Magkabilang Mundo (BOOK1)

Oleh Ly_iasthics

14.2K 548 105

Some fantasy stories begin with unforseen dreams. And then one day, nagising na lamang siya na nasa ibang mun... Lebih Banyak

SINOPSIS
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45

Kabanata 40

146 12 16
Oleh Ly_iasthics

KABANATA 40

PINAGMAMASDAN lamang ni Nikullas ang mahimbing na natutulog na Princesa. Nakahiga ito sa braso niya at nakayakap parin sa kaniya. At, hindi kayang kumawala o umalis man lang ni Nikullas. Gusto na gusto niyang nasa bisig niya si Argara.

Kamukha na kamukha nito si Argon. At, hinahangaan niya si Argara kanina ng nasugatan nito si Brakon kaya ito umalis at naduduwag na kalabanin ang magkapatid. Pinagmamasdan lang niya ang dalaga makipag-laban at katulad noon, hindi niya mapigilan na protektahan ito.

Umangat ang kamay ni Nikullas at hinaplos ng likod ng palad niya ang pisnge ng Princesa. Noon hanggang tingin lang siya dito pero ngayon yakap na niya ito.

Ngumiti si Nikullas. Pero, bumagsak 'yun ng maalala ang batas sa kanilang mundo. Kaya niya bang iwasan ito?

Natataranta na pumikit si Nikullas ng magising ang dalaga. Bakit niya ba ito ginagawa?!

"N-nirhu?"

Naramdaman niya ang pag-hawak ng Princesa sa pisnge niya at pababa sa labi ni Nikullas. Hindi alam ni Nikullas kung pipigilan niya ito o magpapanggap na tulog.

"S-salamat sa lahat, N-nirhu. Sa pag-ligtas sa akin at sa pag-alaga." Bulong ng Princesa sa kaniya.

"Ayoko lang 'yung tinatalikuran ako. Nagalit ako at hindi mo sinukuan ang ugali ko katulad ni Kuya. P-pero, ayoko na mapahamak ka. Nykirania ka at Dreamaniya ako. Sana maayos ang pagbabalik mo sa kaharian niyo." Dugtong nito.

Nanigas si Nikullas. Nagwawala ang puso niya ng hinalikan siya sa labi ng Princesa. Anong ibig sabihin ng halik na 'yun?

"Wala akong maisip na iba kaya ito nalang ang maibigay ko sa lahat ng ginawa mo sa akin. Unang halik ko 'yan at kahit hindi mo alam-" Hindi niya ito pinatapos dahil nagmulat siya. Agad na sinapo niya ang pisnge ng dalaga at sinakop ang labi nito. Nanigas lang ito habang magka-lapat ang labi nila sa isat-isa. Pero, hindi siya nito tinulak o sinaktan. Hinayaan siya nitong halikan siya.

Malalaki ang mata na tumingin ito sa kaniya.

"G-gising ka?" Gulat na gulat na tanong nito. "P-pasasalamat ko lang 'yun sa ginawa mo sa akin. Hindi mo kailangan na halikan ako ulit!" Namumula ang pisnge nito. Hindi niya alam kung sa hiya ba 'yun o sa inis?

Tahimik lang si Nikullas habang matiim na tiningnan ito.

"Ngayon lang tayo nagka-kilala-"

"Mahigit sampung taon na kitang kilala"

Napakurap si Argara sa inamin niya.

"A-ano?"

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Nagmamadali na umupo ito at umiwas ng tingin sa kaniya. Umangat ang kamay ni Nikullas at sinapo ang noo. May maliit na sinat pa ito.

"A-aalis ka, diba?"

Hindi si Nikullas sumagot. Tiningnan niya ang sugat ng Princesa at unti-unti na itong humihilom.

"Nirhu! Sagutin mo ako!" Sinigawan siya nito ulit.

"Nag-aalala ka ba dahil parusahan ako ng Ama ko?" Hindi niya inaasahan na 'yun ang natanong niya sa dalaga.

Hindi rin ito sumagot. Akmang aalis ito ng pinigilan niya ang Princesa. Umaasa ba siya na magugustuhan siya nito kung ngayon lang siya nito nakilala? Hindi ba siya nito natandaan?

"Argara, tinatanong kita. Nag-aalala kaba?" Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito.

"N-nirhu!"

Nagbuntong hininga siya at pinakawalan ito.

"Magpahinga ka muna. May sinat kapa"

"B-bakit? Bakit mo ako t-tinulungan? Sagutin mo ako" Seryuso na tanong ng Princesa.

Ano ang isasagot niya, dahil gusto niya ito noon paman? Maniniwala ba ito? Gusto na niya sumabog ngayon pero pinigilan niyang aminin dito ang totoo.

"Magpahinga kana-"

"B-bakit hindi mo sagutin?!" Sigaw nito ulit.

Hindi ni Nikullas sinabayan ang galit nito. Maingat na hiniga niya ang dalaga at kinumutan.

"Kukuha ako ng pagkain mo at prutas"

"Aalis kaba?" Ulit na tanong nito.

Umupo ulit siya sa harapan nito at umiling.

"Hindi ako aalis" Tugon niya dito. Hinihintay ang reaksyon ng Princesa.

Ngumiti sa kaniya si Argara. Minsan mabait ito sa kaniya pero minsan hindi niya kayang sabayan ang ugali nito.

Napatingin siya sa Princesa ng tumayo ito at hinila siya. Napakurap-kurap siya sa gulat.

"Argara-"

Natatawa itong tumingin sa kaniya.

"Alam mo bang hindi ka marunong mag-luto?"

Napatanga siya sa pagiging matapat nito. Pero, kinain nito?

"B-bakit mo kinain lahat?" Nagtataka na tanong niya.

"Dahil nagugutom ako?" Patanong na sabi nito.

"Argara"

Nagkibit-balikat lang ito.

"Masama pa ang pakiramdam mo-"

"K-kaya kona ang sarili ko, Nirhu"

Pinagmamasdan lang niya ang dalaga habang naghahanda ito sa pagkain nila. Naka-ngiti ito habang ginagawa ang lahat ng 'yun. Ngayon lang niya nakita itong ngumingiti.

"Tuturuan kitang mag-luto?"

Hindi niya kayang umiling sa Princesa. Tumango siya dito. Mas lalong ngumiti ito sa kaniya. Ganito pala ang kapatid ni Argon? Nakakatuwa siyang pagmasdan.

HINDI maintindihan ni Louisa Kung bakit nahihiya siya habang nakatingin sa kasintahan. Louisa can't stop herself once Argon kiss her. Normal lang naman siguro ang ginawa nila, diba? She mean, Louisa want to build a family with him. Iba ang mundo nila sa mundo na ito. Handa si Louisa na matali sa kasintahan.

Kaya hindi niya mapigilan na ibigay ang sarili sa kasintahan. Gusto nila bumuo na at magka-anak. Nasa insaktong edad na si Louisa para mag-desisyon at ito ang gusto niya. Hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa kanila ng kasintahan. Whatever the consequences, Louisa willing to face ito.

Napakagat labi siya sa suot na damit. Lumapit si Argon sa kaniya at dumungaw para halikan ang noo.

“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Dinikit ni Argon ang kamay sa noo niya.

“O-okay na ako.” Nauutal na sagot niya.

Louisa look away when Argon eyes drop on her clothes. Bakit ba nahihiya siya?

Mas lalong lumapit ito sa kaniya. Nanigas lamang si Louisa sa ginawa ng kasintahan.

P-pasensiya kana kung pinagod kita. Magpapahinga ka muna, Hart”

Bakit ba ang rupok niya pagdating dito? Argon intently staring on her while lowering his head to claim her lips. Dahil marupok siya, tinugon agad 'yun ni Louisa. Unti-unti humiga ang katawan nilang dalawa. Uulitin ba nila ang ginawa?

Hinawakan ni Louisa ang balikat ni Argon.

L-louisa, ipangako mo sa akin na i-ingatan mo ang sarili mo. Ayoko na nasasaktan ka” Bulong ng binata sa kaniya habang nakasubsub ang mukha sa leeg niya.

“Handa akong harapin ang nangyari sa atin dalawa, Louisa” Dugtong pa ng Kasintahan.

Napakagat labi siya sa narinig dito.

“M-mahal kita, Argon. Mahal na mahal” Sagot ni Louisa sa kasintahan.

Matiim na tumingin sa kaniya ang kasintahan. Alam na alam ni Louisa kung paano si Argon mawala sa sarili nito. And now, Argon staring on her the way he stare on her while owning her last night. Napakurap-kurap siya dito. Bakit nawawala yata ito sa sarili kapag sinasabihan niya ang tatlong salita na 'yun?

“G-gusto ko kapag nabuo na siya natin. Ang ipapangalan natin ay Margarita Louis, Louisa.” Bulong ng kasintahan.

Margarita Louis?

Ngumiti si Louisa at tumango dito.

“M-mahal na Mahal kita, Louisa. I h-hart y-you” Matapos nitong sabihin 'yun ay siniil na siya ng kasintahan ng halik!

A-argon” Tawag niya sa binata habang magka-dikit parin ang labi nila sa isa't-isa.

Pumunta ang kasintahan sa harapan at unti-unti itong sinakop ang kabuuan niya. Pigil na pigil ni Louisa ang hininga sa ginawa ng kasintahan. Ngunit, tila nawala na siya sa sarili ng lumalim ang halik na sinimulan ng kasintahan. At, saksi ulit ang sarili niya kung gaano siya inangkin ng kasintahan.

At, hindi nagsisisi si Louisa sa nangyari.

HINDI maipaliwanag na kaba ang ang naramdaman ni Princesa Katara na nakatingin sa paligid.

May sabik siyang naramdman subalit mas lalong nanaig sa kaniya ang lungkot at takot kapag nakita na niya ang lalaki gusto niyang makita.

Dalawangpu't anim na ang nakaraan, nandiyan parin ang pag-asa sa dibdib. Ngunit nagbago ang lahat nang 'yun dahil sa ginawa ng dating kasintahan.

Katara ?”

Bumuga nang malalim na hininga si Katara. Lumukob ang kaba na may munting ngiti sa labi niya.

Katara, anong ginagawa mo dito?” May diin sa boses nito. Tila hindi nagustuhan na makita siya. Ganun na ba ang galit ni Damon sa kaniya?

Alam ni Katara na galit sa kaniya si Damon, ngunit gusto ni Katara na malaman nito ang totoo. Sa dalawangput anim na taon na 'yon, nagdusa si Katara, nawalan siya nang anak. Nawalan siya nang pamilya, kaharian at mahal sa buhay dahil sa maling akala nito!

Gusto niya labanan noon ang Ama nito pero paano? Kung ang lalaking gusto-gusto niya at kaisa-isang malapitan niya kinahimuhian na siya?

Naging masama ang ugali ni Damon dahil sa maling akala!

Lumingon siya kung saan ang lalaking unang minahal niya. Napaatras siya nang dalawang hakbang sa nakikita ni Katara sa dating kasintahan. Hindi na siya ang Damon na nakilala niya noon, iba na iba na ito. Pinigilan ni Katara ang emosyon na nasa dibdib niya . Iniwasan niya ma umiyak sa harap nito at kaawaan.

Matapang na sinalubong ni Katara ang malamig na mata nang kasintahan niya noon.

Isang sumpa ang magmahal nang isang Nykiraniya, pero pinaglaban noon ni Katara ang gusto niya pero sa huli walang say-say ang lahat nang 'yun.

Binigay ni Katara kay Damon ang gamot para sa lason. Pinaghirapan niyang gawin 'yon dahil nalaman niya na malubha ang sakit nito.

Hindi ko kailangan 'yan. Umalis kana kung ayaw mong ipapatay kita—

Inumin mo, pasalamat ko sayo dahil hindi mo sinaktan si Qynara.

Ang anak mo!

Gusto idugtong ni Katara 'yon pero nawawalan siya nang lakas. Galit ang nakita ni Katara habang nakatingin si Damon sa kaniya.

Kinuha ni Katara ang kamay ni Damon at nilapag doon ang gamot. Kailangan nitong gumaling sa sakit kung hindi baka mapahamak si Nikullas sa kamay nang asawa at anak nito. Alam ni Katara kung sino si Nikullas, ang totoong pagkatao ni Nikullas.

Mabigat ang dibdib ni Katara kapag naisip niyang pinag-palit siya ni Damon sa isang naging matalik niyang kaibigan. Parang kapatid na ang turing ni Katara dito subalit sa lahat nang kabutihan na 'yun. May madilim palang pinaplano.

Inumin mo.” Nakiki-usap ang boses ni Katara habang matiim niya itong tinitingnan.

“Bakit mo ako tinutulungan?”

Inumin mo muna ang gamot at aalis na ako” Ulit pa niya.

Madilim na tumingin si Damon sa kaniya.

Lumuwag and dibdib ni Katara nang unti-unti ay ininum ni Damon ang gamot.

Umalis kana. Tinalikuran muna ako at iniwan, Katara—”

Sa natatandaan ko Damon. Wala akong ginawang masama. Naging totoo ako sayo!”

Madilim at nagtatagis ang bagang ni Damon.

Hindi nasasaktan pisikal si Katara pero nasasaktan ito emosyonal. Pinakawalan ni Katara ang luhang matagal na nitong pinipigilan. Tila napapaso si Damon sa nakikita niya at mabilis na lumayo sa kaniya.

Hindi mo ako kayang patayin pero kinaya mong wasakin at patayin ang pamilya ko, Damon? Dapat pinatay mo na ako, Damon! Sana pinatay mo ako kagaya nang ginawa mo noon” Puno nang hinanakit na sabi ni Katara.

Salpok ang kilay ni Damon sa sinasabi ni Katara. Hindi nito maintindihan ang sinasabi ni Katara. Naguguluhan ito!

Nandito ako para sabihin sayo ang totoo”

Huminga ng malalim si Katara. Gusto na niyang sabihin sa kaniya ang totoo. Tungkol sa dalawang anak nito.

“Sabihin muna”

B-bago ako umalis—” Napatigil si Katara ng marinig ang boses ni Thana.

“Damon?!” Ang lakas ng sigaw nito at ang boses nito ay galit.

Hindi maintindihan ni Katara kung bakit hinila siya ni Damon sa madilim na sulok ng kaharian nito. 

Wag ka nang bumalik dito kahit kailan, Katara” Madilim na bilin ni Damon.

Hindi yata gusto ng tadhana na malaman nito ang totoo. Kaya mas mabuti ng hindi na niya sabihin dito.

“Siguro, hindi ka karapat-dapat na mahalin nila, makilala nila! Isa kang duwag, Damon! Hindi ko alam bakit minahal ko ang isang tulad mo.” Galit na galit si Katara habang sinasabi 'yun sa dating kasintahan.

Ngunit, ang ikinagulat ni Katara. Ang gulong-gulo na mukha ni Damon habang sinasabi 'yun.

Pinatay mo ang anak natin. Pinatay mo siya!

A/N : 40 chapter nalang ..😉

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

874K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...