Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

45.9K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 06
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 26
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 34
HWB 35
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
EPILOGUE
MESSAGE
ES #2
New Story

HWB 41

381 20 3
By ImperfectionWoman

Fleja Forest - 17:01

// Glaze //

Pagod akong pumunta sa malaking ugat at umupo roon. Isinandal ko ang likod sa puno at huminga ng malalim. Pinunasan ko ang pawis sa noo at napasuklay ng buhok.

"Fleja Forest?" Napapaisip na sabi ni Catena habang nakatingin sa hologram ng kanyang relo. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko at sumandal din sa puno. "Is it combination of Flea and Magija?"

"I think so," mahinang sagot ko at tinignan si Drivio Zumerque na nakatayo sa aming harapan at nakababa ang tingin. "Bakit hindi ka umupo muna?"

Hindi siya sumagot at umupo sa aming harapan bago punasan ang pawis sa noo.

"I'm curious," rinig kong sabi ni Catena at 'saka may pinindot sa gilid ng relo. "Hanly, can you tell me the story behind the Fleja Forest?"

"Fleja Forest was named after Flea and Magija of two kingdoms. King Amiko from Flea Kingdom and King Amino from Magija Kingdom decided to name the forest Fleja because this was their last memory together before the brothers declared a war."

After answering Catena's question, bumalik ang mapa sa hologram at isang tuldok na malapit sa puno. Inilapag ko ang bagahe sa lupa at kinuha ang bote para uminom.

"Wow, they declared a war?" Nakangising natatawa si Catena. "Kailan naman ituturo sa atin ang kanilang rason? Ang tagal naman kasi magkuwento ulit ni Wago." Pagtukoy sa aming gurong robot.

"I think we are focusing on our abilities." Sagot ko pagkatapos makainom at tinakpan ang bote bago ibalik sa bagahe.

"I don't have any ability," sagot niya sa akin at sumimangot. "I may be skillful but I want special abilities too!"

"At least your martial arts is advance than us." Puna ko at tinali ang buhok na paikot.

"Yeah, I agree." Sambit ni Drivio. "We are focusing on our special abilities while you are focusing on your physical strength and skills. So don't be jealous."

Natahimik si Azreh at napangiti kalaunan. "Okay, thanks."

Pagkatapos namin magpahinga ay ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Palubog na ang mainit na araw kaya nagsisimula na ring lumamig ang paligid. Humihikab akong nakasunod sa dalawa habang inililibot muli ang paningin sa paligid. Si Catena at Drivio ay magkatabi habang nag-uusap sa susunod na pwedeng likuan habang ako ay nakikinig lang dahil nababagot na sa aming paglalakbay.

Hanggang kailan ba magtatago ang medusa na 'yon? Malakas ba iyon? Ang alam ko lang ay kuwento-kuwento lang ang tungkol sa kanya, hindi naman pala. Siguro kung hindi ko pa nalaman ang totoong pagkatao ko ay hindi bubukas ang portal at hinding-hindi ko makikilala ang mundong kinalalagyan ko.

"Glaze, where do you want us to go, left or right?" Tanong ni Drivio ng mapatigil sila ni Catena sa paglalakad. Kumurap ako at tinaasan sila ng kilay.

"Let me see the map first." Saad ko na mabilis namang iniharap nila sa akin ang kanilang mga relo. "Hmm.."

// Athlanla //

"Bakit tayo patungo sa kaharian ng Bearus, Dharyx?" Kunot noong tanong ko at nilingon siya na katabi ko. Napasulyap siya sa hologram bago tumingin sa harapan.

"I guess the next plan of Legendary Medusa is to attack that kingdom." Kaswal niyang sagot.

"What if your guess is wrong?" Paglapit sa amin ni Brixx.

"If that happened, we are justing wasting our time." Sagot pa. "But, we will do everything we can to bring her back to the island so we can get higher points. Right?" Aniya at nilingon kaming lahat.

"Yes, Prince. We will do everything as long as we are together." Sagot ni Hermer.

"As we always say, you can count on us." Sabi ni Brixx.

"We will be in the rank one this time." Aniko na may pagngisi.

"Our kingdom will taste heaven after this battle." Saad ni Saphine.

"The victory is ours." Pagtatapos ni Dharyx na kinangiti naming lahat.

Dharyx became matured after he lost his beloved fiancée, Kiarra. Noong una ay hindi niya matanggap ang pagkawala nito dahil sa tagal nilang magkasama at ngayon sinusubukan niya palakasin ang sarili kasama ang aming grupo. He wants us to be ranked one. He wants us to be at the highest. But he really wanted to avenge his love. He will do everything to gather points and turn our kingdom to become superior. And we love his idea. We will support and help him through his ups and downs.

Don't worry my precious friend, Kiarra, I will take care of him. Trust me and I'll keep my promise to you.

Napagdesisyon naming magpahinga at sa magkakahiwalay na puno. Pagod akong umupo sa lupa at kumuha ng tubig sa bagahe. Nagpunas sila ng kanilang mga pawis at uminom din ng tubig. Nanlalagkit na ang katawan ko at gustong magpalit pero hindi ko alam kung saan pwede.

Humangin ng malakas na kinalipad ng buhok ko at nang maalis ko ang ilang hibla sa mukha ko ay napakurap ako dahil sa titig ni Dharyx sa akin na aking kaharap sa puno. Kumabog ang puso ko at nakaramdam ng ilang. Umiwas ako ng paningin sa kanya at nagkunyaring wala lang ang kanyang titig.

What the hell are you doing, Arkangel?

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa tingin niya kaya imbes na baliwalain nalang ulit ay nakipagtitigan na ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at mapanghusgang tinignan.

"I'm out of the water," rinig namin kay Saphine kaya nagkaiwasan kami ng tingin ng prinsipe. "Sino pang mayroon sa inyo?"

"Here," pag-alok ko sa akin na kanya namang kinuha dahil katabi ko lang siya.

"Thanks, Athlanla."

Nang ibalik ko ang tingin kay Dharyx ay nangunot ang noo ko dahil sa lamig niyang mga titig. Ano naman ang ginawa ko? Ibinaling ko nalang ang pansin kay Hermer na katabi niya sa kanang puno.

Naalala ko ang dugo niya noon sa noo, sumakto ang daplis ng kunai ko sa kanya pagkaantras ng kabayo ni Garelle. Kaagad kaming bumalik sa aming tirahan upang maibsan ang dugo sa noo. Wala kaming pampalit ng medisina gamit ang puntos kaya kinakailangan niya tiisin ang sugat ng pitong araw at ngayon ay may bakas pa rin ang sugat niya.

Napansin niya ang tingin ko kaya nang magkasalubong ang aming mga mata ay binigyan ko siya ng ngiti sa labi, dahil hanggang ngayon ay nagu-guilty parin ako kahit na hindi iyon intensyon.

"Matatagalan pa tayo kung hihintayin natin maggabi," pagsabi ni Brixx at inayos ang kanyang bagahe. "Kaunting pahinga lang ay sapat na kaya tara na."

Sumang-ayon kami sa kanya at tumayo na ang lahat. Hindi pa kami nakakalayo sa aming pinaglalagyan nang mapahinto at magulat sa hindi inaasahang babae na naglalakad galing sa kanang bahagi. Ilang metro ang kanyang layo sa amin at napatigil sa paglalakad nang maramdaman ang aming presensya at mga titig.

Mabilis na inilabas ang aming mga sandata nang humarap at makatitigan ang babaeng aming hinahanap. Sumirit ang mga ahas na bilang kanyang mga buhok, mahaba ang itim na besitida na aabot sa talampakan, pulang-pula ang mga labi at nakakatakot na mukha't mata.

"Medusa!" Matigas at seryosong bigkas sa pangalan ng aming hinahanap. "Sumuko ka na sa amin!" Pagsabi ni Hermer.

Nagtataka ako kung bakit hindi pa kami nagiging bato pero may proteksyon nga pala kami mula kay Headmaster.

"Ano ang inyong binabalak sa akin?" Malamig na tanong ng babae at humakbang nang isang beses na aming kinaantras kahit na malayo pa siya sa amin.

"We need to get you back to the island," pagsagot ni Dharyx habang mahigpit na nakahawak sa kanyang espada. 

Napagalaw ang ulo ni Medusa at sumirit ang mala ahas niyang dila dahil sa narinig.

"Bakit ninyo ako kailangan ibalik sa isla?" Aniya at humakbang na naman nang isang beses na kinaantras namin pero hindi si Dharyx.

"You are killing innocent people!" Sagot ko naman. Patuloy na gumalaw ang kanyang ulo at dila.

"Are you sure, darling?" Pagbalik sa akin na kinataas ko ng balahibo dahil sa sobrang lamig ng kanyang pagkakasabi.

Why do I see Garelle Kane in her eyes?

Walang pasabi na sumugod si Dharyx pero hindi namin aaklain na handa ang babaeng ahas. Naglabas siya ng itim na mahika at itinapon sa direksyon ni Dharyx na ikinatalsik nito sa puno.

"Dharyx!" Gulat naming bulalas. 

Nakita ang sakit sa mukha ng prinsipe at paglabas ng dugo sa kanyang ilong.

Lalapitan ko na sana ang aming kaibigan pero hindi ko nagawa dahil kinakailangan ko muna iwasan ang itim na mahika na kinabagsak ko sa lupa dahil sa kaba at takot na matamaan.

"Hindi ninyo ako maibabalik sa islang iyon, mga paslit!" Sirit ni Medusa bago mabilis na tumakbo sa kaliwang bahagi.

Nag-aalalang pinuntahan namin ang aming prinsipe at mabilis na kumuha ng panyo sa aking bagahe para ipunas sa dugong hindi matigil sa pag-agos. Nakapikit si Dharyx na aming kinabahala at hindi maiwasan na matakot para sa kanya.

"Athlanla..."

"Garelle!"

"Aurum."

"Avidita~~"

"Glaze?"

2nd day of 13th Battle - 6:05

// Aurum //

"Wake up, everyone!" Matinis na boses ang nagpaggising sa aming lahat.

Magkasalubong ang kilay kong bumangon at sinamaan ng tingin si Dyx na nakatayo sa aming harapan. Nginisian niya lang ako at tinalikuran bago itaas ang mga kamay para damahin ang sinag ng umagang araw.

Napairap ako at tinignan ang katabi kong si Misty na kakaupo lang habang pipikit-pikit ang mga mata. Narinig ko naman ang mahinang ungol ni Bryne sa kanan ko at malakas na hikab ni Jobo. Ang aming pinagtulogan ay pinagtabi-tabi na malalaking dahon kaya hindi ko maiwasan mapangawi sa sakit ng likod, balikat, at leeg.

"Ang likod ko!" Naiiyak umano ni Jobo at menasahe ang kanang balikat. "Ang sakit.."

"Magandang umaga mga kaibigan, maaga akong gumising para gisingin kayo." Nakangising saad ni Dyx. "Pero bago ko gawin 'yon, nakita ko sa 'di kalayuan ang grupo ng Woma, natutulog din sila sa pinagtabi-tabing mahahabang dahon."

"Hindi mo naman siguro sila inabala?" Nakasimangot kong bintang habang iniikot-ikot ang magkabilaang balikat habang nakatingala sa kaibigan.

Tinaasan niya ako ng kilay at umirap. "No, I won't do that." Mataray niyang sagot. "May narinig din akong umaagos na tubig malapit sa kinalalagyan nila kaya tara puntahan natin at nang makapaglinis."

"Wait a second." Antok na sabi ni Bryne.

Inayos muna namin ang mga sarili at kinuha ang mga bagahe bago tumayo at sinundan si Dyx. Humikab ako at tumingin-tingin sa paligid. Katabi ko si Bryne at Misty habang nasa harapan si Dyx at Jobo na mahinang nag-uusap. Katulad ng sinabi ni Dyx kanina ay nakita nga namin ang grupo ng Woma at ang isang babaeng may maikling buhok ang napatingin sa aming direksyon.

"Good morning, Woma." Pagbati ni Dyx nang makadaan kami sa kanila.

"Where are you going?" Rinig namin mula sa babaeng may lilang buhok. Napahinto kami nang mapahinto si Fetalino at nilingon ang woma.

"May naririnig kasi akong agos ng tubig banda roon," sagot niya at nagturo sa unahan. "Kung gusto n'yo makapahlinis ng katawan, pwede naman kayo sumama sa amin."

"Dyx." Mahina ngunit matigas kong banggit. Pinanlakihan ko siya ng mata nang tumingin siya sa akin. "Ano sa tingin mo ginagawa mo? Kaaway sila at baka patayin tayo kapag nagkataon."

Natahimik ang lalaki at napaiwas ng tingin. Napailing ako at nilingon na rin ang Woma. Nakatayo na silang apat at handa nang sumama. Napasinghap ako at napailing.

"Let's go." Seryosong wika ni Bryne at naunang naglakad. Sumunod naman kami kasama ang Woma.

"Please don't think we are gonna attack you, Snama. Wala kaming intensyon na makipag-away sa kahit anong grupo." Rinig naming sabi mula sa likod. 

Lumingon ako habang naglalakad at nakita ang senseridad sa ngiti ng babaeng may lilang buhok.

"Same," maiksing tugon ni Misty habang seryosong nakatingin sa harapan.

Nagkaroon ng katahimikan sa aming lahat at nagkahiwalay lang nang makarating sa maliit na lawa na umaagos mula sa kanan patungong kaliwa. Ibinaba ko ang bagahe bago nagtungo sa tubig para maghugas ng mukha.

"Ahh, fresh water!" Nasisiyahang sabi ni Dyx sa tabi ko.

Nang matapos ko linisin ang mukha ay bumalik ako sa aking bagahe para kumuha ng malinis na tuwalya bago iyon pinangpunas sa aking mukha.

"Kakain na ba kayo?" Rinig ko mula sa lalaking woma.

"Makikisabay ba kayo sa amin?" Pagbabalik tanong ni Misty.

"Oo, kung hindi n'yo mamasamain." Sagot ng babaeng woma. 

I remember her name Avidita. I guess.

"Sure." Pagsagot na sa'min ni Bryne at naunang kumuha ng pagkain sa kanyang bagahe.

 Pumaikot kami at walang ingay na kumain. Katabi ko sa kaliwa si Misty at sa kanan ang babaeng may buhok lila.

"I'm Euphrasia Ponza," biglang pagsasalita ng womang katabi ko. Linunok ko muna ang kinakain bago siya kunutan ng noo. Napangiti siya at mahinang natawa. "Nakikita ko kasi sa'yong mga mata ang kuryuso dahil sa lila kong buhok kaya mas magandang magpakilala nalamang."

Gusto ko 'man siya sagutin ng wala akong pake ay tinanguan ko nalang siya. Ayoko magkagulo katulad ng gusto nila.

"Aurum." Pakilala ko at ngumiti ng maiksi bago bumalik sa pagkakakain.

"Where's Garelle Kane?"

Napunta ang aming atensyon sa biglaang pagsabay ni Avidita at ng katabi nitong lalaki. Nagkatinginan pa sila. Napatikhim si Misty at mabilis na uminom ng tubig.

"You see, she's not with us." Sagot ni Misty. "Huwag n'yo na hanapin ang wala."

"Why you sound bitter?" Nagtatakang Avidita.

"I-I'm not." Pag-ilang ni Misty at napaiwas ng tingin.

"She's always with you, right? What happened to the both of you?" Hindi matigil na pagtatanong ng woma.

"She almost killed me," pagbalik tingin sa kanya ni Misty na may lamig sa boses at mata. "That's why we are not together anymore."

Nangunot ang noo ni Avidita pero hindi na nagtanong pa at lumapit sa katabi niya para bumulong sa tenga.

"How about you four? Do you still see her as your friend?" Pagtatanong ni Euphrasia.

"Ah, yes." Sagot ni Dyx.

"Hmm.." Pagtango ni Bryne habang patuloy na kumakain.

"Oo naman." Katamtaman kong sagot.

"Yes!" Sagot ni Jobo pagkatapos makainom.

"Aren't y'all mad at her? She almost killed your friend." Pagnguso ni Euphrasia sa katabi kong si Misty na tahimik nang nakikinig. Walang sumagot sa kanyang tanong at napaiwas nalang ng tingin.

Kahit na sabihin naming hindi kayang gawin iyon ni Gakane, igigiit pa rin ni Misty ang kanyang nalason na memorya. Magagalit ito sa amin hanggang sa hindi namin alam kung ano pwede niyang gawin. Kinakailangan namin panatiliin ang isa't isa na walang galit sa puso dahil baka makasira iyon sa'ming samahan at grupo.

Natapos kami sa pagkain at napagdesisyunang maglinis ng katawan. Gumawa ng siyam na malalaking pader si Bryne gamit ang kanyang tubig na ginawang yelo at binalaan na mabilis lang itong matunaw dahil hindi niya pa kayang patagalin ang pagyelo. Hanggang sa ilalim ng lawa ang yelo at paniguradong mabilis talaga matunaw iyon. Nagpalutang naman ako ng mga malalaking bato at tag-iisa silang binigyan para may mapagsampayan ng damit.

Nang wala na silang idadagdag pa ay isinira na ni Bryne ang buong paligid ng bawat isa sa amin para walang makasilip. Tanging taas lang ang walang harang kaya tumatama ang sinag sa aking katawan nang makahubad ng suot at nagpasyang maligo.

// Avidita //

"Bubukod na ba tayo sa kanila?" Rinig ko mula kay Dyx Fetalino ng Snama.

Pagkatapos naming makapagpalit at isuot ang kapa ay nagkaharap-harap na muli kaming siyam. Nakikinig kami sa sagutan ni Misty at Dyx kaya bumaling nalang si Dyx kay Bryne para itanong iyon.

"Y'all can go with us," alok ko. "We are heading north."

"Oo nga at iisa lang naman ang ating kalaban ngayon at iyon ay si Medusa." Pagsang-ayon ni Jobo Jillen. "Maganda kung magsama-sama na tayo at paunahan nalang maibalik ang babaeng iyon sa isla."

Narinig namin ang pagngisi ni Emovere. "I agree with him."

"Yeah." Pangalawa ni Earl at ngumiti sa kaharap niyang si Misty na kinaiwas nito ng tingin.

 Napasulyap naman ako kay Euphrasia, nakakunot ang noo nito kay Salvador kaya napangiti ako ng palihim.

"Alright," Pagpayag ni Bryne na kaharap ko at ginulo ang basa niyang buhok. 

Lumabas ang ngiti ko sa labi kaya napataas ang kilay ni Aurum na kanina pa nakatingin sa akin.

Sorry Snama but I want to see the Little Island of Adelaide first.

// Glaze //

"Glaze?"

Malamig kong nilingon ang kaibigan at tinaasan siya ng kilay. Itinali ko ulit ang buhok pagkatapos matuyo nito. Nang hindi siya sumagot ay ibinalik ko ang tingin sa hologram ng kanyang relo at nakita roon na papunta kaming kanluran.

"Drivio, are you still hungry?" Baling ko sa kaibigang lalaki ng marinig ang tunog galing sa t'yan niya.

Napasimangot siya at napakamot sa ulo. 

"Yeah, one food is not enough."

"Sinasanay mo kasi ang sarili mo na marami kumain." Saad ni Catena habang nakatingin lang sa hologram.

"But I never gain weight." Kumpyansang sagot. Suminghap ako ng hangin nang humangin.

"I want to clean myself." Aniko at tumingin sa kapaligiran. "I feel stinky."

"Hindi naman gaano," pagsabi ni Catena at sinulyap ako. "Kung may kakayahan lang ako tuparin ang gusto mo ay ginawa ko na sana."

Napangiti ako sa narinig at inakbayan siya. "Hmm, minsan ang tamis mo." Pangutya ko at nginisian siya.

"Minsan gusto rin kita ipakain sa uso ni Drivio." Nakasimangot na nitong sabi.

"Hindi kumakain ng pangit ang kapatid ko." Nakangising tugon naman ni Drivio na kinasama ng tingin ko sa kanya. "Wala akong binabanggit na pangalan." Pagsabi sa'kin nang sumulyap.

Napairap ako at tinanggal ang pagkakaakbay kay Catena. "Gusto ko kayo gamitan ng ilusyon ko at patayin sa takot." Naiinis kong sabi.

"But you can't even try it to us." Kumpyansang sagot na naman ni Drivio na kinapikon ko lalo.

"Hmp!"

Natawa sila ni Catena at tinapik ni Drivio ang balikat ko. "Don't worry, I'll ask a favor to my bear if he can eat you."

"Drivio." Pagbabanta ko na kinatawa nila lalo.

"Don't be pissed." Pangangasar pa.

"Drivio, Catena, isa nalang at magagalit na ako." Nanggigil kong sabi.

"Pft..." Pagpipigil nila sa kanilang tawa.

"Ssssss.."

Napahinto kami paglalakad at pag-iingay dahil sa narinig at napaantras sa biglaang pigurang nagpakita. Napasinghap ako at mabilis na inilabas ang lance weapon at iniharap ito. Naging alerto kami lalo na't nang mapalingon sa amin si Medusa na may malamig at nakakatakot na tingin.

"We are protected so calm down." Seryosong sabi ni Catena habang nakapuwesto ang hawak na spear.

"Ssssss.." Pagbangon ng mga ahas niyang buhok.

"Mga paslit ng akadamya. Sssss.." Wika ni Medusa sa malamig na tono. Humakbang siya nang dalawang beses kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa sandata. "Kagaya rin ba kayo sa limang paslit na may kulay puti ang kapa? Binabalak n'yo rin ba ang pagbalik ko sa isla?"

"Oo kaya sumama ka na sa amin para matapos na ang labang ito." Mabilis kong sagot na kinasingkit ng mga mata niya.

"Mga paslit ng akadamya," aniya at gumalaw-galaw na ang ulo. "Hinding-hindi n'yo ako maibabalik sa isla."

"Paano mo nasabi kumain ka ng gabi? Paano ka nakakasigurado kumain ka ba ng tae?"

"What are you saying?" Takang bulong ni Drivio habang nakataas ang kamay para panatiliing nakataas ang mga bato sa ere.

"Hindi n'yo ako magagawang lapitan dahil sisiguraduhin kong mamamatay ang makakahawak sa akin!" Saad ng babaeng impakta at mabilis na tumakbo papunta sa kaliwa na amin namang sinundan.

"She's fast!" Sigaw ni Drivio na nangunguna sa aming pagtakbo.

"Don't lose your sight on her!" Sigaw ko naman.

"She's going north!" Sigaw ni Catena na nahuhuli sa amin. "Be careful of her black magic!"

What?

Nagulat, naguluhan, at nagtaka 'man kung paano niya nalaman iyon ay sinunod nalang namin. Nakita namin ang pag-iwan ni Medusa ng isang malaking itim na mahika at kung tatama kami roon ay siguradong masama ang magiging epekto!

Napatigil kami sa pagtakbo at walang magawang nakatingin lang sa papalayong babae. Pumapalibot na sa amin ang itim na mahika at ilang minuto itong tumagal bago maglaho.

"Damn! Sayang."

// Garelle //

Patuloy na nililinis ni Sweet ang kanyang sugat gamit ang basang tela habang ako naman ay pinapanood lang siya. Mula sa aming inumin ang tubig na dinadampi sa kanyang sugat dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kaming mahanap na lawang mapag-iinuman.

"How about your wound, Garelle?" Paglingon sa akin ni Krypt at tinuro ang tagiliran kong pinaikutan ng kapa para matigil ang pagdurugo kahit na maliit lang iyon.

"Malayo sa bituka." Sagot ko at ibinalik ang tingin kay Sweet na nakasandal sa puno, kaunti ang pagtaas ng damit para sa sugat niyang masakit. "Kung nandito lang si Misty..." Bulong ko at natulala.

"Anong sabi mo?" Paglapit ni Krypt pero hindi ko siya sinagot at tulala paring iniwas ang tingin kay Sweet nang maitaas ang mga mata sa akin.

"We are heading west but our kingdom is too far from here." Paglapit naman ni Axalus at ipinakita ang hologram sa akin. Bumuntong hininga ako at lumayo sa kanila ng kaunti.

"Nangingitim ang sugat mo." Pagrinig ko kay Saphire nang makalapit ito kay Sweet. "Gaano kasakit?"

"Hindi na masyado at nanlalamig pa." Pagsagot ng kaibigan ko.

"Paano 'yan, makakalaban ka pa kaya kay Medusa?" Saad ni Handel kaya patay ang mga mata ko siyang tinignan na kinaiwas niya dahil sa takot. "A-ano kasi... baka lumala ang sugat niya kung lalaban pa kay Medusa..."

Nakita ko ang pagkatulala ni Sweet sa sinabi niya at nang maramdaman ang titig ko ay napatingin siya sa akin na may pasensya at lungkot kahit na walang sinasabi. Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.

"Gakane, anong plano?" Pagbalik ni Glenson pagkatapos mawala ng panandalian.

"Saan ka galing?" Kunot noong tanong ni Axalus.

"Ibinuhas ang kalikasan." Sagot niya at ngumisi.

"Hindi natin kakayanin kung pupunta pa sa kaharian kaya hanapin nalang kaagad natin si Medusa para ibalik na siya sa isla." Pagsingit ni Krypt Handel.

"Nakakapagod na kahit wala pa tayong ginagawa," sabi ni Saphire sa tabi ni Sweet. "Bakit hindi nalang tayo bigyan bakas ni Headmaster kay Medusa?"

"Hindi ko alam kung limitado ang puwedeng sabihin ni Hanly o pinapahirapan talaga tayo ni Headmaster." Aniya ni Krypt.

"Ang tanong, alam niyo ba kung saang isla ibabalik si Medusa?" Pagtatanong ni Axalus na kinatahimik nila. Bumaba-taas ang kanyang kilay at kumibit balikat. "Wala ni isa sa'tin ang nakakaalam kung nasaan ang isla at kung kaya ba natin siya maibalik."

"Garelle Kane?" Paglingon nila sa akin ng banggitin ni Glenson ang pangalan ko. Walang reaksyon ko silang pinagmasdan at tinalikuran.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may alam ako," pagsisinungaling ko. "Hindi n'yo hawak ang isip ko kaya wala tayong magagawa kung hindi ikutin ang mundo para kay Medusa."

"Paano kaya siya nakatakas?" Kuryusong sambit ni Guzman. "Kung nasa pangangalaga siya ni Headmaster, hindi imposibleng makawala siya pero dahil nangyari ito hindi kaya.... humihina na ang kapangyarihan niya?"

"Ilang taon na siyang nasa akadamya pero hindi ko 'man lang narinig na tumatanda siya, hindi kaya kapalit ng pagkabata niya ay pagkakabawas ng lakas niya?" Dagdag pa niya.

"Ang dami mong sinasabing walang katuturan," rinig ko mula kay Krypt kaya nang lingunin ko sila ay nagsisi-ilingan na sila. "Hindi tayo mabibigyan proteksyon ni Headmaster laban kay Medusa kung humihina na ang kapangyarihan niya. Alam nating lahat na ang medusang iyon ay makapangyarihang nilalang kaya ikinulong sa isla."

"Paano mo naman nalaman?" Pagtama ko sa butas niyang sinabi. Nanlaki ang mga mata niyang napalingon sa akin na kinatigil ni Axalus at nang tatlo.

"H-huh?"

"Hindi pa sinasabi sa atin ni Drimeo ang tungkol sa ibang nilalang, Krypt." Malamig kong punto. "Nasa dalawang kaharian palang tayo at pag-eensayo pero kahit kailan ay hindi pa nagsasabi si Drimeo bukod doon."

Mas lalong natahimik ang aming grupo na kinangisi ko. Pinagmasdan ko si Krypt na siyang kinaiwas ng mata niya at kabadong tumalikod.

"M-may nabasa ako sa silid aklatan," nanginginig ang boses niyang depensa. "Maniwala kayo, nagbabasa lang din ako."

Tumango-tango ako kahit na hindi niya nakita iyon. "Naniniwala ako." Mala senseridad na sagot ko na kinaduda ng tingin sa akin ni Axalus. "Sino na ang magbubuhat sa inyo kay Sweet?"

"Ako nalang." Mabilis na presenta ni Krypt at lumapit kay Sweet 'saka tumalikod nang makaupo.

"Kaya ko na maglakad." Pilit na tinatayong tuwid ang salita kahit na nasasaktan parin ito.

Hindi na namin siya pinilit pa ipabuhat kaya ngayon habang naglalakad ay nakaalalay naman sa kanya si Krypt at sa likod si Axalus.

"Bakit pakiramdam ko ay may pagdududa ka sa aming lahat, Gakane?" Pagtabi sa akin ni Glenson para sabayan ako sa paglakad.

"Paano mo naman nasabi?" Malumanay kong tugon.

"Hindi namin kayang basahin ang isip at aksyon mo pero kinakaya naming pakiramdaman ang nararamdaman mo." Aniya. "Alam kong may mali sa'yo pero huwag mo na sana kami idamay pa."

May pumitik sa puso ko ng marinig ang sinabi niya. Idamay? Kailan ko kayo dinamay? Kayo ang pilit na lumalapit at dinadamay ang sarili sa akin. Wala parin pala talaga kayong pinagkaiba mula noong unang araw, pare-parehas parin ang iniisip kahit na pilit itago. Nakakatawa.

Hindi ko naman kasalanan pero bakit naapektohan parin ako? Gusto ko sabihin sa kanya ang katagang wala akong pakialam pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakinig nalang sa kanya.

"Tama ang sinabi ni Handel kanina, Gakane, magkakasama kaming tatlo kaya alam ko ang pinaggagawa nila ni Ramos."

Hindi ko tinatanong ang sikreto n'yo.

"Gakane--"

Pinutol ko ang sasabihin niya dahil bumabangon na ang inis at irita sa akin.

"Manahimik ka, Glenson, hindi ko hinihingi ang saloobin mo kaya manahimik ka kung ayaw mong magkahiwalay tayong lahat dito." Pagtitimpi ko at patay ang mga matang nilingon siya na kinatingin sa akin. "Ang pakiramdam na sinasabi mo ay mali dahil kahit kailan hindi ko kayo bibigyan pakialam sa buhay n'yo kaya huwag mo o n'yo pakialaman ang buhay ko."

"Bakit ka gan---"

"Sabi ko manahimik ka kung ayaw mong pakialaman ko rin ang buhay mo." Malamig kong pagbabanta at umiwas ng tingin.

// Arollo //

"Arollo, hindi pa ba natin hahanapin sila Lady Avidita?" Pagtatanong ni Lesteris habang nagsisipa ng mga nadadaanang dahon o bato.

"Bakit ba gustong-gusto mo makita si Lady Avidita?" Nakangising akbay sa kanya ni Patrick. "Iisipin ko talagang may pagtingin ka sa kanya."

Parang babaeng napairap si Builingco. "Nagtatanong lang, may gusto agad? Masyado kang malisyoso."

"Kung ganoon, bakla ka at ako ang gusto mo?"

"What the fuck?"

"Ang ingay n'yong kasama." Inis na sambit ni Heart at pinaghiwalay ang dalawang lalaki. Ang kakambal naman niyang si Joey ay ngumisi.

"Lagi kang may pulang likado, ano?" Pangangasar ni Patrick pero tumaob din kaagad dahil sa sinagot ng babae.

"Are you stupid? Gusto mo ba ipakain ko sa'yo kung sakali 'mang magkaroon ako?" Pabalang nitong saad pagkatapos mahali ng kanyang kapatid. "Pigilan mo ako at masasabunutan ko 'yang si Palminco." Pagsabi niya sa kakambal.

"Huwag kang magsayang ng lakas sa kanila, Heart."

"Okay."

"Ano na, Arollo?" Pagbalik na naman sa akin.

"We are in the southeast and heading to the south so I'm not sure if we can find Lady Avidita there." Sagot ko.

"Nararamdaman ko na ang init," pagrereklamo na naman ni Heart. "Bakit ba kasi wala sa inyo ang may kapangyarihan na hangin o 'di kaya ay tubig?"

"Tingnan mo nga naman, mas maingay ka pa sa akin." Pagsimangot ni Patrick Palminco nang lingunin ang nag-iisang babae sa amin.

"Sapakan nalang ano?" Paghahamon.

"Itikom ang bibig kung walang magandang sasabihin." Pagpapatigil ko sa kanila at ibinaba ang tingin sa hologram.

// Aurum //

14:10

"Alam n'yo ba kung saan tayo pupunta?" Pagtatanong ni Dyx nang mapatigil kami saglit para makapagpahinga. 

Humarap sa amin si Avidita na pinapangunahan ang dalawang grupo at mapagpasensyang ngumiti sa amin.

"We are almost there," sagot niya na kinataka namin. Nakaupo kaming lahat habang siya ay mag-isang nakatayo habang nakapamewang.

"There, what?" Aniko.

"We are heading to the Little Land of Adelaide." Tugon ni Avidita.

"Huh? Bakit doon?" Pagsabat naman ni Misty.

"Paano mo naman nalaman ang lugar nila?" Pagdududa ko at tinaasan siya ng kilay. "Are you related to Gakane? She knows everything too."

Napangisi ang dalaga at iba ang sinagot. "I think they can help us to find Medusa."

"Are you sure?" Pagdududa ko parin. "Or you are trying to kill us by going there?"

"Why can't you answer her first question?" Pagsingit naman ni Dyx. "Anong konektado mo kay Garelle Kane?"

Mapaglarong umirap ang woma at binasa ang labi. "That's not important question to answer, Dyx Fetalino." Aniya. "And for your doubt, Aurum Rao, I don't like killing someone because it will only ruin my reputation."

"Reputation?" Si Jobo naman.

"I'm an influencer, Jobo Jillen." Pagbaling sa kanya ng babae. Magkakatabi kaming magkakaibigan at nasa magkabilaang dulo si Jobo at Bryne. "Being an influencer should be a good model for everyone and I don't want my group members to do bad things especially if it is not necessary or the reason is nonsense."

"Bakit may nagyayabang sa inyo?" Balik ni Dyx sa matinis na boses.

"Nagyayabang? Sino?" Pagsagot ni Earl sa aming kaharap na puno sa 'di kalayuan.

Sinundan ko ang pagturo ni Jobo, Misty, at Dyx sa lalaking nakaupo malapit sa kinakatayuan ni Avidita. Napataas ang kilay nito at tinuro rin ang sarili. Hindi makapaniwala sa binibintang ng mga kaibigan ko.

"What? Why me?" Malalim at gulat nitong bulalas.

"Si Emovere?" Napataas ang kilay ni Avidita at inirapan ang lalaki ng mapatingin ito sa kanya. "Sige binabawi ko na ang sinabi ko kasi kahit anong gawin ko naman ay may iilan sa amin ang hindi sumusunod at nakikinig."

"Some people are like that," pagsasalita ni Bryne at kumibit balikat. "Example is Gakane to us, she doesn't listen and does what she wants."

"I agree," sabay-sabay naming sabi na kinatingin ko pa sa kanila.

"You can't stop her?" Kalmado pero nahihimigan ko ang tawa sa tinig ni Avidita.

"She won't let us stop her." Pagsagot ko.

"So I am." Pagsabi ni Emovere.

"Maybe your friend has a reason," pagnakaw atensyon ni Euphrasia na ilang pulgada ang layo kay Bryne. Nakasandal siya sa puno habang nakatingin sa amin. "I'm not sure, okay? But that's what I feel. Kung hindi naman, baka ganoon lang talaga ang ugali niya."

"It's in her attitude," pagsimangot ni Misty. "She almost killed me and I'm sure there is no reason to kill me."

"Is that really true?" Pagbaling sa akin ni Avidita at lumingon din si Misty. Umiwas ako ng tingin at hindi nalang sinagot ang tanong. "Oh..."

"Let's finish these chitchat and move on." Deklara ni Bryne 'saka tumayo hila ang bagahe.

"Bakit nga ba tayo ulit pupunta sa lugar ng Adelaide?" Pagtatanong na naman ni Dyx at sinimulan na namin sundan si Avidita.

"You will see." Paglingon sa kanya ni Avidita at ngumiti ng matamis.

Hindi ko alam kung ilang oras na kami naglalakad pero alam kung mas umiinit ang sinag ng araw at ang sobrang liwanag ng langit. Tanging tuyong dahon na naapakan, huni ng mga nadadaanang ibon, at mabibigat na yabag ng mga lalaki lang ang ingay na aming naririnig.

"Someone's coming..." Pahayag ni Werllico nang huminto at biglang naglabas ng dagger. Nakalingon sa kaliwang banda kung saan siya nakapuwesto. Ngunit imbes na tao ang aming makaharap ay iba't ibang patalim na lumilipad sa aming direksyon.

Mabilis kaming nagkahiwalay para ilagan at salagin ang mga punyal. Hindi ko alam kung bakit biglang bumigat ang katanang hawak ko habang pilit na iniiwasan ang hindi maubos-ubos na mga sandata.

"Ouch!" Tili ni Dyx na malapit lang sa aking tabi. Hawak ang kanyang club weapon ay hindi maiwasang hindi maibaba ito dahil sa bigat at patuloy na pag-atake ng kalaban.

Nakarinig kami ng malakas na pagtawa at hinanap ng mga mata ko kung saan galing iyon. Napangawi ako sa iilang daplis na nakuha pero hindi ko pwede pabayaan ang katana na maibaba.

"What the fuck is her problem?" Rinig ko sa galit na boses ni Bryne.

She?

"Medusa?" Bulalas ko. "Are these from her?"

"No!" Sabay na sigaw ni Emovere at Bryne na medyo kinagulat ko.

"She's standing in the west!" Sigaw ni Euphrasia kasunod ng malakas na hiyaw.

"Euphrasia!" Nag-aalalang sigaw naman ni Avidita.

"What the hell! Bakit hindi nauubos ang mga 'to?" Nangangalit na sigaw ni Misty.

"Shot a fire!" Sigaw ni Avidita at hindi namin alam kung sino ang kanyang tinutukoy pero sa tingin ko ay si Earl dahil siya ang prinsipe ng Wolfus. "I SAID SHOT A FIRE!"

Nakita ko ang mabilis na paggalaw ni Emovere at kahit na natatamaan ng iilang punyal ay bumuo siya ng malaking apoy na kinagulat naming lahat. Hindi ako makapaniwala at sinundan nalang ng tingin ang malaking apoy na papatapon sa kanlurang bahagi at doon na nagpakita ang babaeng kanilang tinutukoy.

Sumigaw ito sa sakit nang pagkakasunog pagkatapos tumama ang apoy. Bumagsak ang mga tuhod ni Emovere at hingal na hingal itong nakatingin sa direksyon ng babae. Natigil na rin ang pagpapaulan ng mga punyal pero alam kong hindi lang ako natulala sa nangyari.

Emovere is a prince?

Agad akong napalingon sa direksyon ni Earl na seryosong naglalakad patungo sa babae. What about him? Ano ang pinagkakalat nilang prinsipe siya? Are they twins? Siblings? Cousins? Ilan ba ang prinsipe ng Wolfus? Napansin ko ang ilang sugat sa kanyang mga braso at pag-agos ng dugo. Lahat kami ay nasaktan at nasugatan!

Patuloy sa pagsigaw ang babae at sinusubukan pa nito alisin ang apoy.

"BURN HER!" Galit na sigaw ni Avidita na kinalingon ko naman sa kanya. 

Nakalapit na ito sa kaibigang babae at isinandal nito ang katawan sa kanya. Dalawang punyal ang nakatarak sa t'yan at isa sa kaliwang balikat. Kita ang sakit sa mukha ni Euphrasia na agad na kinagalaw ng katawan ko para lapitan sila.

Nang mapatingin ako sa babaeng nasusunog ay mas lalong lumalakas ang apoy. Malayo 'man ito sa amin pero nararamdaman ko parin ang init dahil sa apoy.

"The trees!" Sigaw ni Misty. "Masusunog ang gubat!"

"Bryne help the trees!" Pagsigaw ko naman sa pinsan na agad niya namang naintindihan. Bumuo siya ng malalaki't maraming bilog na tubig bago itapon sa mga nasusunog na puno.

"Euphrasia..."

Naibalik ang pansin ko sa dalawang woma at pilit na tinatanggal ni Euphrasia ang mga punyal. Umiiyak na ito habang hawak-hawak ang punyal sa balikat.

"Patayin n'yo na siya!" Pagrinig namin kay Dyx. "Ay! Ako nalang pala."

Nang sa kanya naman ako napatingin ay sumugod na siya sa babae at walang pagdadalawang isip na pinaghahampas ng kanyang sandata. Tumulong naman si Jobo at Earl habang paika-ikang naglalakad patungo sa amin si Emovere na kinatulala ko sa kanya.

"Are you three okay?" Paos niyang taong at pabagsak na umupo sa aming harapan. "She's dead now, Avidita." Mapungay ang mga matang tinignan ang babae.

Hindi lumingon sa kanya si Avidita at nakatingin lang sa kaibigang umiiyak. Biglang pumasok sa isip ko ang eksena ni Garelle at Misty. This is most like them but Gakane doesn't cry dahil si Misty ang umiiyak sa kanilang dalawa. Nakaramdam ako ng lungkot para sa kanila, alam kong ayoko noon sa kanilang dalawa pero gustong-gusto ng mga mata ko ang pagsasama nila.

"Can you help her to ease the pain?" Pagtaas ng tingin ni Avidita ng makalapit si Bryne. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata kahit na nakatikom ang mga labi.

"Sure."

// Misty //

Pinapanood ko ang ginagawang pagbabasa ng prinsipe sa sugatang woma. Kung ako nasa kalagayan niya ay mas iiyakan ko pa iyon dahil sa sakit na nararamdaman.

"I remember you to her," pagtabi ni Dyx sa akin. Sinulyapan ko siya at ang babaeng pinatay nila. Sunog na sunog ang katawan at hindi na makilala pa. "Ikaw si Euphrasia na umiiyak pero si Gakane ang nasugatan at nakasandal sa'yo."

Hindi ako nakaimik habang pinapakinggan siya. Nang mapagtanto iyon ay nalungkot ako at gustong umiyak. 

The truth is, I really miss Gakane but my pride is too high. 

Napayuko ako at tahimik na suminghot.

"Bakit hindi mo kausapin ng maayos si Gakane? Listen to her, Misty. Akala ko ba kapatid na ang turing sa kanya?"

Oo, sa ilang buwan palang namin magkasama ay iyon na ang turing ko kay Gakane. I really love her as my sister pero hindi ko lang mapigilan masaktan dahil sa pagtangka niyang patayin ako. 

Mabilis na pumalit ang galit sa pusong nalulungkot lang kanina dahil sa naalala.

"She's nothing to me now." Pagpilit na ituwid ang boses na muntik nang manginig.

"And you are precious to her." Katwiran niya.

Itinaas ko ang ulo para pagmasdan ulit ang ginagawa nila kay Euphrasia. Tinatalian na ang kanyang mga sugat para hindi na magdugo.

"Clean yourselves, everyone. Magpapahinga na naman tayo." Anunsyo ni Earl at bumuntong hininga.

Sumang-ayon kaming lahat at magsasarilihan na sana ng paggagamot nang hindi kami makapaniwala sa nagpakita. Natigilan kami at nakaramdam ako ng takot.

"Ssss.."

"Medusa." Sabay naming bulalas ni Dyx.

Mabilis na tumayo si Bryne at Emovere at inihanda ang mga sarili. Nasa unahan namin si Jobo na siyang malapit kay Medusa kaya napaantras pa ito.

"Ang swerte pero malas." Rinig namin sa kanyang sinabi.

"Nagkakalat ang mga paslit. Sssss.." Wika ni Medusa at malamig ang mga matang tinignan kami. Nangilabot ako sa takot dahil sa kanyang anyo at lalo na sa mga ahas niyang buhok. "Mga sugatang paslit. Sssss.."

Nagulat ako ng mabilis na sumugod si Jobo pero mas ikinagulat namin ang pagtilapon niya sa puno. Tatakbo na sana ako sa kanya pero biglang may humila sa akin at muntikan pa akong matamaan ng itim na mahika!

"Ssss.. mga paslit na walang alam sa pakikipaglaban at mahihinang nilalang ng mga kaharian. Ssss.."

"Manahimik ka." Malalim at matigas na sabi ni Earl at humakbang papaharap. "Paano ka nakatakas sa isla?"

"Hindi mo alam?" Malamig at nakakatakot na sabi. "Hindi ako makakatakas kung hindi humihina ang humaharang sa isla, paslit."

"Sinasabi mo bang humihina na si Headmaster?" Pagtatanong ulit.

"Hindi ko alam dahil wala akong pakialam. Ssssss.." Pabalang nitong sagot. "Katulad nila ay hindi n'yo ako mahuhuli dahil hinding-hindi ako magpapahuli."

Sabay na nagbato ng waterball at fireball sila Bryne at Emovere pero mabilis nasalagan iyon ni Medusa gamit ang mahika.

"Mga paslit ng akadamya... magpalakas muna kayo bago n'yo ako ibalik sa isla." Huling pahayag niya bago mabilis na tumakbo sa hilaga.

Susunod pa sana ang dalawang prinsipe pero agad ding napatigil dahil sa sunod-sunod naming daing dahil sa sugat na natamo. Narinig namin ang malakas na ubo ni Jobo at paglabas ng dugo sa kanyang bibig at ilong. Nanghina ako at bumagsak sa lupa

Nasisigurado akong tatagal ang laban at paghahanap namin sa babaeng makasala.

// Glaze //

"Maggagabi na." Mahinang sabi ko sa dalawang kasama. "Magpahinga muna tayo."

"Nakakapagtakang papunta sa hilaga ulit si Medusa, hindi ba'y nanggaling na siya roon at pumatay pa ng tatlong tao?" Pagsabi ni Catena at umupo sa tabi ko. Napatango naman ako dahil sa sinabi niya.

"I'm hungry, let's eat first." Nakasimangot na sambit ni Drivio at umupo sa harapan namin.

"Hindi kaya ay hindi pa nakukuntento si Medusa sa mga pinatay niya roon?" Pagbabaliwala ng kaibigan sa sinabi ni Drivio. Nakita ko ang masungit na pag-irap ng prinsipe.

"C'mon, let's eat first." Giit niya.

"Saglit lang, Drivio." Aniko. "Hindi pa tayo naghuhugas ng kamay."

"Mawawalan na tayo ng tubig kung ipanghuhugas pa." Sagot niya.

"Malayo ang lawa rito." Narinig kong bulong ni Catena at nang mapatingin ako sa kanya na may kunot sa noo ay maiksi siyang ngumiti. "Kakain tayong walang hugas ang kamay."

"That's dirty!" Hindi ko mapigilang pagreklamo. "I can't do that."

"Sige gamitin mo ang tubig mo pero huwag kang makikiinom sa amin." Pabalang na sabi ni Catena na kinainis ko at tuluyang napabusangot.

"Fine!"

I never thought I will do this!

Napabuntong hininga ako at inilabas ang baong pagkain. Hindi 'man komportable ay wala ng magagawa kundi ang kumain nalang dahil narin sa pagod at gutom.

_______________________________________________________________________________________________________

Thank you MarylynBayta, zyllesciah, LITTLETREASURE99, elleAenoche, KambalNiJiem, janneexx, user 56886427, and colleenkyla :))

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 144 32
ENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: Novem...
9.5K 659 50
You know what happened in the Philosophers stone. But what will happen when it will passed down to her? The reason for her power is the additional p...
445 158 27
Ano bang gagawin mo kapag paggising mo isang araw nag-iba na ang lahat? Paggising mo nalaman mong may kapangyarihan ka? Paano kung bigla kang napunta...
Aspasia By Lena

Mystery / Thriller

28.9K 1.3K 12
Sa kagubatan kung saan sya nananahan, nakatago ang mga bagay na hindi na natatarok ng sinuman. Isang estranghero ang siya'y matatagpuan. Isang estra...