Her Wicked Battles

By ImperfectionWoman

46K 1.8K 127

ENCOUNTER SEASON #1 Garelle Kane Landers has an insensitive/numb heart and lifeless eyes. She has no friends... More

Note
SYNOPSIS
BEFORE IT STARTS
HWB 01
HWB 02
HWB 03
HWB 04
HWB 05
HWB 06
HWB 07
HWB 08
HWB 09
HWB 10
HWB 11
HWB 12
HWB 13
HWB 14
HWB 15
COG Announcement
HWB 16
HWB 17
HWB 18
HWB 19
HWB 20
HWB 21
HWB 22
HWB 23
HWB 24
HWB 25
HWB 27
HWB 28
HWB 29
HWB 30
AU Announcement
HWB 31
HWB 32
HWB 33
HWB 34
HWB 35
HWB 36
HWB 37
UR ANNOUNCEMENT
HWB 38
HWB 39
HWB 40
HWB 41
HWB 42
HWB 43
HWB 44
HWB 45
HWB 46
BOT ANNOUNCEMENT
HWB 47
EPILOGUE
MESSAGE
ES #2
New Story

HWB 26

452 26 3
By ImperfectionWoman

Day 22 - Building of Snama - 8:30

// Gakane //

"200 years ago when King Ambrocio took the throne of the Fracus Kingdom and Queen Mequa took the throne of Draguana Kingdom. At the age of 23, their management has been more beautiful in history and has had good results. But, did you know that these two royal fell in love with each other?"

Suminghap ako ng hangin para mawala man ang kahit papaano ang antok. Sa gilid ng kanang mata ay nakita ang pagtaas ng kamay na aming kasamahan. Paniguradong magtatanong.

"Did they end up with each other?"

Humakbang ng dalawang beses ang taong robot habang nakatingin sa lalaking nagtanong.

"No," pagsagot. "Draguana Kingdom has strict laws than the Fracus Kingdom."

"Very strict." Rinig ko mula sa likod.

"Today we'll discuss the Fracus Kingdom during the reign of King Ambrocio. Anyone who knows about his management?"

I raised my hand na kinalingon nila sa akin. Tumayo ako at humikab. 

"Nagugutom na ako."

Nakarinig ako ng mahihinang tawa pero may komentong kinangisi ko sa isipan. 

"Bastos naman."

"Haven't you eaten yet, Ms. Landers?"

Umiling ako at maglalakad na sana nang may tinanong ito na kinahinto ko dahil ramdam ko ang seryoso niya kahit na robot pa ito. 

"What are you doing is rude, Ms. Landers. Can you ask in a polite way?"

Ngumiwi ako pero mabilis ding iniwala. "Pwede ba akong kumain, Mentor Drimeo?"

"No."

Tumango ako at umupo 'saka sumandal sa upuan. Nang makita nila ang ginawa kong pagbabaliwala ay ipinagpatuloy nang taong robot ang naudlot na sasabihin.

"Back to our topic," pagkuha sa atensyon.

"Ang lakas ng loob mo, Gakane." Umiiling na sabi ni Dyx na hindi ko pinansin.

"Nahuli ka na sa klase, ganoon pa ang sinabi mo." Dagdag ni Aurum. "I knew it, this is not worth it."

Ibinagsak ko ang kubyertos at tumayo. Napatingala sila sa akin. Walang pasabing umalis sa kanilang pwesto buhat-buhat ang bandeha na may laman ng aking pagkain. Hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang boses ni Arao.

"Ganyan, Gakane. Ganyan nga. Umalis ka pagkatapos ng ginawa namin para sa'yo."

Napairap ako sa kawalan at humarap ulit sa kanila at lumapit. Ibinagsak ko ang pagkain kaya may natapon ang iilan doon.

Tiningnan ko harap-harapan ang mga mata ni Arao at nararamdam ko ang kaba sa kaniya. Imbes na umiwas ito ay hinarap niya parin ako. Nginisian ko siya at kaunting tinagilid ang ulo pakanan.

"Hindi ko hiniling na buhayin n'yo ako." Malamig kong sabi.

"Garelle..." Suway ni Misty at naibaba naman ni Aurum ang paningin kaniya.

"Pinagsisisihan mo na ba, Misty?" Inis na saad ni Arao. Nilingon siya ng babae.

"A-ano..."

Tumayo ako ng tuwid at tiningnan silang lahat doon. Kita sa mga mata nila ang pagkakagulo, galit, at paghindi pagkakapaniwala. Kasama ang mga fairies na nakatingin din sa akin.

"Hindi ko alam ang mga naging usapan n'yo," pagbabalik usapan ko at ibinalik ang tingin sa kaharap na babaeng maharlika. "Pero kung anuman iyon ay tama ngang hindi niyo nalang ginawa ito kung pagsisisihan n'yo rin pala."

Nang hindi sumagot ang kausap ay binasa ko ang labi. "Sa susunod, huwag kayong gagawa ng hakbang na hindi n'yo naman pala gugustuhin sa dulo. Ngayon, 'wag niyo sa akin isisi dahil unang-una, kasalan ninyo 'yan."

"Hindi ko inaasahang ganito ang kakalabasan, Gakane." Pagsasalita ni Jobo na may lungkot sa mga mata. "Ang inaasahan kasi namin ay magbabago na ang pananaw mo sa amin kapag iniligtas ka namin."

Napaangat ang gilid ng labi ko. "Malapit na kaso," sinilip ko si Arao. "Hindi na pala."

Napatayo si Misty. "Gakane tumigil ka na, please! Huwag mo na kaming pahirapan sa mga trato mo!"

Huminga ako ng malalim at napailing. "Ang tanga n'yo naman."

"Garelle Kane," matigas na bangit ng prinsipe.

"Gakane hindi ka naman ganito noong bumalik ka ah?" Si Jobo.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso at hindi nakaimik.

"Gakane bakit hindi mo parin kayang pahalagahan ang mga ginagawa namin sayo?" Si Dyx.

Bumalik sa isip ko ang mga narinig kagabi.

"Isipin n'yo nalang ang gusto niyo isipin." Huling sabi ko bago umalis sa kanilang grupo.

Oras ng ensayo pero na andito kami ni Axalus, nasa sanga ng puno habang pinapanood ang mga kasamahan sa kani-kanilang ginagawa. Napahinto lang ang lahat ng sumulpot ang hologram at naghintay sa sasabihin.

"Good afternoon, students! The SSC President assigned everyone to do a task every Tuesday. Bema is assigned to clean the entirety of the Ond Wall. Woma is assigned to Girig Wall. Eama is assigned to Grov Wall and Snama is assigned to Okrossbar Wall. Every Tuesday, class, and training will be canceled."

"Moreover, congratulations to Ms. Glaze Yazzi from Bema, she correctly Identified one of the fake members of the Supreme Student Council. Their group is the first group that will receive five thousand points. Fake Vice President is now removed in position."

"She's suspicious." Bulong ko pero narinig parin ng katabi ko.

"Bakit naman? Anong mayroon sa kanya?" Taas ang kilay na sabi ni Rucklam.

Tinaasan ko rin siya ng kilay pagkalingon ko. "Wala ka na roon."

"Akala ko ba magkaibigan na tayo?" Kunyaring tampong aniya.

Mapanghusga ko siyang tiningnan at inirapan. "In your dreams."

Napausog ako ng makitang bumubuwelo si Axalus at ilang segundo ng tumalon siya sa ibaba. Binasa ko ang ilalim na labi kasabay na muntikang mabagsakan si Arao dahil sa pagtakbo niya na hinahabol ni Bryne.

"What the hell, Rucklam!" Gulat ang tiling iyon at napahawak pa sa dibdib, hinahabol ang hininga.

"Pasensya na." Ngumiti lang ang lalaki at tumakbo papunta kila Guzman at Handel.

Tumingala si Arao at nagkatama ang mga mata namin. Una akong umiwas at dinama ang init ng hangin.

"Arao, let's go."

Ngumisi ako ng mawala ang dalawang maharlika at tinanaw nalamang si Misty at Dyx na naglalaro nalamang gamit ang kanilang sandata.

"Bakit ang tamad mo mag-ensayo." Si Sweet, habang paakyat dito sa sangang kinalalagyan ko gamit ang hagdanan na ginawa nila noong wala ako. Nang makaupo ay huminga siya ng malalim. "Kane..."

"Hmm?" Mahina kong sagot.

"Ano ng balak mo?" Makahulugang aniya at sinulyap ako. Nagkasalubong ang kilay ko ng hindi maintindihan ang tinutukoy niya.

"Ano?"

"Akala ko ba nasabi na ni Axalus?" Bulong nito pero masyado namang malakas.

"Sinabi na niya, nagawa ko na, inanunsyo pa."

Narinig ko ang mahina niyang tawa. "Hindi mo sasabihin sa kanila?"

Ako naman ang natawa kahit na wala talagang maramdaman. "Bakit ko sasabihin? Maghirap sila."

"Matatapos na 'to kung magbibigay ka ng palatandaan."

"Hindi mo 'ko mauutusan, Sweet."

"Tss.."

"Bakit ikaw, hindi mo ba sasabihin sa kanila kung ano ang posisyon ko?" Balik ko at lumingon sa kaniya na kinalingon din sa akin.

"Bakit ko sasabihin? Sino ba sila para sabihin ko ang totoo?"

Sinuklay ko ang magulong buhok. "Kaibigan?"

Nandidiring tumingin siya sa akin pero walang salitang lumabas sa nakabukang bibig. Tinaasan ko siya ng kilay bago umiwas ng tingin. Tinikom niya iyon at umayos ng upo.

"Befriended with them." Utos iyon.

"Nakikisa--"

"Molventte," mahinang tawag ko pero matigas ang pagbanggit.  

"Hindi ba dapat kung makikipagkaibigan ako ay hindi labag sa puso ko, Garelle Kane?" Aniya at makahulugang tiningnan ako. "Bakit hindi mo muna gawin?"

"Hindi ako tumatanggap ng utos."

"Pero na--"

"Madali lang ako kausap, Sweet."

"Nakakatawa ka talaga," aniya sa inis na tono.

"Gakane, Sweet, sali kayo sa amin!" Sigaw ni Misty mula sa baba. Nang magkatinginan kami ay ngumiti siya.

"Madali lang naman sila mahalin pero mahirap din sila pagkatiwalaan."

Takot na takot kong inilibot ang paningin sa paligid. Bagsak na ang mga gusali. Bagsak na ang mahal kong bayan. Sino ang may sala?

"Umalis na tayo," paos na sabi ng ama at niyakap ako. "Hinihintay na tayo ng tiyo mo."

Ipinikit ko ang mga mata at naramdaman ang luhang bumagsak sa aking pisngi. 

"Paano si Gaki, Ama?"

"Hahanapin natin siya, mahal ko. Hahanapin natin ang kapatid mo."

Akala ko tapos na iyon pero hindi pa papala. Nakarinig kami ng malakas na pagsabog malapit sa amin na kinatili ko. Lumakas ang hagulgol ko at mahigpit na niyakap ang ama, natatakot na mawala rin siya sa akin.

"Ama ko..." Nanginginig ang boses.

Binuhat ako ni ama at sinubukang tumayo kahit na may sugat na dinaramdam ito. Lakas loob siyang tumakbo na para bang walang sakit na nararamdaman. Humigpit ang pagkakayakap ko sa ama. Nanalangin na sana makaalis kaming ligtas.

"Tulong!"

Isang sigaw na nagpahinto sa aming dalawa. Isang sigaw na nagpabago sa lahat.

"You need to stay here, Garelle. He will keep you safe." Banayad na boses ang sabi sa akin ng Ama at hinawakan ang pisngi ko. "I can't let you be with me, I'm sorry. I can't let them see your eyes like that."

"B-bakit po?" Nanginginig ang boses kong tanong sa ama.

"I'm sorry, Garelle. I can't tell you." Bumuntong hininga ang ama at malungkot na ngumiti. "Please stay alive, my dear. I'll see you soon."

Nasira ang isang bayan ng Snakus Kingdom. Kumalat iyon pero nawala rin noong dumaan ang maraming taon. 

__

"Garelle," inayos ko ang kumot na nakapalibot sa akin at ipinatong ang baba sa tuhod habang nakatingala sa madilim na langit. Umupo sa tabi ko si Misty at ginaya ang ginawa ko. "Anong pinag-usapan niyo ni Sweet kanina? Mukha kayong seryoso kaya nakakakuryuso."

"Bakit ka nandito?" Pag-iiba ko at humikab.

"Sinundan kita syempre, lagi ka nalang kasi lumalabas ng ganitong oras. Hindi ba ay may gagawin pa tayong paglilinis bukas?"

"Matulog ka na."

"Oo nga pala, pasensya na kung napagtaasan kita ng boses kanina." Malungkot niyang sabi. "Hindi ko sinasadya, Kane..."

"Anong kailangan mo?" Diretso ko.

Huminga siya ng malalim at napalingon ako sa kaniya ng niyakap niya ako. "Gusto ko lang sabihin na, no matter what happens, whoever you are, what you are, and what you have such as attitude and heartless, nandito lang ako, hindi kita iiwan kasi mahal na mahal kita bilang kapatid, Gakane."

Bakit ang bilis mo magbigay ng pagmamahal at tiwala, Misty?

"Oo nagagalit ako minsan ng patago pero mahal na mahal kita. Kahit na tumagal tayo na magkakakilala, ikaw parin ang kaibigan ko, at nag-iisang kaibigan."

"Why are you saying these?" Hindi makuha kong tanong. Nagkasalubong rin ang kilay ko dahil gusto kong makaramdam ng kahit anong pakiramdam. Ipinipilit na sana makaramdam. Sana, naiintindihan ko ang sinasabi niya gamit ang pakiramdam. Gamit ang puso.

"Sinasabi ko lang 'to kasi alam kong iniisip mo na hindi mo ako magiging kaibigan at hindi mo 'ko kahit kailan ituturing na kaibigan pero kahit na ganoon, ituturing parin kitang kaibigan at kapatid."

Napapikit ako ng maramdamang tumibok ang puso. Kinagat ko ang ibabang labi ng makaramdam ng sakit at kirot imbes na saya at ginhawa. Nakaramdam ako ng pagbabalik panlalamig hanggang sa mamanhid.

"Garelle.."

"Hmm?"

Tahimik akong huminga ng malalim, sinusubukang huwag niyang marinig iyon.

"If I could wish for one thing, I want a smile on your face." Malambing niyang bulong. "Genuine and unforgettable."

Naibaba ang mga mata ko sa braso niyang nakayakap sa akin at unti-unti iyong tinanggal. Patay ang mga matang tinignan ko siya at ginulo ang buhok.

"Ang dami mong drama, matulog ka na."

Natawa siya at tumango. "Matulog na tayo."

It was a wonderful night, wasn't it?

Pero sana hindi ko nalang pala hiniling sa puso. Sana tumahimik nalang ako. Sana hinayaan ko ng ganito nalang ako. Kung sana wala ng mararamdamang ganito.

Patay ang mga mata kong tiningala ang buwan. Hindi ito buo pero kitang-kita dahil sa liwanag na ibinibigay sa madilim na langit. 

"Hindi ka liliwanag kung walang tutulong sayo," tukoy ko sa buwan.

Pero kahit na maliwanag ang buwan sa madilim na langit. May mga ulap na tatakpan ka para mawala ang liwanag mo at para maghari ulit ang dilim. Hindi mo alam nasa madilim na ulap ay iyak ang ibibigay.

Hiniling ko lang noon makaramdam ng pakiramdam pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang mga mararamdaman sa pakiramdam. Gusto ko tuloy ibalik pero paano? Gusto ko nalang tumawa ulit ng walang tunog. Gusto ko nalang ulit bumalik sa pakiramdam na walang maramdaman.

"Makikisali muna ako sa kainan niyo, wala pa kasi sila Sapphire na laging kasabayan ko." Nakangiting pahayag ni Rucklam at umupo sa gitna namin ni Misty. "Magandang umaga nga pala sainyo."

"Magandang umaga, Axal." Bati ni Misty sa mahiyaing tono. Nginitian naman siya ng lalaki.

"Mamaya, saan tayo mag-uumpisa?" Tanong ni Dyx. "Masyadong malaki ang lugar na ibinigay sa atin ng presidente. Nakakainis naman siya."

Iniabot ko ang tubig nang masamid ako. Nilingon ko si Rucklam nang abutin niya ang likod ko at mahinang hinampas-hampas iyon.

"T-tanggalin mo y-yan..." Inuubo kong utos dito at tinuloy ang pag-inom.

Nakita ko ang tinginan ng mga kasamahan ko. Makahulugan iyon at parang alam ko na ang kanilang iniisip.

"Garelle.." Si Dyx.

Umubo ako ng malakas bago sumagot at sinamaan ng tingin ang bakla. "Hindi ako."

"Wala pa akong sinasabi!" Ngingising aniya.

Inirapan ko siya at nagpatuloy kumain kahit na ang kati-kati ng lalamunan ko, gusto na namang umubo ako.

"Gakane uminom ka pa ng tubig."

Tumayo ako at kinuha sa kamay ni Axalus ang baso at inayos ang pinagkainan bago iyon iangat.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Jobo.

"Aalis na," tugon ko at tutuloy na sana sa binabalak ng magsalita si Arao.

"Hindi mo ba kayang maghintay matapos kaming lahat?" Dismayado niyang sabi.

Noong nilingon ko siya ay nakaramdam ako ng kaba. Tangina. Bakit ganito?

___________________________________________________________________________________________


Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 415 34
Ambrosia finds her life to be distorted, one day she was kidnapped then found herself being chased by weird people that rainy night. More to that, sh...
1.2K 97 79
Xyrill always wondered if there are other lifeforms outside the Earth. But her questions will be answered after she got kidnapped by humans that live...
16.5K 770 32
(COMPLETED) A story of bravery, sacrifices, and love. How can a petite woman carry all the burdens from the past, present and future? A very tragic...
2.5K 145 32
ENCOUNTER SEASON #4 Going back to the past to change the future, can she do it? COMPLETED FILIPINO LANGUAGE Date Started: June 08, 2021 Ended: Novem...