Recursion

By TheLadyInBlack09

67.5K 5.3K 579

Isang sikat na horror and suspense writer si Junica. Pero mula nang mangyari ang isang aksidente ay nahirapan... More

Prologue
Chapter I
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
CHAPTER XXII
CHAPTER XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
CHAPTER XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
CHAPTER XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Pre-Final Chapter
Final Chapter

Chapter II

2.1K 154 9
By TheLadyInBlack09

Nang maisarado ko ang pinto ay inilibot ko ang mga tingin sa buong kwarto. Malaki iyon at pwede pag-stay-an ng hanggang apat na tao. May sarili ring banyo, maliit espasyo para sa kusina kung saan ay may divider na nakaharang, maliit na lamesa sa may tabi ng kama, at ang pinakapaboritoko sa lahat ay ang sulok na malapit sa bintana. May isa pa kasing lamesa do'n at swivel chair. Tamang-tama para sa ipinunta ko sa lugar na ito. Ang pagbabakasyon at pagsusulat.

Dumiretso ako ng upo sa may gilid ng kama kasunod ang pagbukas ng hindi kalakihang maleta na dala ko. Sinimulan ko na ring ilabas ang mga gamit ko mula doon. Mga isang buwan lang naman ang plano ko na manatili dito. Siguro naman ay sapat na ang mga dala ko para makapag-isip o simula ako ng isang bagong nobela.

Kilala ako bilang isang sikat na nobelista sa Maynila. Mga madudugong nobela na kung hindi brutal ang pagpatay na nangyayari sa mga character, ay hanapan naman kung sino ang totoong pumapatay at sino ang mga totoong biktima. Sa totoong buhay kasi ay maraming demonyo ang nagpapanggap na anghel at maraming inosente ang napagkakamalang kriminal. Kaya ang gusto ko ay alisan sila ng mga maskara kahit sa sariling mundo ko man lang.

Karamihan din sa mga libro ko ay naisa-pelikula na rin. Pagdating sa katatakutan, hindi iyon masyadong tinatangkilik sa pelikula lalo na dito sa Pilipinas, pwera na lang kung sikat ang mga artista na gumaganap. Kaya hindi ko alam kung paano nagiging blockbuster ang mga isinusulat ko kahit hindi sobrang sikat ang mga artista lalo na no'ng umpisa. Hanggang sa mga sikat na direktor at producer na ang kumuha ng mga nobela ko, sikat na rin na artista ang mga gumanap sa mga character na dati ay nasa loob lang ng isipan ko. Mas lalong naging mabenta ang movie adaptation ng mga nobela ko. Ang sabi nga nila, kapag narinig daw nila na mula sa librong isinulat ni 'Junica Alcantara' ang upcoming horror movie, kahit sino pang artista ang gumaganap ay paniguradong blockbuster na naman iyon.

At sa mga sumunod na libro ko ay mas lalo akong nakilala dahil sa pagiging best seller nito sa mga bookstore. Palaging in demand at out of stock. Kaya lalo ring pinag-aagawan ng mga kilalang producer ang mga sinusulat ko.

Pero nitong nakaraang taon lang ay bigla na lang akong nagising na parang hindi ko na alam kung ano ba ang susunod kong isusulat. Akala ko no'ng una ay tinatamad lang ako at kailangan ko ng pahinga. Minsan na rin kasing nangyayari sa akin 'yun. Pero ang ilang araw na pagkatulala ko sa harap ng laptop ay umabot ng mga linggo at buwan. Hanggang sa wala na akong na-release na libro sa taon na 'yon. Sobra rin ang panghihinayang ng publishing company kung saan ako nagsusulat dahil marami ang nag-aabang sa susunod na nobela ko. Kadalasan kasi ay nakakatatlong labas ako ng libro sa loob ng isang tao. Pero nitong nakaraan, wala talaga ni isa.

Pero pinilit ko naman eh, sadyang wala lang talagang mapiga na kahit na ano ang isipan ko. Naging moody rin ako at halos wala ng kinausap na mga kaibigan o kakilala sa writing industry. Hanggang sa madala ko na rin niya iyon sa loob ng bahay namin. Naging mainitin ang ulo ko na dinagdagan pa ng ilang beses na pagre-remind sa akin ng mga magulang ko tungkol sa visa application ko, na sila lang naman talaga ang may gusto. Dati pa kasi nila ako pinapasunod sa tita ko na nasa Italy. May negosyo kasi sila do'n na gusto nilang ako ang magpatuloy kahit wala naman akong kahilig-hilig pagdating sa gano'ng bagay.

Ang ilang buwan na hindi ko pagsusulat ay umabot ng mahigit isang taon. At nitong nkaraang buwan lang ay nakita ko sa internet ang tungkol sa Sitio San Vicente. Isang maliit na bayan sa Norte na hindi masyadong kilala pero masarap pagbakasyunan dahil sa tahimik na lugar, mapunong paligid at mababait na mga tao. At ng mga oras na 'yun ay gumaw ako ng desisyon. Lalayo muna ako para makapagsulat.

Napahinto na ako sa ginagawa kong paglalabas ng mga gamit. Nahawakan ko ang isang picture frame kung nasaan ang litrato ko kasama ang mga magulang at nakababata kong kapatid na si Angel. Wala sa loob na napangiti ako. Nakaka-miss na kaagad sila. Lalo na ang kapatid ko.

*****

"Hindi ka na naman daw pumunta sa appointment mo for your visa application." Bungad sa akin ni Mama nang makauwi ako sa bahay, mula sa ilang oras na pagtambay sa coffee shop para sana magsulat, pero kagaya ng dati, nakatatlong kape na ako pero blangko pa rin ang laptop ko.

"Junica, kinakausap ka ng Mama mo. H'wag mo kaming lampasan para magkulong na naman ng buong maghapon d'yan sa lintek na kwarto mo." Ang boses ni Papa na nagpahinto sa gagawin kong pagpihit dapar ng door knob ng kwarto ko. "Bumalik ka dito at humarap ka sa amin kapag kinakausap ka namin."

Nagbitaw ako ang ng malalim na buntong hininga bago tumalima sa kanya at naglakad pabalik sa sala. Actually, kahit hindi ko naman sila harapin o pakinggan ay alam ko na ang sasabihin nila sa akin. Alam ko na kung tungkol saan na naman ang mga sasabihin nila.

"Ano ba talagang plano mo, Junica? Ilang buwan ka nang paulit-ulit na ganito. Lumalabas at uuwi para magkulong na naman d'yan sa kwarto mo," sabi ni Mama. Mahinahanon ang kanyang boses.

"Hindi pwedeng habambuhay ka na lang na ganito. Tumatanda ka na. Pero parang wala pa ring direksyon 'yang buhay mo!" dugtong kaagad ni Papa na nagsisimula nang tumaas ang boses.

Hindi ko alam kung ano'ng ibig nilang sabihin na 'ganito'. 'Yung 'ganito' ba na walang akong stable job, isa lang akong freelance writer para sa kanila, walang negosyo na kagaya nila, graduate ng business management pero walang sariling negosyo o kung ano-ano pa. Hindi ko na alam kung ano'ng ibig nilang sabihin. O pwedeng alam ko rin pero ayoko lang intindihin.

Kilalang abogado si Papa, si Mama naman ay may malaking negosyo ng mga pabango at alahas dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. At alam kong ikina-kasama ng loob nila na isa man lang sa propesyon nila ay hindi ko nakuha.

Pinilit nilang akong mag-take ng AB Political Science, at nasa ikalawang taon na ako nang sabihin ko sa kanilang hindi para sa akin ang course na 'yun. Pinayagan nila akong mag-shift pero sa kurso rin na gusto nila, Business management.

Unang taon pa lang ay tinatamad na kaagad akong mag-aral. Wala naman akong bagsak na grades pero hindi ko rin pinag-eeffort-an na makakuha ng mataas na grades. Siguro gano'n talaga kapag ipinilit lang sa 'yo ang isang bagay na hindi mo naman talaga gustong gawin. Communication Arts talaga ang course na gusto kong kunin, ayaw pareho ng mga magulang ko. Ano raw ba ang magiging trabaho ko pagkatapos kong mag-aral? Ano raw ba ang mapapala ko sa pagsusulat? Ano raw ba ang ipapakain sa akin kapag naging isang ganap na akong manunulat? Kaya ang ginawa ko na lang, habang nagpupursige ako sa pag-aaral sa kursong hindi ko naman talaga gusto, ay nagsulat ako sa mga online platform. Kahit paano kasi, sa mga online platform pakiramdam ko ay natutupad ko na ang pangarap ko. Ang maging isang ganap manunulat. Doon din ako nagsimulang makilala ng mga taong nagbabasa ng mga nobela ko. Marami akong natatanggap na positive comment. Meron ding negative. Pero siyempre, mas pinapansin ko ang mag positibo. Sa pagsusulat na nga lang ako nagiging masaya, palulungkutin ko pa ba ang sarili ko ng dahil lang sa mga taong gusto akong hilahin pababa?

Natapos ko ang pag-aaral ko na walang ako ibinabagsak na subject. Sinabihan kaagad ako nina Mama na ayusin na ang mga papeles ko dahil gusto raw akong kunin ng isang tita ko sa Italy para mamahala ng isang negosyo niya do'n na kasosyo si Mama. Humingi ako ng ilang buwan na pahinga. Kahit ang totoo, ayoko talaga umalis ng bansa, ayokong magtrabaho sa malayo at mas lalong ayokong mag-negosyo.

Pumayag naman sila sa bakasyon na hinihingi ko. Gamit ang ipon ko ay nagbakasyon ako ng mag-isa. Hindi pala ako mag-isa dahil sa lahat ng tabing dagat at bundok na pinuntahan ko dito sa Pilipinas ay dala-dala ko ang laptop ko. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang isipin ang sarili ko at ang mga sinusulat ko. At dahil focus din ako ng mga oras na 'yun sa pagsusulat ay mas nakilala ako sa social media. Mas marami kasi akong naisulat. Kaya unti-unti ay dumami ang mga followers ko sa mga online writing platform.

Patapos na ang huling buwan ng bakasyon ko. Ang sabi ko sa sarili ko, oras na talaga siguro para bitawan ko ang pagsusulat at mag-focus sa totoong mundo na matagal ng gustong ipamulat sa akin ng mga magulang. Lalo na at araw-araw pinapaalala sa akin nina Mama at Papa kung ano ang dapat kong maging buhay at trabaho. Nag-aayos na ako ng resume ko. Balak ko nang simulan ang pag-aapply ko pagbalik ko ng Maynila. Pero biglang nagbago ang mga plano ko nang makatanggap ako ng isag e-mail mula sa isang kilalang publishing company. Ini-invite nila ako na maging part ng company nila at i-publish ang mga as book ang mga nobela ko. Iyon ang simula ng lahat and the rest is history.

Naging sunud-sunod na ang mga offer sa akin paglabas pa lamang ng unang libro ko. Siyam na libro ang naisulat ko sa loob ng tatlong taon at halos lahat ay naisapelikula at teleserye na. At dahil kumikita na ako ng sarili kong pera, hindi ako muli pang pinilit ng mga magulang ko na magtrabaho o mag-negosyo. Hindi nila akong pinilit na gawin ang mga bagay na ayaw ako pero hindi rin nila ako sinuportahan. Hindi nila sinuportahan ang pagsusulat ko.

Si Angel... Ang nag-iisa at nakababata kong kapatid. Sa pamilya namin, siya lang ang sumusuporta sa akin. Kahit 7 years old pa lang siya, ramdam ko na ang buong pagmamahal niya.

"Junica? Ano?! Palagi ka na lang bang ganyan kapag kakausapin ka namin?" bakas sa boses ni Papa ang labis na pagkainis at pigil na galit.

Hindi ko alam kung saan ba sila nagagalit. Dahil ba sa hindi ako makapagsulat at walang akong kinikita na sariling pera, o dahil ayokong sumang-ayon sa gusto nilang pumunta ako ng Italy para tulungan ang Tita ko sa negosyo namin do'n. Pero baka pareho.

Bwiset na Writer's Block kasi ito. Bakit kailangan na ako pa ang pag-trip-an?!

"Makinig ka kapag kinakausap ka namin, Junica. Hindi pwedeng palaging ganyan," muling sabi ni Papa.

"Nakikinig naman po ako," mahinang sagot ko.

Umupo na si Mama sa tabi ko. Ramdam kong kalmado na siya dahil ayaw niyang sabayan si Papa na nagsisimula na talagang uminit ang ulo. Kahit ang totoo, palagi namang mainit ang ulo niya sa akin. "Baka kailangan mo lang ng bakasyon sa pagsusulat. Kung... Kung pupunta ka ng Italy, baka sakaling do'n mahanap mo ulit ang inspirasyon mo."

Saglit kong nakagat ang labi ko bago bumuntong hininga. Alam ko naman ang sitwasyon namin ngayon. Ang sitwasyon ko. Tapos na ako sa pag-aaral at ibig sabihin, tapos na rin ang responsibilidad nila sa akin. Ngayon, ako naman ang may responsibilidad sa pamilya na 'to. "Magpapahinga po muna ako," sabi ko bago tumayo at naglakad.

"Magpapahinga ka na naman?!" habol sa akin ni Papa.

"'Pa, tama na." Mas mahinahon na ang boses ni Mama ngayon dahil alam ko na mas galit na si Papa.

"Eh 'yang anak mo, wala ng ibang ginawa kung hindi ang talikuran tayo sa tuwing kinakausap natin siya! Napakabastos na bata. Wala na ngang naitutulong dito sa bahay, hindi pa marunong makinig. Saan ba talaga nagmana ang batang 'yan!?"

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa kwarto dala ang laptop ko. Narinig ko pa ang ibang pang sinisigaw ni Papa.

Pabigat na anak.

Walang direksyon ang buhay.

Walang kwenta ang pangarap.

Pagkatapos kong isarado ang pinto ay dumiretso ako sa kama. Niyakap ang malaking unan at sinubsob doon ang mukha, bago tuluyang pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong magwala mula sa mga mata ko.

Tahimik akong umiyak habang ang puso ko ay parang dinudurog na dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Kilala ako bilang isang sikat na manunulat na mahilig manakot at magpakaba ng mga readers ko. Sa mga booksigning event at premiere night ng movie adaptation ng mga nobela ko, palagi akong nakikita ng marami na nakangiti. Hindi ko alam kung napapansin ba nila na palagi ring malikot ang mga tingin ko. Dahil hinihiling ko na sana ay makita ko sa event alinman kayna Papa at Mama, na kahit kailan ay hindi nangyari. Kahit kailan ay hindi nila ko sinuportahan sa gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi nila sinuportahan ang pangarap ko.

"Ate..."

Kaagad kong pinunasan ang mukha kong basa ng luha nang marinig ko ang boses ni Angel. Ang nag-iisang kapamilya kong palaging nagpaparamdam ng pagmamahal niya sa akin. Ang nag-iisa at nakababata kong kapatid. Malalim akong bumuntong hininga bago hinarap si Angel na hindi ko namalayang pumasok na pala ng kwarto ko.

"Oh bakit?" nakangiting tanong ko bago ko siya niyakap nang lapitan niya ako.

"Umiiyak ka ba?" inosenteng tanong niya. 7 years old pa lang siya pero pakiramdam ko ay hindi bata ang kausap k kapag siya ang kasama ko.

"Hindi 'no, bakit naman iiyak ang ate?" nakangiting sagot ko habang pinipigilan ang muling pagwawala ng mga luha ko.

"Talaga? Libre mo nga ako ng McDo Fries, kung hindi ka talaga umiiyak."

Tuluyan na akong napangiti habang unti-unting nawawala ng kirot sa may dibdib ko. Hinaplos ko ang mukha ni Angel kasunod ang mahigpit na yakap sa kanya. Alam na alam talaga niya kung paano pagagaanin ang loob ko.

*****

Bumalik ang gunita ko sa kasalukuyan dahil sa biglang pag-ring ng cellphone kong nasa ibabaw lang din ng kama. Kahit hindi ko 'yon abutin, alam ko si Mama ang tumatawag kaya hinintay ko munang huminto iyon sa pag-ring. Hindi nga ako nagkamali ng kunin ang cellphone ko. May sampung missed call na siya mula kaninang tanghali. Nag-text na lang ako na nasa apartment na ako at bukas na lang ako tatawag dahil napagod akong mag-drive bago muling binitawan ang cellphone.

Tumayo na ako at nakangiting inilagay ang hawak kong picture frame sa ibabaw ng maliit na tokador na malapit sa kama ko. Inilagay ko rin do'n ang isa pang picture frame kung nasaan ang litrato naming dalawa ni Angel.

Isang malalim na buntong hininga pa ang binitawan ko. Unang araw ko pa lang siyang hindi nakikita ay nami-miss ko na kaagad siya. Napapailing na muli akong naglakad palapit sa bintana upang ibaba na ang kurtina pero kaagad rin akong napahinto sa plano kong gawin. Wala sa loob na pinatay ko ang liwanag ng lampshade na nasa ibabaw ng katabi kong lamesa.

Mula sa bintana kasi ay kita na ang kalsada sa labas na pinapaliwanag ng mga ilaw sa poste. Nakita ko na naman ang lalaking nakasuot ng maong na jacket. Humihitit-buga sa hawak niyang sigarilyo habang nakatingin sa bahay na kinaroroonan ko. Sa bintana ng kwarto ko. At sa pagpatay ko ng ilaw sa loob ng kwarto ko ay umayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa may poste. Binitawan ang sigarilyong hawak bago iyon inapakan at nagsimulang maglakad palayo.

Hindi ako namamalikmata kanina. Mas lalong hindi ko siya guni-guni lamang. Pero sino ba ang lalaking iyon? Bakit parang sinusundan niya ako?

Continue Reading

You'll Also Like

74.6K 3.4K 21
Si Mandy Cheng ay may sariling mundo. Her world consists of fantasy, horror, and mystery. At hindi uso sa kanya ang mundo ng musika, lalong-lalo na a...
958K 7.9K 24
Alfred wakes up from a deep sleep and finds himself in year 2012, a period quite ahead of his time. His body never changed for he is still a young, 2...
940K 23.7K 43
Sino nga ba ang karapat-dapat na magmana ng Hacienda Barosa?
1.8M 28.2K 78
Mga kwento ng kababalaghan. Ang iba ay pawang imahinasyon lamang ng Author. Ang iba naman ay katotohanan. Tara at ating basahin at tuklasin ang kakai...