Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

45.9K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 06
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 26
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 34
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 41
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
EPILOGUE
MESSAGE
ES #2
New Story

HWB 35

371 22 5
By ImperfectionWoman

Day 93: Result Day of 10th Battle - Behind of Auditorium - 8:14

Mula sa nakatabinging mukha ay unti-unti kong humarap at sinalubong ang galit sa mata ng isang bema habang pinipigilan ng dalawa niyang kaibigan. Hinawakan ako ni Misty sa'king braso at inilayo, takot na maulit ang nangyari.

"You killed him!"

Sa pangalawang pagkakataon ay may isa na namang nakaramdam ng hinanakit sa'kin. Hindi ko siya inimik at hinayaan umiyak, magalit, at magwala sa kamay ng mga kaibigan. Sila man ay nagpipigil din na atakehin ako.

"Garelle!" Pagtawag mula kay Aurum kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Tumabi sila sa'kin at hinarangan sa pasugod na bema. "You stop there!" Pagsinghal ng babaeng maharlika.

"You are tolerating her!" Nanginginig sa galit na sigaw ng babaeng bema. "Stop defending a killer! A heartless woman!"

"Wala ka ng magagawa kung namatay na ang kasintahan mo!" Singhal pabalik ni Arao. "Relationship is forbidden here! It's your fault kung bakit nasasaktan ka!"

"You are like her, heartless! Cruel!" Sigaw ng nasa kanang babae habang masama ang tingin kay Misty dahil sa pagtulak nito kanina sa kanya upang mailayo sa'kin nang papasugod ito para sana makisali sa sampalan.

"Who cares!"

Hinawakan ko sa braso ang babaeng maharlika at hinila sa likod. Hindi naman siya umangal habang ang mga mata ay matatalim na nakatingin sa mga bema. Inanunsyo ang kanilang ginawa sa'kin kaya paniguradong makakasali sila sa susunod na labanan.

"Tatalunin ko ang grupo ninyo!"

"Sigaraduhin mo lang," aniko na kinalingon nila sa'kin. "Matagal-tagal pa ulit ang susunod na labanan kaya siguraduhin mo."

Suminghap sila at hinila ng isa nilang kaibigan para umalis. Nang mawala sila ay 'saka ako marahas na ipinaharap ni Arao sa kanya.

"Why did you kill him?" Aniya at tinitigan ako ng mabuti, lakas loob na nakipagtitigan sa'king mata. "Tell us, Garelle Kane!"

Itinagilid ko ang ulo at pinag-isipan ang isasagot.

Kahapon ay laban at pangatlo ko ulit iyong panalo. Between Deal and Kill, I choose to kill. Masyadong mababa ang puntos na ibinibigay at may kasamang pixie ngunit hindi ako nagkaroon ng interesado kaya mas ginusto ko nalang pumatay. Hinawakan ko ang kamay ni Arao na nakahawak sa akin at tinanggal iyon.

"Oh no, Gakane. Do not make a mistake of not answering." Pagbabanta ni Dyx Fetalino.

Sinuklay ko ang buhok gamit ang kanang kamay at napansing bumabalik sa dating pagkakagulo ang buhok dahil ayokong sinusuklay ito. Hindi ko alam kung bakit napangisi ako ng maalala ang nangyari kanina.

Tahimik kaming nakatayo sa likod ni Headmaster at ng apat na taong robot. Habang inaanunsyo ang aming pagkapanalo ay naramdaman ko ang pangingnig ng katabi kong bema. Nilingon ko ang lalaki at takot itong nilingon ako. Kita sa mga mata niya ang pagmamakaawa at paghingi ng tulong pero binigyan ko lang siya ng patay na tingin. Nanlalamig ang puso ko.

Nagsimula ng bumaba si Dharyx at Amana sa entablado kaya pinasadahan ko agad ng tingin ang grupo ng Bema.

"Do not cross the line." Babala mula kay Headmaster bago mawala kasama ang apat na robot.

Nagkaroon ng pulang linya palibot sa apat na grupo at sinimulan ko na rin humakbang papaalis sa tabi ng lalaki ngunit hindi pa ako nakakalayo ng hawakan nito ang braso ko. Nilingon ko siya at naibaba ang tingin sa kamay niyang nangingnig.

"Please.. spare my life." Piyok niyang pagmamakaawa. "Please..."

"SICARIO!" Tangis ng isang babaeng bema habang pinipigilan siya ng kanyang grupo.

"Please, Landers..."

Itinaas ko ang ulo at tinignan ang lalaki sa mga mata. Naestatwa ito at mas lalong natakot.

"I didn't beg when you destroyed us," Wika ko sa malamig na tono. "You were with her, tolerating her sins, never minding our feelings."

"I was... I was in love that made me went crazy for her!" Umiiyak niyang sabi. "I'm sorry!"

Tinanggal ko ang kamay niya dahil nagsisimula ng manikip ang puso ko. Lumunok ako at pinipigilan ang sariling magalit. Tinitigan ko siya habang umaantras.

"Any last words?"

Malungkot siyang ngumiti. "Please take care of her, Garelle kane.."

Tinalikuran ko ang lalaki at kasunod nun ay tilian. Nilingon ko ang ulo at natigilan. Alam kong kagagawan ko iyon pero hindi ko napigilan matakot sa nakita.

Mula sa kisame ay may nabuong malaking bato at walang makakapagpigil na bumagsak iyon ng buong-buo sa lalaki. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay kaya kinuyom ko iyon at huminga ng malalim. Hindi pa nagtatapos ang parusa dahil umangat na naman ang bato at nakita namin ang durog na katawan, at ilang segundo ay mas malakas na bumagsak ulit ang bato na mas lalong kinaingay ng mga estudyante, lalo na ang Bema.

"Why are you smiling? It's creeping me out!" Komento ni Dyx.

"Gakane, sa lahat ng parusa sa'yo ang pinaka malala." Wika ni Jobo.

"Garelle..." Sabay na pagtawag ni Arao at Misty.

"Fine, tyempohan ko lang na ganoon ang mga pagpipilian kaya hindi ko napigilan piliin ang nakakasama." Sagot ko sa normal na boses.

"Ano? Malaki ang puntos sa Deal dapat ay ayun nalang ang pinili mo!" Pagbunyag ni Jobo dahil siya ang nakasama ko sa laban.

"Gaano kalaki?" Tanong ni Bryne.

"Sampung libong puntos at kasama na roon ang mga pixie."

"Masyadong mababa." Malumanay kong tugon na kinabalik atensyon nila sa'kin.

"Mababa?! Mababa pa rin sa'yo ang puntos? Anong mas mahalaga? Iyon bang pagpatay?!" Pagpipigil na galit ni Fetalino.

"Please.. kumalma kayo.." Kabadong sabi sa kanila ni Misty.

Humalukipkip ako, "hindi n'yo na naman ba ako tatanggapin?" Subok sa sarili na huwag mainis pero hindi ko napigilan maramdaman iyon.

Napahinga sila ng malalim. "Please, Landers. Don't do that again." Pakiusap ng prinsipe na kinatingin ko sa kanya at nang maalala ang kanyang banta sa'kin. 

Kailan ba matutuloy iyon? Akala ko pa naman ay gagawin niya.

Tuwing pagkatapos ng laban ay walang pasok kinabukasan kaya napagdesisyon naming maglibot na naman.

"Nakakasawa na rito sa akadamya, alam na alam ko na ang bawat sulok dito!" Reklamo mula sa likod na nanggagaling kay Dyx.

"Hindi n'yo pa nararanasan ang mahuli sa gabi," sabi ko sa kanila na kinalingon sa'kin. Pinahinto ko ang kabayo at ginaya naman nila. "Noong gabing naiwanan kami sa Okrossbar ay may mga nakilala akong gnome. Marami sila at maliliksi. Kung gusto n'yo subukan, hintayin natin sumapit ang hapon at pumunta sa okrossbar para mapagsarahan ng mga tarangkahan."

Hinintay ko ang kanilang sagot pero nakatingin lang sila sa'kin. Naalala ko ring may nangyaring kakaiba sa dalawang lalaki pero hindi ko na binanggit pa.

"Subukan naman natin sa Girig Wall," tulalang suhestiyo ni Sweet at napakurap. "Gusto ko makita kung naglalabasan ba sa gabi ang mga sirena."

"Sige! Magdala nalang tayo ng makakain para hindi tayo magutom." Pagsang-ayun ni Fetalino na sinundan ni Jobo, Misty, at Arao.

"What if someone will see us?" Pahayag ni Bryne.

"And so?" Taas-kilay kong sabi. Umiling siya at nakisang-ayun nalang din.

Ipinagpatuloy namin ang pag-iikot sa Ond Wall at nadaanan narin namin ang lugar kung nasaan ang abandonadong gusali. Nasa likuran nila ako kaya nakita ang kanilang paglingon sa gubat.

"Gusto ko puntahan ang gusaling iyon," pagsabi ni Misty na kasabay ko.

"Para saan?" Lingon ko sa kanya.

"Gusto ko makita kung nandoon nga ba ang mga bangkay." Aniya at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin at tumikhim.

"Huwag mo na alamin pa, Misty." Babala ko.

"Bakit naman?"

Hindi ko sinagot ang kaibigan at nilingon ang mga nalalagpasang puno.

"Pwede kaya bisitahin ang mga gusali ng ibang grupo?" Rinig naming sabi ni Jobo.

"Hindi naman ipinagbabawal kaya siguro ay pwede." Sagot ni Sweet na kanyang katabi.

"Hindi ba delikado?" Tanong ni Dyx.

"Bakit naman delikado?" Taka ni Jobo.

"Kaaway parin natin sila, Jillen. Hindi porket may rules tayo rito ay mawawala na kaagad ang turingan natin sa kanila, sa'tin." Mataray sa sagot ng tao.

Hinila ko ang tali ng kabayo ng mapahinto ang kaharap namin na sila Arao at Bryne, kaharap naman nila si Dyx, at kaharap nito sila Sweet at Jobo.

"Anong problema?" Tanong ni Misty.

"Hindi n'yo ba nararamdaman?" Pagdududa ni Aurum na kinahinto nila Dyx at napalingon sa'min. Iniikot nilang tatlo ang kabayo para mapaharap sa'min.

"Ano---" Naputol ang sasabihin ni Misty ng may serpente ang bumungad sa amin mula sa kabilang bahagi.

Humiyaw ang mga kabayo at bumilis ang tibok ng puso ko. Napaantras ang kabayo namin ni Misty dahil malapit lang sa puwesto namin ang nakatayong kulay puting serpente. Napatingala ako at nasaktan pa ang mata dahil sa linaw ng langit.

"WHAT THE F!" Tili ni Dyx.

"Bryne!" Sigaw ni Aurum na kinalingon ko sa prinsipe.

Bryne's sugar-grey eyes turns into white. Nagkakaroon narin siya ng kaliskis ng isang ahas, para bang ginagaya nito ang serpente na malapit sa'min. Bigla akong napaisip kung paano nakapasok ang ganitong serpente kung may magic barrier ang Okrossbar wall. Unless...

Sumirit ang dila ng ahas kaya naibalik ko ang paningin doon. Maraming sinasabi si Aurum pero wala akong maintindihan dahil nakatutok lang ang atensyon ko sa serpente na nakatingin lamang sa direksyon ng prinsipe. Nangunot ang noo ko at natulala ng may maalala.

Being only Prince of Snakus Kingdom, he can talk to snakes and serpents. He can control them and they are his protectors. Napatili't napasigaw ang mga kasama ko ng magsilabasan ang iba't ibang ahas mula sa iba't ibang direksyon ng gubat. Naramdamn ko ang takot ni Misty kaya ipinahaba ko ang kadena at ipinalibot sa'ming lahat. Ginaya ni Dyx ang ginawa ko at ginawang bakod ang mga malalaki at matatabang ugat.

"Bryne wake up!" Naiiyak na sigaw ni Aurum habang niyuyugyog ang pinsan ngunit hindi parin gumagalaw sa pwesto ang prinsipe habang nakatingala sa puting serpente.

"Bakit hindi pa tayo naanunsyo dito?" Natatakot na banggit ni Misty na kinasalubong ng kilay ko at nilingon muli ang serpente. Alam kong ito ang may pakana at hindi ko maintindihan kung bakit ito pumasok sa akadamya.

Nakapalibot na sa'min ang iba't ibang ahas na mas lalong kinatakot nila Dyx. Ako man ay ramdam ang kaba at takot pero mas pinili kong maging kalmado habang minamasid at pinapakiramdaman ang paligid. 

Napalingon kaming lahat at napahinto si Aurum ng magsalita si Bryne.

"As the second full moon comes, another life will perish."

Natigilan ako ng humarap sa'kin si Bryne habang nakipagtitigan sa puti niyang mga mata.

"She will die after she discovers the lie."

Sumirit na naman ang mga serpente kasabay ng mga ahas. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko ang isang imahe ng isang babae na dumaan sa mga mata ni Bryne. Napasinghap ako at hindi alam ang irereaksyon.

"Garelle.." Pagtawag ni Misty ng makita niya ang paggalaw ko. Nag-aalala siya para sa'kin. Nanguyom ang kamao ko kasabay nang pagkasalubong ng kilay.

Why Glaze Yazzi is gonna die? Anong kasinungalingan ang malalaman niya?

Sumapit ang gabi at natuloy ang aming plano na magpaiwan sa Girig Wall. Alam naming may pasok kinabukasan pero ipinilit nila na gawin ang plano. Iniwan namin ang mga kabayo sa Ond Wall kaya naglalakad kaming papuntang kaliwa kung nasaan ang kadenang lambat. Hapon na at ilang minuto nalang at magsasara na ang mga tarangkahan.

Nakakapit sa'kin Misty habang sinusundan ang mga kaibigan na masayang naguusap-usap, alam kong kinakalimutan lang nila ang nangyayari kaninang umaga. 

Habang naglalakad ay hindi ko maialis sa isipan ko ang sinabi ng prinsipe. Hindi ko alam kung bakit niya sa'kin sinabi iyon at ipinakita ang babaeng bema. Ano bang pake ko sa isang iyon? Hindi ko talaga maintindihan.

"Kane.." Anas ni Misty.

"Hmm?" Aniko at kumurap.

"Anong nakita mo sa mga mata ni Prince Bryne kanina?" Tanong nito at nilingon ako. "Nakita ko kung paano nag-iba ang reaksyon mo kanina na para bang may nakita kang hindi kaaya-aya. Sabi ng pamilyang Salvide ay ang puting ahas ang tagabigay babala, sa nakita ko kanina ay pumunta pa ang serpente na iyon para lang ipagsabi ang mangyayari."

"Do you know Glaze Yazzi?" Pagbubukas ko sa'kanya na kinatango niya. "I saw her pass through Bryne's eyes."

"Konektado ba ang sinabi ng prinsipe sa kanya?"

"Hindi ko alam..." Tugon ko. "Hindi ko rin maintindihan."

Parehas kaming natahimik dahilan kaya sumagi sa isipan ko ang isang kaluluwa noong nakaraang buwan. Kinurap ko ulit ang mata at tinignan si Aurum at Sweet kung paano sila maglakad. Inialis ko rin ang pagkakahawak sa'kin ni Misty na ipinagtaka niya.

"Mauna kang lumakad sa'kin." Utos ko. 

Sasagot pa sana siya ng senyasan kong gawin nalamang.

Nangunot ang noo ko at napaiwas ng tingin. Saan ko nga ba ulit nakita ang lakad na iyon? Kaninong binti iyon?

20:00

Inilatag ko ang kumot sa maliit na damo at pinaunang tumapak doon si Misty bago ko sundan. Katabi namin si Aurum at Sweet at sa kaliwa ay sila Jobo, mag-isa si Bryne sa kanyang higaan. Tahimik naming tiningala ang langit habang hinihintay lumabas ang mga serena.

Binilang ko ang maliliwanag na mga bituwin habang pinapakinggan ang mahihinang hinga ni Misty. Bigla akong napatigil sa ginagawa at nilingon si Misty ng maramdamang ipinatong niya ang kamay sa kamay ko.

"Nagbibilang ka ba ng mga bituwin?" Tanong niya sa'kin pero may mga sumagot na kinangiti niya. "Nakakatuwa namang nandito tayo magkakaibigan."

"Naalala ko lang, paano kung mahuli tayo rito at walang magandang rason?" Mula kay Jobo.

"Hayaan mo, minsan lang naman tayo mabawasan ng puntos sa pagkakahuli." Sagot ni Misty. "Hindi ba okay lang, Prince?"

Ilang segundo bago sumagot si Bryne. "Yeah."

"Sana pagkaalis natin dito, ganito parin ang samahan natin." Umaasang pahayag ni Misty.

 Huminga ako ng malalim at ipinasok ang mga daliri sa daliri ni Misty kasunod ay pagpisil.

"Maganda kung sa'tin nagmumula ang pagkakapanalo, hindi ba?" Wika ni Jobo. "Ang iilan sa mga kasamahan natin ay halatang 16 o 17 palang, dapat ay maging magandang halimbawa tayo bilang nakakatanda."

"How old are you na ba?" Tanong ni Dyx. "I'm 18."

Narinig namin ang tawa ni Jobo. "Mas matanda pala ako sa'yo, I'm 19."

"Kailan ka ba ipinanganak?"

"January 24, ikaw?"

"February 13."

"Kayo naman mga kaibigan?" Tanong ni Jobo.

"I'm 18, January 28." Sagot ni Aurum.

"Getting 20 this coming December 29." Tugon ni Sweet.

Hinintay ko si Misty kaya kunot noo kong bumaling sa kanya. Tumaas ang tyan niya at narinig ang pag buntong hininga. Nakatingala siya sa langit na para bang may pinag iisipan.

"Garelle?" Tanong sa'kin ni Jobo.

Huminga ako ng malalim at ibinalik ang tingin sa langit. "9 years and decade... July 14."

"Oh? Hindi halata." Komento ni Arao at rinig ang ngisi.

"July 14? Hindi ba iyon yung araw na muntik ka na naman patayin ni Arkangel?" Gulat na bulalas ni Jobo. "Walang bayag 'yun si Dharyx kaya mapanakit ng babae."

"Why you didn't tell us that it's your birthday, Garelle Kane?"

Natahimik kami ng marinig ang tanong ni Bryne.

"Oo nga, bakit hindi mo sinabi?" Dagdag ni Fetalino. "Alam mo ba 'yan, Misty?"

"Hindi," mabilis na sagot niya at nilingon ako.

"Hayaan na natin, lumipas na." Pagsabi ni Aurum na kinakirot ng puso ko pero agad ding nawala ng marinig ang sinabi ni Misty.

"Belated happy birthday." Aniya na sinundan ni Sweet, Dyx, Jobo, at Bryne.

"Belated happy birthday."

"Belated happy birthday."

"Belated happy birthday."

"Belated happy birthday."

Narinig namin ang buntong hininga ni Aurum. "Belated happy birthday."

"I'm e-eighteen.." Nag-aalilangan na sabi ni Misty. "Ah... June one..."

"Ano naman ang sa prinsepe?" Si Jobo.

"I'm 20 and my birthdate is May 20." Mabilisang sagot ni Bryne.

"Woah..." Manghang bulalas nila Dyx, Jobo, at Misty. "Hindi halata." Natatawang sabi ni Misty.

"Masyado kasing bata at gwapo kaya hindi napaghalata." Hagikgik ni Dyx na kinangisi ng katabi ko.

Nakarinig kami ng hampas sa tubig kaya mabiibilis kaming napaupo sa pagkakahiga. Tumalsik ang iilang tubig sa'min ng sunod-sunod na lumabas ang mga sirena. Mula sa ilaw ng buwan at liwanag ng tubig ay kitang-kita namin ang magagandang paglangoy nila.

"Ang gaganda nila!" Manghang komento ni Misty.

Ang huling sirena ay nakita naming tumigil at napatingin sa'ming direksyon. Inaasahan ko ng aangat ito mula sa tubig at tinignan kami isa-isa. Kumikintab ang kulay pula niyang buhok, maganda at maamong mukha. Tinignan namin itong lumapit sa'min at pinangunahan batiin ni Jobo.

"Magandang gabi!" Maligayang bati ni Jobo.

"Bakit nandito kaya mga estudyante ng akadamya?" Kumunot ang maganda nitong noo. "Napagsarahan ba kayo ng tarangkahan?"

"Hindi, binibini. Sinadya namin magpaiwan." Sagot ni Sweet na kinalingon sa kanya ng babae.

"Ano ang inyong rason?"

"Gusto namin makita kayong lumabas sa kabilang mundo ninyo." Sagot ni Jobo. 

Nagulat ang babaeng isda.

"Paano n'yo nalaman?"

"Sinabi ko," malumanay kong sagot na sa'kin napunta ang pansin. Mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata. Nahulaan ko na ang susunod niyang gagawin kaya inunahan ko na siya. "Hindi mo gagawin iyan sa harap nila." Makahulugan kong sabi na kinatigil niya at nila. 

Hindi nakaimik ang babaeng isda at napaiwas ng tigin sa'kin.

"Anong mayroon?" Hindi makapagpigil na tanong ni Misty.

"Gagawin ang ano?" Dagdag ni Jobo. Walang nagsalita sa'min kaya nag pokus nalang sa tanong ni Sweet.

"Bakit kayo nagsisilabasan?"

"Sa ganitong oras kami ay nagsasaya at naglilibot." Tugon ng sirena habang nakikipagtitigan sa babae.

"May kapangyarihan din ba kayo?" Si Dyx.

"Mayroon, Ginoo." Nakangiti ani ng serina. Napasimangot si Dyx.

"Binibini ako, bi ni bi ni." Matigas niyang banggit na kinatawa ng sirena.

"You're handsome like a man." Inglis ng sirena na kinasinghap ng mga kaibigan ko. Natawa ang babae. "Tinuruan din naman kami mag-ingles kaya pwede n'yo ako kausapin gamit ang lenggwaheng iyon."

"Wow," mangha ni Jobo. "You're beautiful mermaid, Miss."

"Thank you!" Malambing na sabi ng sirena at humagikgik. Sumulyap pa ito sa'kin bago mapunta sa dulo ng kaliwa kung nasaan si Bryne. Gumalaw ito sa pwesto para mapunta sa harap ng prinsipe. "Magandang gabi, ginoo."

"Good evening, too." Kaswal ng prinsipe.

Umangat ang basang kamay ng sirena at inabot ang kamay ni Bryne na siya namang pinagbigyan. Nangunot ang noo ko at hinintay ang susunod na sasabihin ng sirena.

"Maganda at mabait ang iyong mapapangasawa, prinsipe." Diretsong sabi nito habang nakipagtitigan sa prinsipe. "Pagkalabas ng akadamya ay asahan mo ang kasal na naghihintay sayo."

Mas lalo akong nangunot ang noo ko ng magawi ang tingin sa'kin ni Bryne. Umantras ako ng kaunti para tingnan sila Aurum na nasa likod ko.

"Really?" Natatawang sabi ng prinsipe na kinatango ng sirena at inalis ang pagkakahawak.

"Ngunit papaalalahan kita na huwag galitin ang isang dalagita dahil hindi mo magugustuhan ang kanyang pwedeng magawa."

Nagkaroon ng katahimikan. Kinurap ko ang mga mata at kinusot iyon ng mapuwing pero may naramdaman akong may nakatingin sa'kin.

"Ako! Ako!" Biglang sabi ni Misty. "Hulaan mo ang akin!"

Nang mapunta sa harapan ang sirena at inabot ang kamay ay nagulat ito. Pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at kay Misty na mas lalong kinaduda ko. Ano naman ang nakita niya?

"Anong nakita mo?" Sabik na sabi ng katabi ko.

Ngumiti ang sirena ngunit nauwi rin sa ngiwi. Nakipagtitigan muna sa'kin ito bago ibahagi kay Misty ang nakita.

"Mag-iingat ka at huwag padalos-dalos sa pagpili na magiging kaibigan dahil ito mismo ang papatay sa'yo." Aniya at sinulyapan ako ng asul niyang mga mata. 

Kumuyom ang dalawang kamao ko at napaiwas ng tingin. 

That will never happen

_____________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 770 32
(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic...
16.3K 1.4K 45
In Year 2030. Ang R.O.S or mas kilala nating rules of Survival ay kilala na sa boung mundo anim na taon na ang nakaraan. Hindi maipagkakaila ang kag...
22.5K 1.7K 66
"Throw away the wits, throw away the name. All we need to do is to empty our brains and to charge in mindlessly!!" - Ichiro Oda, One Piece *** Troops...
9.5K 659 50
You know what happened in the Philosophers stone. But what will happen when it will passed down to her? The reason for her power is the additional p...