The Guy Who Likes Me(ON-GOING)

By MarlouTemplado

10.4K 573 686

After having sex with Kalyx once, Hiro never thought na masusundan pa iyon ng isa pa na nasundan pa ng nasund... More

Prolouge
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter 15
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Not An Update
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Two

680 38 20
By MarlouTemplado

Sabado ngayong araw, wala akong pasok sa school at day-off ko sa trabaho ko. Mag-aalas dose na ng tanghali pero kakagising ko pa lang.

Nagtanggal lang ako ng muta at sinuklayan ang magulong buhok tapos umalis ako ng apartment para magpunta sa malapit na 7-11 para bumili ng tanghalian ko. Magka-cup noodles lang ako dahil kailangan ko magtipid. Kulang-kulang 400 na lang ang pera ko at kailangan ko pa yung tipirin hanggang sa susunod na linggo.

Pagkarating ko sa may 7-11 ay dumiretso ako sa section ng mga cup noodles at naghanap ng pinakamura na nandoon. Nang makapili ay nagpunta na ako sa may counter para magbayad kaso ng kapain ko ang wallet ko sa bulsa ng suot kong shorts ay hindi ko iyon makapa. Shit! Naiwan ko yung wallet ko!

Napatingin ako sa cashier at binigyan ko siya ng nagaalangan na ngiti. "Ah, naiwan ko kasi yung wallet ko. Babalikan ko na lang 'to mamaya. " Sabi ko sa kanya.

" Sige po, Sir," magiliw na sabi niya sa akin.

" I'll pay for it, " biglang may nag-abot ng one thousand peso sa cashier.

Lumingon ako at nagulat ako ng makita ko si Kalyx. Tumingin din siya sa akin pero agad rin siyang umiwas at ibinalik ang tingin sa cashier.

Sasabihin ko pa lang sana na wag na niyang bayaran kaso nakuha na ng cashier ang pera. Inilagay na niya sa plastic yung cup noodles at resibo tapos iniabot niya iyon sa akin kasunod ang sukli.

"S-salamat," sabi ko kay Kalyx habang inaabot ko yung sukli niya.

"It's nothing," sabi niya habang kinukuha niya yung sukli niya. Tapos tinalikuran na niya ako para umalis pero pinigilan ko siya.

"Sumama ka sa akin sa apartment ko," sabi ko sa kanya.

Hinarap niya akong muli. Nakakunot ang nuo niya at parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Why? What are we gonna do there?" Nagtatakang tanong niya.

"Babayaran kita. Nandoon yung pera ko sa apartment kaya sumama ka sa akin para mabayaran kita." Sagot ko sa kanya.

Biglang nawala yung kunot ng nuo niya tapos tumingin siya sa gilid niya at bumulong-bulong. Tapos hinarap niya muli ako.

"You don't need to pay me," masungit na sabi niya bago siya tumalikod at magsimula ng maglakad paalis.

Agad ko siyang sinundan. Sa bilis niyang maglakad ay sa labas na ng 7-11 ko siya naabutan. Humarang ako sa harapan niya.

"Ayaw ko ng may utang kaya sumama ka sa akin sa apartment ko para mabayaran kita, " seryosong aniya ko.

" I said you don't have to pay me. Don't count it as an utang, count it as help," aniya na may pagkairita.

" Hindi pwede! " Hinablot ko yung kaliwang kamay niya tapos hinila ko siya. Sa laki niyang tao para akong humihila ng puno. Nahihirapan pa akong hilain siya dahil nagpapabigat talaga siya.

Malapit lang ang apartment ko kaya agad kaming nakarating doon. Hingal na hingal pa ako at pakiramdam ko talaga para talaga akong humila ng puno.

"You really don't have to pay me," sabi niya pa pero hindi ko iyon pinansin. Sinabihan ko siya na maghintay sa labas tapos nagtatakbo na ako sa loob ng apartment ko. Nang makuha ko yung wallet ko ay agad na akong lumabas pero wala akong Kalyx na nabungaran. Umalis na siya!

Shit! Dapat pala sinama ko siya sa loob!


"Hello, Anak! Kamusta ka na?" Si Mama sa kabilang linya.

"Ayus naman po ako. Kayo po diyan?" Sabi ko habang nagtutupi ng mga damit ko. Nagtutupi ako ng mga damit ko at naisipan kong tawagan sina Mama.

"Ayus rin naman kami. Kamusta pag-aaral mo, 'Nak? Kapag may babayaran ka magsabi ka sa amin,a."

" 'Ma, sabi ko naman sa inyo na sakto naman yung sahod ko para sa mga gastusin ko dito. Huwag na kayo mag-alala sa akin." Aniya ko habang pinapatong ko yung kakatupi ko pa lang na damit doon sa mga damit na natupi ko na. "Si Tatay po nasaan?"

"Nasa trabaho pa pero pauwi na iyon," sagot ni Mama.

Tumingin ako sa wall clock at nakita kong mag-aalas sinco na ng hapon. Ganitong oras nga umuuwi si Papa.

"Sina Hazel, Heather at Happy po, kamusta?" Tukoy ko sa mga kapatid ko.

"Ayun, nasa school pa si Hazel at Heather. Si Happy naman, ayun nasa bahay nina Ethan. Naglalaro na naman siguro ang dalawa." Pagkukwento ni Mama.

Si Ethan yung anak ng kapitbahay namin sa probinsya. Bestfriend iyon ni Happy, ang bunso namin. Happy yung ipinangalan kay bunso kasi nung ipinanganak siya nakangiti agad siya tapos lahat ng mga nakakakita sa kanya sumasaya daw sabi ni Mama.

"Ah, naku 'Ma! Baka dun na kina Ethan tumira si Happy, parang araw-araw na siya nandoon, ah." Sabi ko.

" Naku hinahayaan ko na lang. Lalo na't aalis na sina Ethan. Sa ibang bansa na titira. Paniguradong malulungkot ng sobra si Happy."

Itinigil ko yung pagtutupi ko dahil sa sinabi ni Mama. " Hala, 'Ma! Paniguradong iiyak si Happy!"

" Iyon na nga. Kaya hinahayaan ko na lang na nandoon na siya palagi sa bahay nina Ethan."

Napatango-tango ako. " 'Ma, sige na. Ikamusta mo na lang ako kina Papa at sa mga kapatid ko. I love you, 'Ma." Pagpapaalam ko kay Mama.

" Sige, 'Nak. I love you too. Ingat ka diyan palagi, a. I miss you, 'Nak!"

"I miss you too, 'Ma! Muah! Ba-bye!" Sabi ko tapos pinatay ko na yung tawag.

Natapos ko na rin ang pagtutupi ko kaya binuhat ko na yung mga tinupi kong damit bago ko iniligay ang mga iyon sa damitan ko.

Bumalik ako sa may kama ko tapis nahiga. Kinuha ko yung cellphone ko tapos binuksan ko yung facebook. Scroll lang ako ng scroll nang mag char si Aira.

Aira: uyy milktea tayo mamaya. Libre ko.

Me: ayaw ko

Aira: luh! Libre na nga ayaw mo pa!

Me: ayaw kong palagpasin! HAHAHA! Anong oras? Libre,ha!

Aira: ayun! Basta libre mabilis! Oo! Alam ko namang palagi kang walang pera. Mamayang 6 tayo, dun sa may Mall malapit diyan sa inyo.

Me: sigeeee

Aira: sigeeeee. See you later! Muah!

Binigyan ko na lang siya ng like tapos bumalik ako sa pagscroll sa facebook ko. Scroll ako ng scroll nang may mamukhaan ako sa friend suggestion na bigla-bigla na lang sumusulpot.

Si Kalyx!

Pinindot ko yung profile niya. Ang daming reacts! 13k?! Hala, famous pala ang kuya mo! Daig pa ang artista!

Paano ba namang hindi magkakaroon ng maraming reacts yung profile niya e para siyang model ng bench. Nakaupo siya sa big bike tapos yung background parang sa may Tagaytay. Nakasuot siya ng itim na leather jacket na ipinatong sa puting t-shirt,denim jeans sa ibaba at boots sa paa. Hindi siya nakangiti, poker face lang siya. Yung itsura ba nung mga model sa mga billboards. Nakakalaglag panga yung itsura niya.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang naghurumentado ang puso ko habang pinagmamasdan ko yung profile picture niya. Hindi ko gusto yung pakiramdam kaya mabilis pa sa mabilis na umalis ako sa profile niya tapos nagmamadaling sinarado ko ang facebook ko at pinatay ko ang cellphone ko.

Nilagay ko sa gilid ko ang cellphone ko tapos napatingin ako sa kisame. Napahawak ako sa dibdib ko tapos napatanong ako sa sarili ko...

Anong nangyayari sa akin?

Saktong 6 ng gabi ako nakarating sa Mall na tinutukoy ni Aira na pagkikitaan raw namin. Nasa may entrance ako ng Mall, hinihintay ko si Aira. Mayamaya lang ay nakita ko na siya nang bumaba siya ng taxi. Agad niya rin akong nakita tapos kumaway siya akin habang naglalakad na siya papunta sa pwesto ko.

" Ang traffic bwesit!" Himutok ni Aira pagkalapit niya sa akin.

Naglakad na kami papasok ng mall.

"So, bakit ka manglilibre?" Tanong ko kay Aira ng makapasok kami.

Nagkibit-balikat siya. "Wala lang. Gusto ko maggala kaso wala akong kasama. Alam ko naman na hindi ka sasama sa akin kapag niyaya kita ng hindi kita ililibre. Ikaw pa! Palagi ka kayang walang pera." Sagot ni Aira.

" Grabe siya! Tunay naman na palagi akong walang pera! Buti ikaw may kaya ang pamilya niyo. Nag-iisang anak ka pa kaya bigay lahat ng luho mo." Aniya ko mo.

" Well I guess I'm lucky?" Maarteng sabi ni Aira.

"Edi wow!" Sabi ko tapos tinulak ko siya.

"Aray! Makatulak naman!" Reklamo ni Aira tapos tinulak niya rin ako.

Itutulak ko sana ulit siya kaso nagtatakbo na siya kaya hinabol ko siya. Para kaming mga batang naghahabulan.

"Patikim ako ng sayo," sabi ni Aira habang naglalakad kami. Galing kami sa milk tea shop na pinanggalingan ng mga milk tea na nilalantakan naming dalawa.

"Ayaw ko nga! Favorite ko 'to,e! " Pagmamadamot ko sa kanya.

"Hala! Tikim lang,e! Bilis na! Papatikimin rin kita nitong sa akin." Pamimilit pa ni Aira. Inaagaw niya pa yung milk tea ko pero nilalayo ko 'yun sa kanya.

Naghabulan na naman kaming dalawa. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero wala kaming pakialam. Bakit? Mga siraulo kaya kami!

Takbo lang kami ng takbo nang bigla akong may mabangga. Sa lakas ng pagkakaumpog ko sa kung sino man iyon ay muntik pa akong bumagsak sa lapag kaso may sumalo sa aking malaki at halatang malakas na braso.

Napatingin ako sa lalaking sumalo sa akin at ganoon na lamang ang panglalaki ng mga mata ko ng para akong nakakita ng artista. Ang gwapo! Maayus ang itsura ng kanyang buhok, kulay tsokolate ang kanyang mga mata, matangos ang ilong at napakapula ng kanyang mga labi na parang ang sarap-sarap halikan! Wait! What? Anong pinagsasasabi ko? Pinilig ko ang aking ulo. Teka? Ano 'yun? Ang bango. Napapikit pa ako dahil sa amoy. Ang bango! Ang bango-bango niya!

"Hoy! Ang harot mo!"

Napamulat ako dahil kay Aira. At dahil dun natauhan din ako. Putik! Napatayo ako at agad na napalayo kay Kuya. Hindi ako makatingin sa kanya sa sobrang kahihiyan. Bwesit! Anong ginawa ko? Huhu! Lupa kainin mo na ako!

"Natapon yung milk tea mo."

Napatingin ako sa milk tea ko na nagkalat na nga sa lapag tapos kay Kuya. Nakangiti siya sa akin. May kung anong parang sumampal sa puso ko kaya ito tumibok ng mabilis. Hindi ko alam kung bakit.

"A-ayus lang. S-sorry nga pala," paumanhin ko kay Kuya habang yumuyuko-yuko pa ako. Nahihiya talaga ako sa kanya. Jusko!

"It's not okay. Mukhang madami pa yung laman, oh. I should replace it with another one." Sabi niya.

Umiling-iling ako habang iwinawagayway ang dalawang kamay." Naku! Wag na! Kasalanan ko naman. Dapat hindi ako nagtatakbo. Kasalan ko kaya nabunggo kita." Pagtanggi ko sa alok niya.

" I insist. Come on."

Nagulat ako ng bigla niyang kunin yung kamay ko tapos hinila niya ako pabalik sa pinanggalingan naming milk tea shop ni Aira. Napatingin ako kay Aira na nakasunod lang sa amin. Yung mukha ko gulat na gulat at hindi makapaniwala sa nangyari. Ang walang Aira naman parang nagi-enjoy pa sa kahihiyan ko.

"Here," sabi sa akin ni Cole, yung Kuyang nakabungguan ko, habang inaabot niya sa akin yung milk tea na binili niya kapalit raw ng milk tea ko na natapon dahil nabunggo ko siya.

"T-thank you," pagpapasalamat ko sa kanya na sinamahan ko pa ng pagtango.

" You're welcome," aniya ni Cole habang nakangiti. "By the way, can I get your number?"

"Ha? Number ko?" Tinuro ko yung sarili ko.Tumango si Cole. "Bakit?"

Ngumiti muli siya tapos inilapit niya yung mukha siya kaliwang tenga ko para bumulong.

"I think I like you...."


😱

Guys, comments are highly appreciated. So, please comment anything🤧


Continue Reading

You'll Also Like

2M 25.1K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3M 187K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...