? As far as I remember, I am in the southeast of Himaraya. Ang sabi sa mapa, nasa southwest to northwest ang ilog."

Tumango siya at nagsimula nang ayusin ang mga kahoy na dala. Ayon sa cellphone kong wala pa ring signal, mag-aalas kwatro na ng hapon. Hindi ako matulungan ni Crox na makalabas ng gubat sapagkat nanghihina rin siya kagaya ko. That creature badly wounded him and the pain is preventing him to use his power so we can't travel fast like what he always do. Now, we have no choice but to walk and he has no choice but to stay here with me since he can't go to other places to grant wishes of—err souls. Ang weird pa rin ng trabaho niya para sa'kin.

But I like it this way. I might be selfish but I don't want to be alone. Again.

"Totoo iyon. I just found a well meters away from here. Mukha namang malinis. Doon ako kumuha ng tubig."

"Balon? At ang sabi mo ay malinis . . ." napatayo ako bigla ngunit muntik pang matumba nang sumakit ang tagiliran kong nahampas nga pala ng buntot ng sigbin.

"Careful," paalala ni Crox habang inaalalayan akong umupo ulit sa lupa.

"Crox, hindi mo ba na-ge-gets? May balon at malinis ang tubig! If it is an abandoned one, dapat madumi iyon at napupuno ng alikabok at dahon!" bulalas ko. Binuksan ko kaagad ang tumbler at itinaktak ang laman nito sa takip na kulay puti. "See? Walang alikabok ang tubig! Sigurado akong may gumagamit no'n na nakatira lang malapit dito!"

"Who would live in the middle of a forest? With wild animals and some wicked creatures?"

"There must be! Matutulungan nila tayong makalabas dito sa gubat kung sakali. At kung nakatira sila rito sa gubat, maaaring may mga alam din sila tungkol sa halamang gamot. They can treat us both, hindi yung ganito na puro tela na ang katawan natin para pigilan ang dugo sa mga sugat dahil pareho tayong walang alam sa herbal medicines. You . . . you can also go back to your work as soon as possible," paliwanag ko.

Hindi niya iyon pinansin. He just looked at me with an uninterested stare.

"It is too dangerous to trust anyone here. Just eat up these fruits and get some sleep so we can continue walking out of this forest. We don't need anyone's help."

Sabi ko nga.

Labag sa loob na kinain ko ang mga manggang nakuha ni Crox kanina. Maasim. But I don't have any choice. This is better than the bland taste of that energy bar.

Matapos kumain ay inasikaso ko naman ang balisong ko— I mean, ni Carla Cy. Ang laki ng naitulong nito sa akin though nakakadiri ang dugo ng sigbin na nanigas na sa metal. Hindi ko kasi agad nalinisan dahil mas abala kami kanina sa paglalakad patungong norte ng gubat.

"You're good at using that," ani Crox na kanina pa pala ako pinagmamasdan.

"Yeah, he used to say that," mahina kong sabi at mukhang hindi naman niya narinig. Gayunpaman ay hindi niya inaalis ang tingin sa akin na para bang ina-analyze ang buong pagkatao ko.

"May sasabihin ka pa, tama ba ako?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Paano niya nalaman iyon?

"Kanina ko pa nakikitang bumubuka ang bibig mo para magsalita pero hindi mo naman tinutuloy."

Napakagat-labi ako. Napakarami kong tanong sa kaniya sa totoo lang. Pero isa lang sa mga iyon ang nangingibabaw. Kanina ko pa gustong itanong pero hindi ako sigurado kung handa na akong pag-usapan 'siya' ulit.  The last time I did, it was with Karina Saldivar, hindi na naman nawala sa isip ko ang tungkol sa rosas na pulang matagal ko nang ibinaon sa limot kasama 'niya'.

"Ang sabi mo . . . tagapagpatupad ka ng kahilingan ng mga kaluluwa bago sila tumawid sa kabilang buhay . . . maaari ko bang malaman ang huling hiling ni Alexander Saldivar?" It takes everything in me before I could say those words and Crox suddenly looks so stunned.

Naghintay ako ng ilang minuto pero nakatingin lamang siya sa akin at hindi niya sinagot ang tanong ko.

Inabot ko ang magkabilang balikat niya gamit ang nanginginig kong mga kamay. "Crox, please . . . his name is Alexander Saldivar. He died on July 24, 2013—"

"—He is 22 years old and got murdered during the night of his birthday," pagpapatuloy niya sa sinasabi ko.

Parang kinukurot ang puso ko sa sinabi niya. "Y-yes. That's him. Can you tell me his last wish, Crox?" I met his eyes and I don't understand his expression when he saw that I'm in the verge of crying. "Please . . . I just want to know what is it. I adore him back when I was just a kid. I found out that I love him when I was 16. Even if my love is unrequited, I always love him, Crox."

"You were young that time, how could you be so sure that it was love?"

Hindi ko 'yon in-expect. 

Binitawan ko ang kaniyang balikat at hindi makapaniwala siyang tiningnan. "Who are you to say those words?"

"You and Alexander Saldivar has six age gap. You were just 16 when he died," walang pag-aalinlangan niyang sambit.

"Minahal ko siya at mahal ko pa rin siya hanggang ngayon!"

"You were just traumatized because he died holding the red rose that you gave him. Hindi mo lang siya makalimutan dahil doon. Pero kung hindi siya namatay hawak ang bulaklak na iyon, hindi ka makukulong sa nakaraan!" sigaw niya pabalik. Although I couldn't see anger in his eyes, sobra akong nasasaktan sa bawat salitang binibitawan niya. "Matagal na siyang wala, Airen!"

Paulit-ulit akong umiling habang dumadaloy ang masaganang luha sa aking pisngi. "Hindi siya nawala! Andito pa rin siya. Andito lang siya . . ." giit ko habang itinuturo ang kaliwang bahagi ng aking dibdib. "Kahit hindi niya nagawang malaman ang nararamdaman ko,  alam ko sa sarili ko na wala nang iba pang susunod sa kaniya sa puso ko. It was him and it will always be him. Kahit na hindi ko na maalala ang hitsura niya. Kahit wala na siya. Kahit hindi na siya babalik . . ."

Tumayo ako at sinukbit ang aking backpack. Isinilid ko sa bulsa ng aking apron ang balisong at dinampot ang pana at mga palaso. Crox remained sitting on the ground. Nakatingin sa kawalan.

"Thank you for saving my life in multiple times," I said. "But I don't want to stay with a person who will invalidate my feelings. You know nothing about my pain for the past seven years, Crox."

~*~


Malakas ang buhos ng ulan bandang alas sais ng gabi sa kagubatan ng Himaraya South. Tunog ng tilamsik ng tubig at putik ang maririnig sa paligid. Ganoon rin ang pagtama ng tubig ulan sa mga dahon ng nagtatayugang mga puno sa loob ng kagubatan. Basang-basa na ang damit ko at kahit pa suot ko ang jacket na nakita ko sa aking backpack ay nangangatal na ako sa lamig.

I've been walking for hours and hours. According to my compass, I am currently taking the right direction because I'm still heading north. At least I know that I have progress.

Saglit akong napatigil sa paglalakad nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Umuulan ngunit tila ba naging matalas bigla ang aking pandinig.

"S-sino yan?" nauutal kong wika ngunit walang naging tugon sa akin ang kalikasan.

Huminga ako ng maluwag at muling nagpatuloy sa paglalakad nang wala na akong maramdamang kakaiba. Ngunit hindi pa man ako nakaka-sampung hakbang ay may muli na namang kumaluskos.

Tangina. Hindi pa nga magaling ang mga galos na natamo ko sa sigbin, huwag n'yong sahihing nay bago na naman?

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na paggalaw ng mga dahon sa paligid. Nasisiguro kong hindi ito dulot ng hangin. Naging mabilis ang aking mga galaw gayundin ang mga pangyayari.

Isang palaso ang lumipad patungo sa gawi ko na sa kabutihang palad ay kaagad kong naiwasan sa pamamagitan ng paghakbang ng isang beses paatras. Tumama ito sa katawan ng isang punong acacia at malalim na bumaon doon.

"Mahusay! Hindi yata't nakahanap ng may sa pusang kliyente ang lalaking iyon!"

Halos matumba ako sa gulat nang tumalon mula sa itaas ng puno ang isang nilalang na nakasuot ng kasuotang kagaya ng kay Crox. Natatabunan ng hood ang itaas na parte nito at tanging bibig lamang niya ang aking nakikita. Wala siyang dalang pana pero marami siyang hawak na palaso. Base sa boses ay lalaki ito. The man is grinning from ear to ear and it's getting creepier, honestly.

My hopes shattered into pieces when I realized that this man is not Crox. I thought he followed me to say sorry but . . .

"S-sino ka?"

Imbis na sumagot ay bigla siyang nawala sa paningin ko at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya at ilang sentimetro na lamang ang layo ng kaniyang mukha sa akin. Umuulan ngunit nararamdaman kong tumatagaktak din ang pawis ko sa kaba.

Sino ba ang lalaking ito? Sigurado akong hindi siya isa sa mga kasama ni Janus.

"Lumayo—"

He placed his index finger into my lips while still wearing that creepy smile.

"Shhh. Youre beautiful, really," he said. "Too bad . . . your grave is already waiting for you."

Napaatras ako dahil sa sinabing iyon ng estranghero. Hindi man niya ako makita dahil sa hood na nakatabon sa kaniyang mata ay alam kong nararamdaman niya ang bawat galaw ko at posibleng nakikita din talaga niya ako.

"Are you ready to be burried six feet underground?" he whispered.  " I'm not in the right position to take your life but remember this; 'You can never runaway from your fate. You were bound to die.'"

Naikuyom ko ang aking kamao at ang kaninang takot na nararamdaman ko ay napalitan na nagsusumiklab na galit.

"Who are you to tell me when am I going to die?" mariin kong wika. Naglakad ako papalapit sa kaniya at wala na akong nararamdamang takot na baka saksakin niya ako gamit ang mga palasong hawak niya. "Ako. Ako ang gumagawa ng kapalaran ko. Hindi ang faceless killer. Hindi ang mga taga-Grima! At mas lalong hindi ikaw."

Nagdilim ang paningin ko at sa isang iglap ay nagising akong hawak sa leeg ang nagpupumiglas na estranghero habang mariing nakasandal ang likod nito sa isang puno at nakalutang ang mga paa sa lupa. Nakababa na ang hood nito ngunit wala akong pakialam sa hitsura niya. Namimilipit ito sa sakit at naghahabol ng hininga. Narinig ko pa ang pagkalaglag ng mga palaso na kanina lang ay hawak niya.

"M-mainit . . ." naiiyak na reklamo niya ngunit huli na nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.

Nasusunog na ang leeg niya kung nasaan nakalapat ang kamay ko!

Tila nagising ako mula sa isang masamang panaginip nang mapagtanto ko ang aking ginagawa. Kaagad kong  binitawan ang kaniyang leeg  ngunit wala siyang ibang sinabi kundi ang , "mamamatay ka," hanggang sa tuluyang pumikit ang mga mata niyang puno ng galit.

Nanginginig na napatingin ako sa aking palad na nagliliyab ngunit hindi ko maramdaman ang init nito. Nanginginig rin maski ang tuhod at labi ko dahil sa takot at ang huling bagay na nasa isip ko ay ang pagiging pamilyar ng  mga pangyayari bago ako tuluyang balutin ng kilabot at kadiliman.


|L. Aurora|









Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...