Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

45.9K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 06
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 26
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 35
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 41
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
EPILOGUE
MESSAGE
ES #2
New Story

HWB 34

374 19 0
By ImperfectionWoman

Day 73: The Masquerade Party - 13:03

Lumabas ako ng aming tirahan para makalanghap ng sariwang hangin. Napasulyap ako sa mga lalaking naglalakad habang nag-uusap, sila lang ang tangi kong mga nadadaanan dahil abala ang mga babaihan sa kanilang pag-aayos sa sarili. Kanina ay sinubukan akong ayusan ni Misty pero tumanggi ako. Binabalak ko kasing hindi dumalo mamaya.

Paliko papuntang Maskeer para roon sana magpalipas ng oras nang aking makasalubong si Arkangel. Ilang metro ang aming layo at sabay na napatigil sa paglalakad. Napaangat ang kanyang gilid na labi na akin namang hindi binigyan reaksyon. Humangin ng malakas at nilipad ang aming mga buhok.

"Kumusta?"

Napakunot ako ng noo at hindi siya sinagot. Tamad ko siyang tinignan sa mga mata nang dahan-dahan siyang maglakad papunta sa akin.

"Hinihintay mo bang sasaktan ulit kita?"

Napaantras ako ng banggitin niya iyon at nakaramdam ng kaba.

"Ano na naman ba ang binabalak mo, Arkangel?"

Natawa siya sa biglaang aking pagsagot. Huminto ako sa pag-antras at sinimaan siya ng tingin kahit na hindi niya makikita iyon sa patay kong mata.

"Don't worry, Garelle kane, even I want to kill you right now I have to restrain myself." Aniya at sumeryoso ang mukha. "Being the Prince of Eaglus Kingdom, I need to prioritize my people and my kingdom."

Suminghap ako ng hangin at umismid.

"So?"

"I will accumulate points until we are in lead in the rankings. So Garelle Kane, prepare yourself because, after this, you will face death." Pagbanta niya at taas noong tinignan ako. "I will ruin you and your kingdom."

Imbes na makaramdam ng takot ay nginisian ko siya. 

"Be sure of that, Arkangel."

"I'll make it happen."

"I'll wait."

"Aren't you scared? You look calm." Wika niya nang mapansing wala akong pakialam.

"Just do whatever you want, Prince of Eaglus." Sagot ko at lalampasan na sana siya nang may maalala ako. "Basta hindi mo pagsisisihan." Makahulugang dagdag ko at nilingon siya na kinalingon na rin.

Napataas ang kilay niya. "What do you mean?"

Nginisian ko siya at kumubit balikat. "Good luck."

Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang tawag niya. Huminto ako at pinakinggan ang susunod niyang sasabihin.

"Garelle Kane, be sure you won't fall in love because I will kill him like what you did to my Kiarra."

Kiarra. That girl ruined everything. 

Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib kaya nagkasalubong ang kilay ko pero agad ding nawala nang may isang imahe ng lalaki ang pumasok sa isip ko. Napasinghap ako't natawa.

"Sige, hihintayin ko."

Tuluyan na akong umalis sa lugar kung nasaan ang prinsipe. Papasok ng maskeer ay napangisi ako ng maalala ang huli niyang babala. 

"Arkangel, Arkangel. Hindi mo kilala kung saan siya nagmula."

Pumunta akong kahera at umorder ng malamig na tubig bago umupo sa malapit na lamesa. Sumandal ako sa upuan at inalala ang nakaraan.

"Garelle Kane," pagtawag sa'kin ni Rucklam. Lilingunin ko pa sana siya ng maramdaman ang kanyang kamay sa braso ko at hinila papalayo kila Misty.

Kakatapos lang ng klase kaya oras na ng tanghalian at pinakiusapan niya ang aming mga kasama na mauna na sa cafeteria. Tinaasan ko ng kilay ang lalaki nang hinintay niya muna umalis ang lahat at napatingin kay Sweet na papunta sa aming direksyon. Kuryuso ko silang tinignan dalawa at ngumiti si Molventte.

"Anong mayroon?"

"Garelle Kane may kailangan ka malaman," diretsong sabi ng lalaki at nakipagtinginan pa sa kanyang katabing babae. "We have selective amnesia."

"You, me, and Axal, we have selective amnesia." Pagdeklara ni Molventte. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang sila. "We are in the same kingdom but separated because of war."

"Garelle Kane you need to remember because you are our brain." Wika ni Axalus.

Humalukipkip ako at tinignan silang dalawa. "Hanggang saan na ang naalala n'yo?"

Tumahimik ng ilang saglit sila bago mauna si Molventte. "M-magkakaibigan tayong tatlo tapos mayroon pang a-apat."

"Same with her at naalala ko rin na ipinamigay ako ng isang lalaki sa kinikilala kong pamilya ngayon."

"Lalaki?" Nangunot ang noo ni Sweet na para bang may inaalala. "H-hindi ko maalala ang sa'kin..."

"Gakane?" Pagbalik atensyon nila sa'kin.

Humangin ng malakas kaya inilagay ko muna ang takas kong buhok sa tenga bago binasa ang labi. 

"Wala akong alam sa pinagsasabi ninyo."

Napasinghap sila at napakamot sa ulo si Rucklam. "Pilitin mo makaalala, Gakane, please." Pagsusumamo ng lalaki.

Habang tinitignan ko sila ay napapaisip ako.

"She needs protection," pagbuntong hininga ni Axalus at hinarap si Sweet. "We should not let anyone know about us, about her."

"Habang hindi pa bumabalik ng tuluyan ang mga alala natin, kailangan pa rin natin makahanap ng solusyon kung paano mabubuo ang nasira." Suhestiyo ng babae. "Kailangan natin ipilit."

"Sinong unang nakaalala sainyo?" Pagtatanong ko.

"Ako, noong unang maalala ko si Sweet ay siya ang pinagsabihan ko." Sagot ng lalaki.

"Pagkatapos niya sabihin sa'kin kinabukasan ay naalala ko rin."

"Baka maalala ko rin," aniko.

"Garelle Kane!"

Nabitawan ko ang baso kaya natapon iyon sa'kin. Napasinghap akong napatayo at tumunog ang baso ng bumagsak iyon sa sahig.

"Oh my ghad! I'm sorry!" Gulat na bulalas ni Misty. Nilingon ko siya at sinalubongan ng kilay.

"Anong kailangan mo?" Pagtatanong ko habang dinaramdam ang lamig ng pagkakabasa.

"Kailangan mo ng mag-ayos!"

Napatingin ako sa buhok niya ng mapansing naka-bun iyon. Wala pang kulay ang kanyang mukha. Suot ang puting roba na kinaramdam ko ng inis.

"What the hell, Misty? Bakit ka lumabas na ganyan ang suot?" Singhal ko ang babae at hinila siya papalabas ng maskeer.

"P-pasensya na! Nagmamadali kasi akong hanapin ka nang matapos ako mag-ayos ng buhok."

"Babae ka, Misty! Hindi ka dapat lumalabas ng nakaroba!" Nangangalit kong balik.

"Sorry!"

Pinagalaw ko ang kadena at inihampas iyon sa sahig. Ang mga lalaking napapalingon kay Misty ay sinasamaan ko ng tingin at nangigigil na hinawakan ang kadena. Mabilis din naman silang umiiwas ng tingin nang makita ang nakalaylay kong kadena na tumunog sa sahig.

"Fucking perverts."

Pagkapasok sa bahay ay napahinto kami sa tatlong lalaking nasa sala. Napatayo si Dyx at gulat na napatingin kay Salvador.

"Oh my ghad, Misty! Are you crazy? Bakit ka lumabas na ganyan ang suot?"

Hindi na nasagutan pa ni Misty ang tanong na iyon dahil habang papalakad pataas ng hagdanan ay hindi na naabutan pa ang isasagot. Pigil ang sarili kong ihagis si Misty nang mabuksan ang pintuan sa aming kwarto.

"Sorry, Kane!" Natatakot niyang wika.

"May isip ka pa ba, Misty? May isip ka pa ba?!" Galit kong bulyaw. "Nakita mo ba tinginan sa'yo kanina? Para ka nilang hinuhubaran! Napaka bastos!"

Napaantras ito nang humakbang ako papasok at malakas na isinara ang pinto. Takot ang mukhang nakatingin sa akin at kahit gusto magsalita ay hindi magawa.

"So--"

"Just do your thing, Salvador, at huwag mo na ako isali pa sa kabaliwan mo!"

Tinalikuran ko siya at palabas na sana ng pintuan ng maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Takot man ay hinila niya ulit ako papasok.

"Garelle kane!" Sigaw niya kahit na may kaba sa tono. "Kailangan mo dumalo mamayang gabi kundi ay mababawasan tayo ng puntos!"

"Wala a--"

"May pakialam kami! Kaya sana dumalo ka." Pagkalma niya sa sarili. Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Blanko ang mukhang tiningnan ang kaibigan.

"Ayoko." Matigas kong banggit.

Hindi ko alam ang nangyari, hindi ko alam kung paano niya ako napasunod, hindi ko alam. Tulala akong nakatingin sa salamin ng banyo habang tinitignan ang sarili. Hindi ko alam kung ilang oras kami inabot sa pag-aayos, lalo na sa buhok ko. Naigalaw ko ang mata ng pumasok si Misty sa banyo at nakangiting nakatingin sa akin sa salamin.

"Napakaganda mo!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Lumapit siya at hinawakan ang buhok ko mula tuktok hanggang sa baba. "Ang haba-haba ng buhok mo." Namamangha ang kanyang mukhang pinagmasdan ang ginintuang-kayumanggi kong buhok na umabot lagpas ng pwetan. "Napaka hirap niya suklayin pero sulit ang kinalabasan."

We are both wearing a tea-length dress but in different colors. I'm wearing white while Misty has navy blue. Dahil sa ayos ko ay mas lalong nakita ang mga tuldok ko sa buong mukha hanggang balikat. Huminga ako ng malalim at naibaba ang tingin sa kamay ni Misty na pumalibot sa bewang ko. Sumandal siya sa balikat ko at masayang nakatingin sa akin sa salamin.

"Gakane... I'm sorry for ignoring you before. Sana katulad ko ay hindi ka magsawa na maging kaibigan ako." Aniya sa mahinang boses. "I'm sorry for making you worried a little while ago..."

"Please, Gakane, I want to stay us friends, dito o makalabas man tayo ng akadamya."

Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at inalis iyon. Napatayo siya ng tuwid at napatingin sa'kin. Itinutok ko ang kadena sa kanyang dibdib at unti-unting inalis ang nakapalibot na kadena. Napasinghap siya at nagulat sa akin ginawa.

"B-bakit mo inalis?"

Nang dumikit ang kadena sa pulseras ko ay 'saka ko siya tinignan sa mga mata. Tatlong buwan pero hindi ko parin kayang pagkatiwalaan ang babaeng kasama ko. Tatlong buwan na pero hindi ko kaya maging tapat sa kanya. Maiksi akong ngumiti.

"I trust you," mahinang sabi ko. "Please don't break it."

Misty, mahirap mag tiwala. Mahirap magkaroon ng totoong kaibigan dahil mahirap kung gugustuhin iyon ng tao. 3 weeks ago when Sweet and Axalus told me about the selective amnesia, alam kong totoo ang sinasabi nila dahil simula ng may maramdaman ang puso ko ay ramdam kong malapit ako sa kanila noon pa. Bukod sa kanila, I want Misty to be one of them, she helped me a lot kahit na minsan gusto ko siya lunurin sa lawa ng Girig Wall.

Napangiti ang babae at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Naramdaman ko ang saya sa puso ng marinig ko ang saya sa kanyang tono. 

"I promise, Kane, I'll be your forever and ever-loyal friend!"

Tumunog ang kampana kaya lumabas na kami ng kwarto. Napahinto kami at pinauna ang mga kasama sa paglalakad. Nang iilan na lang ang natira ay nakisabayan kami kila Sweet. Napalingon silang dalawa ni Sapphire sa'kin at kita ang gulat at mangha.

"Is that you, Garelle Kane? Your hair is freaking long!" Bulalas ni Ramos at huminto sa harapan ko.

Sapphire Valerie Ramos with her purple tea-length dress looks fancy and sexy because it fits her body. Nakagilid ang nakatali nitong buhok at kulay lila at itim ang kanyang maskara. Sweet is wearing a black tea-length dress and black necklace. Ang kanyang maskara ay ginto at nakakulot ang dilaw na buhok.

"Ang gaganda n'yo naman," naiinggit na komento ni Misty.

"Maganda ka rin naman, Misty!" Balik-puri ni Ramos. "Osiya, tara na!"

Nang makababa kami sa hagdanan ay naramdaman ko ang presensya ng aming mga kasama. Sabay-sabay silang napalingon sa amin at alam kong alam nila na ako ang nakasuot sa puting damit na ito dahil ako lang naman ang maraming tuldok sa mukha.

"Your hair is pretty long," komento ni Jobo ng madaanan ko siya.

"Ghad! Garelle kane is beautiful! Bakit hindi n'yo siya purihin ng buo?!" Inis na wika ni Misty. "Matagal ng maganda ang kaibigan ko, 'no!"

Walang nagsalita sa kanyang sinabi at tahimik na lumabas nalang ng bahay ang lahat. Patago akong huminga ng malalim at tumingala sa nagdidilim na langit. Naibaba ko ang ulo at napalingon sa lalaking tumabi sa'kin. Parehas ang kulay ng aming suot.

"You look good, Garelle Kane." Papuri niya. "Ang ganda naman ng kapareha ko."

"What about me?" Pagsingit ni Misty.

"You're beautiful," wika ko. 

"Gorgeous!" Dugtong ni Axal.

"Everyone is beautiful!" Sabi ng aking kaibigan sa malakas na boses. Napangiti ako at tumingin sa harap.

"She looks happy, eh?" Bulong ng lalaki na hindi ko naman tinugon.

Malayo palang ay kita na namin ang mailaw na auditorium. Napasulyap ako kay Rucklam ng hawakan niya ang braso ko at ipinaikot sa braso niya.

"Make this night memorable, Gakane."

Nawala na sa tabi ko si Misty at nagsimula ng magsipilahan ang mga tao. Normal na nahati sa apat na grupo ang pila at dahil laging huli ang aming grupo ay nagpahuli kaming papasok ni Rucklam. Humangin ng kaunti kaya nakaramdam ako ng lamig. Mamaya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-init ng looban ko at napalingon kay Axalus. Kasunod nun ay sunod-sunod na singhap at bulongan.

"Ang buwan!"

Napataas ang tingin ng lahat sa langit dahil sa sigaw na iyon. Kumislap sa aking mata ang liwanag ng bilog na buwan. Mas lalong uminit ang aking nararamdaman. Napasinghap ako ng pilit na pinipigilan ang sarili magpakawala ng kakaibang lakas.

"Please proceed to the auditorium immediately." Anunsyo na agad namang sinunod.

Nang makapasok ang lahat ay biglang nagsara ang mga pinto ng gusali. Nawala na rin ang init na aming nararamdaman.

"Grabe, ang hirap magpigil." Rinig ko sa kung sino.

"Bryne, are you okay?" Boses iyon ni Aurum.

"My water almost come out."

Inilibot ko ang paningin sa paligid at napansin ang kulay ginto at abo ng desinyo. Makulay at masigla ang kapaligiran ngunit nabigla ang lahat ng mayanig ang lupa. Hindi ko napigilan mapakapit kay Rucklam. 

Ilang minuto ang lumipas at nag-iiba ang paligid. Mas lalong lumalawak, ang mga metal ay naging bato, ang sahig ay naging marble, ang mga ilaw ay naging sulo, at isang malaking aranya na nakalutang sa gitna ng kisame. Kulay lila ang bandila na nakadikit sa bawat pader.

Bumilis ang tibok nng puso ko. Nanlaki ang mga matang inilibot sa kabuonan. Parehas kami nanigas ng aking kapareha habang rinig na rinig ang saya, bulongan, at puri ng mga tao. Wala na kami sa akadamya at napunta sa isang kastilyo. Bumitaw ako kay axalus at nanakit ang pusong tumitingin sa bawat sulok.

This... this reminds me of the past... this...

Nakaramdam ako ng bukol sa lalamunan at napatigil sa paglalakad. Hindi ko alam ang gagawin at napahawak sa ulo ng may pumasok na iba't ibang imahe.

"Garelle Kane!" Nag-aalalang paglapit sa'kin ni Misty.

Napayuko ako at pinipigilan ang sarili na umiyak. Pinipigilan ang sariling magwala. Pinipigilan ang sariling... malungkot.

"Gakane." Paglapit din ni Axalus at hinawakan ako sa braso. "Mag-uumpisa na ang sayaw."

"H-huwag mo siyang hahayaan mag-isa please." Rinig kong sabi ng kaibigan.

"I will, bumalik ka na sa kapareha mo."

Nang maramdaman kong umalis na si Misty ay napakapit ako sa lalaki. 

"It flashbacks, right?' Bulong ng dating kaibigan.

"They destroyed this... b-bakit nila binabalik?" Ubos hininga kong sambit. Napakuyom ako ng kamao at nakaramdam ng galit sa Headmaster. "Who the fuck is the Headmaster?" Nangangalit kong bulong. "I will kill him the next time we see him!"

Narinig namin ang count down at pag-aayos ng kanilang pwesto. Ang sayaw na ito ay hindi lang ganoon-ganoon dahil bawat pagtama ay magkakaroon kami ng puntos. Imbes na kimkimin ko ang nararamdaman ay pinakawalan ko iyon at hinayaan sakupin ng lamig ang puso. Wala sa sarili akong sumayaw kasama ang binata. Hinayaan ko siyang pagalawin ako dahil ramdam ko ang pamamanhid ng katawan ko.

"You need to calm down, Gakane." Aniya.

Lumukot ang mukha ko at pinigilan ang sarili na magsalita dahil paniguradong masama ang lalabas na salita. Hindi man nakakaramdam ng galit pero sobrang bigat ng aking puso.

Natapos ang sayaw at pinagilid kaming lahat dahil nagsisimulang mabuo ang mga lamesa, upuan, pagkain, at chocolate fountain sa gitna. Bawat lamesa ay may nakalagay na maliit na bandila para doon uupo ang nakatagang grupo. Bilog ang kristal na lamesa at walong upuan ang nakapalibot dito. Hinila ako ni Axalus papunta sa napiling upuan nila Misty.

"Thank you for your wonderful dance, everyone."

Kinagat ko ang ilalim na labi para pigilan ang sarili ng marinig ang boses ni Headmaster. This man is really something. Something stupid!

"Kane are you okay?" Lingon sa akin ni Misty. Hindi ko siya sinagot.

"Please eat first and you can wander around after."

"Gusto mo kuhaan kita ng pagkain?" Pagtatanong ulit nito.

"Hindi na," pilit kong kalmang sabi at tumayo.

Papunta sa lamaesa ng pagkain ay napaligon ako sa maliit na entablado sa harapan na katabi ng isang mahabang hagdanan. Kumuyom ang kamao ko ng magtama ang paningin namin ng lalaking nagmamay-ari ng akadamaya.

"Garelle." Pagtawag sa akin ni Misty.

Pagkakuha ng pagkain at makabalik sa kinakaupuan ay nagsimula na naman silang magkuwentohan. Napunta ang tingin ko sa direksyon ni Aurum dahil sa pagiging mabagal niya kumain. Kulay rosas ang kanyang suot at nakapaikot ang buhok pero may iilang hibla sa mukha. Napansin siguro niya ang tingin ko kaya napatingin siya sa'kin na kinaiwas ko agad.

Sumandal ako sa upuan ng matapos kumain at nakinig sa kanilang usapan. Inilibot ko muli ang paningin sa paligid at napansin ang mga butas palabas dito. Wala sa sarili akong napatayo na kinalingon nila sa akin. Dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakatayo malapit sa hallway habang ang mga mata ay nakatingin din sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng may maramdamang kakaiba.

"I'm finish," banggit ko nang hindi hinihiwalay ang tingin sa taong nakatayo malapit sa hallway.

 Ang lalaking iyon ay may pares na kulay kahel na mga mata. Nangunot ang noo ko ng papaalis siyang nakatingin sa'kin.

"Gakane saan ka pupunta?"

Hindi ko sila pinansin at mabilis na sumunod sa lalaki na lumabas sa loob ng okasyon. Hindi ko mapigilan ang sarili na makaramdam ng lungkot at pag-asa. Nang makita ko siyang naglalakad pa rin sa hallway ay walang pagdadalawang isip akong tumakbo kahit na may suot akong tatlong pulgada na takong.

"Sandali!" Sigaw ko.

Lumiko ang lalaki kaya mas lalo kong binilisan ang takbo. Nagsisimula na rin magulo ang buhok ko. Shit man! Bakit ang bilis mo maglakad? 

Nang makaliko ako ay nakita ko siyang pumusok sa isang pintuan. Nakaramdam man ako ng pangamba ay itinuloy ko pa rin ang pagsunod sa lalaki. Napatigil lang ako ng makilala ang pintuang kaharap ko. Sumikip ang dibdib ko at hindi ko napigilan kagatin ang labi dahil para pigilan ang sariling umiyak.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa madilim na silid. Nanigas ako sa kinakatayuan ng tuluyan na sumara ang pintuan. Pares na kahel na mga mata ang sumalubong sa'kin.

"It's nice to see you grown up... Garelle kane..." Wika niya sa mabagal, malambing pero malalim na boses. 

Nanindig ang balahibo ko at nakaramdam ng pangungulila. Gusto ko mang hawakan siya ay pinigilan ko parin ang sarili.

Tinanggal ko ang maskara sa aking mukha at suminghap ng malalim para pigilan ang sarili na umiyak. Kinuyom ko ang kamao habang pinipigilan ang puso na makaramdam ng kirot dahil naninikip iyon sa sakit habang nakatingin sa kahel niyang mga mata.

"Don't you miss me?"

Mahina akong natawa sa lambing at lamig ng kanyang boses.

"Ang lakas ng loob mo magpakita," nanginginig kong sabi sa lalaki. "Ang kapal ng mukha mo para magpakita."

Umusbong ang galit, lungkot, sakit, at pangungulila sa aking puso. Nasasaktan at nahihirapan. Ito ang dahilan kung bakit hiniling kong maging manhid ang puso... dahil ayoko masaktan, ayoko umiyak, ayoko makaramdam ng awa at takot, pangamba at pag-aalala.

Naramdaman ko ang paglayo niya kaya napalayo rin ang kahel na mga mata. Narinig ko ang buntong hininga niya at ipinikit ang mga mata kaya nawala ang umiilaw na mga mata.

"Hindi ko sinasadya.."

Kalokohan!

Nanginig ako sa sobrang galit at sakit na nararamdaman. Iniyuko ko ang ulo para hindi makita ang kahel niyang mata.

"Sana.. sinama mo nalang din ang kapatid mo..." nanaghihina kong saad.

"Alam mong hindi pwede,"

"Sana ako nalang sinama mo!" Pagpipigil kong sigaw at hinarap sya. "Kung sinama mo ako, sana ay hindi ako nahihirapan ng ganito!"

"Alam mong bawal..."

"Fucking laws!" Timpi kong singhal.

"Lynslay... I'm---"

"Shut up! I-I'm not Lynslay.." Nahihirapan kong sabi. "Please gone! I don't want to see you anymore. The day you left us is the day I forget you."

"GARELLE KANE!"

Sigaw iyon mula sa labas.

"Just leave! Please..." Timpi ko sa lalaki at pinipigilan ang sarili na humagulgol sa harapan niya. He doesn't deserve my tears! It's just a waste! "Just vanish as you did before!"

Ang umiilaw niyang kahel na mga mata ay nadagdagan ng pula, bigla akong nakaramdam ng kaba.

"I'll be back no matter how much you hate me," seryoso niyang sabi na kinakirot ng puso ko. "Babalik ulit ako kapag sumapit ang unang bilog na buwan sa susunod na taon."

"No..."

"I'm everywhere, Garelle kane, hindi mo ako matatakasan kahit na gustuhin mo pa."

That was the last word before he vanished. Paulit-ulit akong huminga ng malalim para mawala ang bigat na dinadala. Naririnig ko pa rin ang pagtawag mula sa labas. Huling huminga ako ng malalim at kinuha ang nahulog na maskara bago iyon sinuot at lumabas ng silid.

"Oh my ghad!" Gulat na bulalas ni Dyx ng muntikan na kami magkabanggaan. "Hala! Why did you entered there? Baka pagalitan tayo!"

Hindi ko sinagot ang bakla at napagalaw ng kaunti dahil sa biglaang pagyakap ni Misty. 

"Nandito ka lang pala!"

"We found her!" Sigaw ni Dyx.

"Great! May nakita kaming malawak na harden sa malapit kaya puntahan natin." Pagsabi ni Aurum tiyaka kami tinalikuran at sinundan siya.

"Anong ginagawa mo roon?" Tanong ni Misty habang nakasabit sa braso ko.

"Tapos na kayo kumain?" Pagpapalit tapiko.

"Oo, tinapos muna namin bago ka hanapin."

Nakarating kami sa harden at sumalubong ang gabing lamig. Umupo kami sa upuan na gawa sa marble at si Dyx, Jobo, at Axalus ay umupo sa damo. Katabi ko sa kanan si Misty at sa kaliwa si Sweet. Magkatabi naman ang magpinsan.

"Dito nalang tayo hanggang matapos ang oras natin..." Wika ni Dyx habang nakatingala sa langit. Kitang-kita ang malaking buwan.

"Bakit hindi tayo naapektohan ng buwan?" Tanong ni Misty.

"Guarded by Headmaster." Sagot ni Aurum. "Sinabi na sa'min na ganito ang mangyayari."

Tahimik akong nakikinig sa kanila at pasimpleng humihinga ng malalim. Naramdaman ko ang malambot na pagkakahawak sa'kin ni Misty at sumandal sa balikat ko.

"I really like this kind of moment," Aniya na para bang ipinaparinig sa'min. "Sana ganito tayo magkakalapit."

"Pwede naman," Tugon ni Sweet.

"We can be this close, Misty. Sana lang ay hindi iyon baliwalain ng isa riyan." Pagpaparinig ni Aurum.

Titig na titig ako sa buwan at ng marinig ang sinabi ni aurum ay nakaramdam ako ng inis.

"Name me, masyado ka namang takot." Aniko. She scoffed.

"Calm down, guys. Dapat gawin natin itong magandang simula!" Deklara ni Jobo at tumayo. "Napagdesisyonan kong maging parte ng buhay n'yo kaya sana kayo rin!"

Kumirot ang puso ko at napaiwas ng tingin sa lalaki.

"Great! Pangatlong buwan na natin kaya we need to create a friendship group! Iyong real ba." Pagdagdag ni Rucklam.

Sinulyap ko si Sweet at napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Maybe we should create new friends bago hanapin ang iba naming kaibigan?

"Please stand up to those who want to join this real friendship group!" Aniya ng bakla at tumayo.

Sabay na tumayo si Sweet at Misty, magkasunod naman ang dalawang pinsan. Napatingin silang lahat sa'kin na para banag inaasahan na nila iyon.

"I guess Garelle Kane never likes being part of our group." Saad ng prinsipe.

Sumandal ako sa upuan at inalis ang maskara. Tinignan ko silang lahat at ngumiti kahit sa loob-looban ay nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan.

"Sasali ako," pagsabi ko at tiningala ang buwan. "Let's be friends under the moon."

Narinig ko ang masaya nilang singhap at nagulat ako ng yumakap sa akin ang lahat. Hindi ako makagalaw at hinayaan sila na daganan ako.

"I think it is a sincere one so let's appreciate it!" Natatawang sambit ni Jobo.

"We are friends now, huh! Sana huwag na tayo magkasakitan." Sabi ni Misty.
"Please treat Gakane as a human too!"

"Ghad, we treat her like that!" Pagsagot ni Dyx.

"Alright! It's nice to have you all!" Pahayag ni Arao.

Masaya silang nag-uusap usap nang pumasok ang isang tanong sa'king isip.

Bakit nga ba sinundan ko pa siya kung pwede ko naman baliwalain? 

Because you miss him...

Malungkot akong napangiti sa naisip. Holding myself back then is very hard. Imbes na sabihin ang nararamdaman ay tinabunan ko iyon ng galit.

Sinulyap ko ang isa sa mga lalaking nakikipag usap sa mga bago kong kaibigan. Hindi ko man sila tuluyan na tanggap ay susubukan ko. Masaya siyang nakikipag-usap habang ako ay pinipigilan ang sariling huwag siya tanungin tungkol sa kanyang kapatid.

"Kane?" Pagkuha ni Misty sa atensyon ko.

"Bakit?"

"Are you okay?"

Nginitian ko ang kaibigan para itago ang lungkot. You can't read me, Misty. No one can read me because of my eyes.

"I'm okay."

Nakuntento ang kaibigan at inihilig ang ulo sa balikat ko.

"If you have a problem, please don't hesitate to tell me, Garelle Kane. I'll listen and understand you." Malambing niyang sabi.

Suminghap ako ng hangin at ipinikit ang mga mata ng maramdaman ang hangin. Misty reminds me of someone. That's why I can't forget her. I'll never forget her.

___________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

54.4K 838 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
6.4K 508 50
[Zone Series #1- To Hide] BLURB: A purely fiction novel made by Misstakes wherein an over-population place was seen as horrible. All of the people w...
16.4K 770 32
(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic...
2.5K 144 32
ENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: Novem...