The Keeper

By ScarsAreBlind

42.2K 614 86

[Formerly Torn Between Two Icons] A princess who chose not to be named in order to preserve her life, got her... More

PROLOGUE
CHAPTER 1 - We Meet Again
CHAPTER 2 - Girlfriend???
CHAPTER 3 - Hello and Farewell
CHAPTER 4 - Babe ...
CHAPTER 5 - Takbo!
CHAPTER 7 - Devil?
CHAPTER 6 - It's Her Fault
CHAPTER 8 - Andrew Chua
CHAPTER 9 - Target Captured
CHAPTER 10 - Instant Housewife
CHAPTER 11- First Date?
CHAPTER 12 - Getting Along
CHAPTER 13- Who is he?
Chapter 14 - Will you, Corina dear?
CHAPTER 15 - Accident Prone Ka Ba?
CHAPTER 16 - Meet the new Prof
CHAPTER 18 - Rumors

CHAPTER 17 - Hungry? Grab a Snicker!

102 6 13
By ScarsAreBlind

 CHAPTER 17 – Hungry? Grab a Snicker!

MIGS

Katatapos lang ng klase namin for this morning, lunch time na at katulad ng nakasanayan dito kami sa may mini garden kakain ng lunch. Maya maya dumating na ang lunch nila Nikkoz na binilli ng mga 'fans' nila. Ewan ko bas a dalawang ito, kung umasta eh akala mo walang mga pera.

Napasimangot nalang ako nang maamoy iyong pagkain na bitbit ng mga babae para kila Nikkoz. Nasaan na ba kasi iyong devil na 'yon?

Lumipas pa ang ilang minuto ngunit wala pa din si Anne, medyo kinakabahan na ako, paano kung napa-away na naman siya? Pano kung napahamak na naman siya?

Napahawak nalang ako sa dibdib ko, masyado na akong kinakabahan.

"Migs okay ka lang?" napatingin ako bigla sa gawi ni Rico nang marinig ang tanong niya.

"Parang kinabahan kasi ako bigla, baka napahamak na naman 'yong accident prone na babaeng yun." Sagot ko kay Rico.

"Hahaha" Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

"Bakit?" Naka kunot ang noong tanong ko sa kanya.

"Kasi naman ... Hahaha ... Paranoid!!" Kulang nalang ay maglupasay siya sa pagtawa. Pero teka, ako? Paranoid? Sabagay, baka nga paranoid lang ako.

"Tsk." Palatak ko at inis na umupo sa tabi ni Rico. Hihintayin ko nalang siya at hindi na mag-iisip ng kung ano pa.

Makalipas ang mahigit limang minuto ay wala pa din siya. Aba! Anong oras na ah? Nagugutom na ako.

Kinuha ko na ang phone ko at tinawagan na siya. Nakailang ring pa bago niya sagutin. Ano ba ginagawa nito?

"HELLO!" pasigaw kong bati. Hindi ko alam sa sarili ko bakit parang naiinis ako.

"Makasigaw naman 'to. Anong kailangan mo?" Iritang bulyaw niya sa akin.

"Ano ..." ano nga ba sasabihin ko? Mukhang okay naman siya eh.

"Ano? ... Tsk." narinig kong parang naiinis na siya.

"Akala ko kasi kung na paano ka na naman ang tagal mo kasng dumating eh, kanina pa tapos ng klase mo ah? Kanina pa 'ko nag aantay dito."

"Sigh." narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Pumunta na kayo dito matatapos na 'yong lunch, nagugutom na ako ... at saka hindi ka pa din kumakain."

"Ano kasi Migs..."

"Ano?"

"... Anne, tara na para makabalik tayo agad." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ng lalaki na inaaya na si Anne.

"Joseph wait lang, tapusin ko lang to." Pagkasabi ni Anne ng pangalan ni Joseph. Parang bigla ako nakaramdam ng kung ano. Sobrang naiinis ako na 'di ko maintindihan.

"Migs, pahatid ko nalang yung lunch mo ah. Baka 'di na ko makapunt~" 'di ko na siya pinatapos sa pag sasalita, sumabat na agad ako. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa pero pakiramdam ko, parang ang sarap ibato ng cellphone ko.

"Sana sinabi mo kanina pa na hindi ka makakapunta dito kasi may date kayo ng Joseph mo. Kanina pa ko nag hihintay dito. Kanina pa ko nagugutom." Sabay end ng call. Nakakaasar inantay ko pa naman siya. Nag alala pa ako na baka napahamak na siya, 'yun pala kasama niya lang yung Joseph na yun.

Sa sobrang asar ko 'di ko napigilang sipain yung trash can sa tabi ng table na pinag kakainan nila Rico.

Alam kong nagulat sila sa'kin. Maski naman ako nagulat din sa sarili ko. Bakit ba masyado akong affected? Eh ano naman kung kasama niya si Joseph niya? Ang akin lang naman, nag antay ako, tapos nagugutom na ako. Sigh. Iyon nga siguro talaga ang dahilan kung bakit ganito ako mag react. Gutom lang 'to.

Tsk. Napailing nalang ako. Kahit anong pilit ko. Hindi pa din eh. kay Joseph talaga ako naiinis. Aish! Kakain na nga lang ako.

"Rico, may pag kain ka pa diyan?" tanong ko kay Rico.

"Wala. Bakit 'di ka ba dinalhan ng pagkain ni devil mo?" tinignan ko lang siya ng masama habang siya naman ay ngumiti lang ng nakakaloko.

"D'yan na nga kayo." Tumayo na ako at sinimukan nang maglakad papuntang cafeteria. Bahala sila, nagugutom na ako.

"Migs san ka pupunta?" sigaw ni Nikkoz. Di ko na siya pinansin.

"Yaan mo na siya, nag seselos lang yan. Haha kasama kasi ni Anne yung Joseph eh. hahahaha" Pasigaw na kantiyaw ni Rico. Natatakot ata siya na hindi ko marinig kaya isinigaw niya. Mga walang hiya! Nakalayo na ako at lahat pero rinig ko pa din mga halakhakan nila na akala mo ngayon lang nakatawa.

Bahala nga sila. Ako? Selos? Asa!

Nang makarating na ko sa cafeteria, ano pa bang aasahan ko? Eh di s'yempre obstacle na naman. Sigh. Minsan naisip ko nalang, kung hindi lang talaga sila isa sa mga dahilan kung bakit tinatamasa namin ang kung ano mang kasikatan meron kami ngayon eh baka nasigawan ko na tong mga 'to. Sigh. Hinabaan ko nalang ang pasensya ko at pilit na ngumiti sa kanila habang patuloy na lumalakad patungo sa counter.

Matapos kong maka order ng pagkain, nagpalinga-linga ako para makahanap ng mauupuan at hindi ko maiwasang hindi mapahinto ng bahagya ng matanaw ko sa 'di kalayuan si Anne kasama si Franz at isang lalaki na I assume na si Joseph niya.

Sa sobrang asar ko, 'di ko namalayan na naglalakad na pala ako papalapit sa table nila. Badtrip. Wala na 'kong choice. Ayoko namang umupo sa table nila kaya nilagpasan ko sila at nakiupo sa katabing table nila.

"Migs." narinig ko pang bulong ni Anne. Di ko siya pinansin una, dahil badtrip pa ako sa kanya; pangalawa, dahil sa letseng pride ko. Sa halip ay kinausap ko yung mga babae sa katabing table.

"Hi Miss, pwede bang makiupo?" tanong ko sa mga babae na nakaupo dun sa table.

Nakatitig lang sila sakin at halos sabay sabay na tumango. Buti nalang gwapo ako, nadaan sa charm. Umupo ako sa upuan na katalikudan ng upuan ni Anne.

JOSEPH

Maaga akong nag out for lunch, balak kong puntahan sila Anne para sabayang kumain. Medyo matagal na din kasing hindi ko siya nakikita.

Nang makarating ako sa campus ay dumiretso ako sa classroom nila. Huminto ako saglit kasi nakita kong nag lalabasan na yung mga classmates nila, baka wala na sila sa room kaya naman tinawagan ko na si Franz.

Nakailang ring na pero wala pa ding sumasagot. Mukhang naka silent ata ang phone niya kaya minabuti ko nalang na ipagpatuloy ang paglalakad patungo sa room nila at mag babakasakali na naroroon pa sila.

Napahinto ako nang makita silang nakatayo sa loob ng room malapit sa pinto. Lalapitan ko na sana pero natigil ako nang marinig ang usapan nila.

"Tawagan mo. Sabihin mo ano ... busy tayo sa school. Baka makikipagkita yan eh, kanina tinext ako. Franz, please, di niya pwedeng makita tayo na ganto!" narinig kong pag mamakaawa ni Anne kay Franz. Bigla akong kinabahan. Parang may mali, kaya minabuti ko ng magpakita sa kanila.

"Anong di ko pwedeng makita?" tanong ko habang papalapit sa kanila. Napaharap sila sa akin bigla. Natigilan ako ng makita ko sila. There're still traces of injuries on their faces.

"A-ano k-kasi" nauutal pang sabi ni Franz.

Napatakbo ako agad sa kanila.

"Oh my God! Anne! What happened to you? Who did that? Tell me!" nag aalalang usal ko. Bakas pa sa mga mukha nila ang mga pasa at galos lalo na kay Anne. Yumuko lang sila.

"Tell me Franz, is this the reason ba't di ka pumasok last week? Tell me!" I don't know how I sound to her because I put authority on my voice. Halo halong emotions kasi yung nararamdaman ko. I feel useless. Ni hindi ko man lang alam kung ano yung nangyari and worst wala ako sa tabi niya nung nangyari yun.

Tumango lang si Franz. Si Anne nakayuko pa din.

Kinuwento nila sa akin iyong nangyari,actually it was just Franz doing all the talking. I felt ashamed. It really pains me knowing that the one you like was badly hurt and was save by another man. Not just my heart, my ego was badly hurt as well.

Then I felt Anne's hand patted my shoulder.

"Wag ka na mag alala, ayos na naman ako eh, at saka naparusahan na din lahat ng gumawa nito samin." I looked at her and saw her smiled at me. She's really beautiful inside and out.

"Kain na tayo?" gusto ko nalang tapusin ang usapan namin at mag move on. Wala na rin akong masyadong oras dahil kailangan ko pang bumalik ng opisina.

"Tara na gutom na ko!" Sang ayon naman ni Franz.

Palakad na kami ng may tumawag kay Anne. Tumingin siya samin at itinaas yung phone niya sabay talikod at sinagot yun tawag. Sino kaya yun?

Lumayo siya sa amin ng konti kaya hindi ko na narinig kong sino ang kausap niya. Nag usap nalang kami ni Franz pero maya maya nag aya na tong si Franz kaya tinawag ko na din si Anne.

"Anne, tara na para makabalik tayo agad." sigaw ko sa kanya. Humarap siya samin.

"Joseph, wait lang. tapusin ko lang 'to." Sagot niya sakin. Nawala sa isip ko na may kausap nga pala siya sa phone.

Tumango lang ako. Tapos tumalikod ulit sya.

"Migs, pahatid ko nalang yung lunch mo ah. Baka 'di na ko makapunt~" narinig kong sabi niya sa kausap niya.

Migs? Diba yun yung nagligtas sa kanya? Hahatidan ng lunch? Ano bang meron sa kanilang dalawa at kaylangan pang hatiran ng lunch? Tsk.

"Kaasar! Tara na!" Inis na usal ni Anne habang papalapit sa amin. Bakas sa mukha niya ang pagka asar. Pero parang may iba pa kong nababasa sa mga mata niya. Wala sa loob na napakunot ang noo ko. Wag naman sana.

"Bakit? haha nagtalo na naman kayo ni papa Migs?" natatawang tanong ni Franz. Hindi nalang ako umimik. Kahit gusto kong itanong, ayoko rin namang malaman. Baka hindi ko lang magustuhan iyong sagot.

Nang makarating na kami sa cafeteria, pinaupo ko na sila at ako nalang yung umorder.

Nag kwentuhan lang kami habang kumakain.

Maya maya napansin kong napatigil si Anne at parang napako iyong tingin niya sa harapan. Sinundan ko nang tingin iyong tinitignan niya at nakitang isang lalaki iyon na may dalang tray. Hindi ako sigurado pero parang napaka pamilyar ng mukha ng lalaking ito.

"Migs." mahinang sambit ni Anne. Halos pabulong ngunit malinaw ko paring narinig.

Umupo sa likod ni Anne iyong lalaki. Napatingin ako sa iba at halos lahat sila nakatingin dun sa lalaki.

"kyaaahh ... ang gwapo talaga ni Migs no? Ang swerte nga niyang si Anne at Franz eh, lagi nilang kasama ang FlyBlackHearts"

"Eh ba't di sila magkasama ngayon?"

"Baka may LQ? Tiganan mo ibang lalaki kasama ni Anne."

"LQ? Sila ba? Sus if I know pinagsiksikan niya lang sarili niya kay Migs."

"Sabagay may point ka! She's even not that pretty."

Ilan lang yan sa mga naririnig kong usapan ng mga babae dito sa katabi naming table. Nagulat nalang ako ng humarap sa kanila si Franz.

"Hey! Wala na bang ilalakas yang bulungan niyo? Ang hina kasi di ko marinig." Iritang sita ni Franz sa mga babae. Gusto ko sanang matawa sa inasal niya. Franz will always be Franz. Pero medyo na bother ako sa narinig ko. Tinignan ko nalang si Anne. Mukhang wala sa table namin ang utak nya, para kasing nasa likuran niya yung focus niya eh. I smiled bitterly and sighed.

Napayuko nalang ako at ipinagpatuloy ang pag kain. I felt like she's slipping out of my grasps.

ANNE

Bwisit na Miguel Marasigan! Tama bang patayan ako ng Phone? Bastos lang eh. Pinanganak ata talaga iyong lalaking iyon para maging bwisit ng buhay ko. Okay Ana, kalmahan mo na. Si Joseph kasama mo ngayon.

Nakarating na kami ngayon sa cafeteria at pinaupo na kami ni Joseph, siya na daw oorder ng pagkain namin. Napangiti nalang ako at napabuntong hininga.

Si joseph ang kasama ko, pero bakit parang wala na iyong kakaibang pakiramdam dati? Napagod na ba mga red blood cells ko kaka party? Baka naman may mga hangover pa sila dahil napapadalas ang pag paparty nila tuwing kasama ko ang bwisit na si Migs? Ano ba Ana, Migs na naman. Stop it na!

Pag balik ni Joseph sa table namin, pinilit ko nalang munang kalimutan iyong mga muni muni sa isip ko at nakipag kwentuhan na lang ng kung ano-ano kay Joseph habang kumakain.

Okay na sana eh, kaya lang, ano bang naisipan ng lalaking to at napdpad dito sa cafeteria? Ay malamang Ana kakain siya kasi nakalimutan mong ihatid iyong lunch niya. Dang it!

Nakatingin lang ako sa kanya habang papalapit siya sa table namin. Parang gusto ko ata magtawag ng mga santo ngayon ah? Baka magwala to bigla eh, para pa namang bata to pag gutom! Dapat pala talaga tinuloy ko na iyong plano kong pabaunan siya ng snickers eh. Pang bala pag gutom yung anghel na pinatapon sa lupa.

Naglakad lang sya palapit ng palapit. Ineexpect ko na sisigawan niya ko at magagalit siya sakin kasi nakalimutan ko yung lunch niya, tapos kasama ko pa si Joseph. Teka! Eh ano naman kung kasama ko si Joseph? Gumagawa ako ng issue ah. Wag ganun Ana, wag kang assumera! Masakit yan.

Ayan na Ana mag handa ka na. 3 steps, 2 steps, 1 step – wait, nilagpasan niya ako? Bakit parang disappointed ako? Bakit parang ang ewan sa pakiramdam na hindi niya ako pinansin? Bakit?

"Migs" I blurted out his name. Sana 'di nya narinig!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...